Nikki Gil says she is at her happiest now

Nikki Gil on finally achieving the right balance in her life: “Things are going through changes in my life and it only gets better. As long as tuluy-tuloy lang. I’m not asking for so much, yung tama lang. I just want to live my life the way God wants me to live it.”


Pagkatapos makaranas ng matinding heartbreak noong nakaraang taon, dahil sa breakup nila ni Billy Crawford, naka-move on na raw nang husto ang Kapamilya singer-actress-TV host na si Nikki Gil.

Inamin din niyang mayroon na siyang bagong karelasyon, pero desisyon daw niyang huwag na lang itong pangalanan dahil gusto niyang maging pribado ang kanyang kasalukuyang relasyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nikki sa shooting ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Big Bossing, sa Camelot Hotel, noong October 7, sinabi nitong sobrang masaya siya sa kanyang buhay ngayon dahil nahanap na niya ang taong magpapangiti sa kanya muli.

Saad niya, “It’s about time na maging masaya na ako, ‘di ba?

“It’s been more than a year since everything happened. Huwag na nating balikan pa yun.

“I know that God has great plans for everybody and natutuwa naman ako that great things are happening in my life.

“Yes, I am at my happiest.

“Maybe because personally and professionally, lahat maayos, lahat nasa tamang lugar.

“I never stopped praying for happiness and peace.

“And now that God has given me that, neverending naman ang pasasalamat ko.”



SECRET… FOR NOW. Tungkol naman sa kanyang new love, nakiusap si Nikki na huwag muna siyang magdetalye tungkol dito.

“Hindi naman sa nagiging selfish ako, pero sa akin na muna ito.

“Matagal din ako nag-soul search. And I want to take care of this relationship.

“’Tsaka hindi naman siya taga-showbiz. Kaya nakakahiya if I even mention who he is now.

“Siguro kapag tumagal-tagal, makakasanayan na niya ang lahat.

“But for now, private na muna siya,” saad ni Nikki.



BUSY BEE. Ngayon ay sobrang busy raw ni Nikki na napagsasabay-sabay niya ang paggawa ng teleserye (Hawak Kamay), stage musical (The Last Five Years), at ang pag-shoot ng pelikula (My Big Bossing).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Before kasi, paisa-isa lang ang work ko. Hanggang doon lang kasi ang kaya kong gawin noon.

“Ngayon, I’m surprised na kaya ko palang mapagsabay-sabay.

“Nagugulat ako na ganito na pala ako ka-productive this year. I am so thankful kasi puro ako work.

“Kahit na may pagod factor, I only have God to thank kasi He has kept me busy with all these blessings.

“Nararamdaman ko lang naman ang pagod kapag wala ka nang ginagawa, e. Kaya I need to be busy parati.

“Pero siyempre, alaga rin sa katawan. Ayoko rin namang abusuhin ang katawan ko.”

Unang-unang inaalagaan ni Nikki ang kanyang boses dahil ito raw ang puhunan niya.

“Todo-alaga ako sa voice ko.

“Kasi ito ang career natin, e—singing, hosting, acting. Lahat gamit ang boses.

“I’ve been taking voice lessons under Kitchie Molina.

“So, may mga techniques na akong alam kung paano makontrol ang pagsasalita ko, pagkanta without forcing it too much.

“Para lang daw makina ‘yan na from time to time ay pinapa-tune up.

“’Tulad ngayon na napupuyat ako parati, kailangan talaga alaga sa lahat.”



MMFF ENTRY. Ikinatutuwa naman ni Nikki na mapasali siya sa MMFF entry na My Big Bossing.

Kuwento niya, “Hindi ko pa nakakaeksena si Bossing [Vic Sotto], puro kay Ryzza [Mae Dizon] muna ako.

“First time ko silang makatrabaho lahat, lalo na ang director naming si Bb. Joyce Bernal.

“Ang saya parati sa set kasi may mga bata, like si Ryzza at Alonzo [Muhlach]. Nakakawala sila ng pagod at puyat.

“Exciting din for me kasi first time akong magkaroon ng MMFF movie.

“Dati nanonood lang ako, ngayon meron na akong movie na ipapalabas on Christmas Day.

“’Tsaka chance ko na makasakay ng float sa parade ng MMFF.

“Ako kasi, hindi naman ako parating gumagawa ng movie. I only did two indies before [Red Shoes and Badil].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon lang ako nakagawa ng movie for a big film company.

“Kaya looking forward ako sa parade and being with the other stars na may mga pelikula sa MMFF.”



SINGING CAREER. Next year daw ay ang recording career naman niya ang aasikasuhin ni Nikki.

Saad niya, “Everyone knows na singing ang una kong gusto talaga.

“I come from a musically-inclined family at love ko ang lumabas sa mga musical productions.

“Yung last album ko was four years ago pa. So, gusto ko naman next year may bago na ulit.

“I want to go back to my first love.”

Kayang-kaya niyang magsulat ng sarili niyang mga kanta, lalo na’t marami na siyang pinagdaanang masasakit na experiences sa lovelife niya.

“Parang Taylor Swift lang?” tawa pa niya.

“I tried doing it. Siguro konting push pa sa akin.

“Ang hirap lang siguro is mate-trace ng marami kung sino ang tinutukoy ko sa mga isinusulat kong songs.

“Bahala si Lord kung matapos ko ‘yon. That song naman would be about me and my real emotions.”

Na kay Nikki na nga ang matagal na niyang hinahanap na balanse sa buhay niya—magandang takbo ng career at bagong inaalagaan na relasyon.

“Things are going through changes in my life and it only gets better.

“As long as tuluy-tuloy lang. I’m not asking for so much, yung tama lang.

“I just want to live my life the way God wants me to live it,” aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN