Carla Abellana clueless on how to earn a title in showbiz; willing to work with Gina Alajar

Carla Abellana on possibility of working with Gina Alajar: “That would be an honor kung maidirek niya ako sa isang project or something. Kasi hindi ko pa nakikita, hindi ko pa alam, e, how she works as a director, e. Pero, why not? Siyempre ano yun, honor yun for me.”


Aware si Carla Abellana sa obserbasyon ng marami na malaki ang pagkakahawig nila ng kapwa niya Kapuso actress na si Marian Rivera.

“Dati pa! Sabi nila, puwede daw kaming magkapatid sa pelikula o teleserye,” reaksiyon ni Carla nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng My Destiny, noong Lunes, October 13, sa Biñan, Laguna.

Bilang isa sa mga itinuturing na “prinsesa” at “next in line” sa GMA Network, ano ang magiging reaksiyon niya kung sakaling sa kanya isalin ang korona at trono ni Marian bilang Kapuso Primetime Queen?

“Dapat hindi niya i-give-up yun!” sagot ni Carla.

Paliwanag niya, “Parang ano na yun… parang, honestly, hindi ko kasi alam what it takes, ‘di ba?


“Paano ba i-earn yung title na yun, ano bang mga…

“Hindi ko alam kung paano ma-achieve yung ganung title.”

Pero kung sakaling sa kanya nga isalin ang titulo bilang reyna ng GMA, ano ang mararamdaman niya?

Sabi ni Carla, “Honored naman!

“Iba yun, iba yung may title ka. Honor yun, siyempre iba yung may title ka.

“Pero honestly, hindi ko naman alam kung paano mo mararating yung ganun.

“Kung sa tagal ba ‘yan ng trabaho mo sa showbiz, sa dami ba ‘yan ng projects, sa earnings ba ‘yan…

“Hindi ko alam talaga kung paano and saan nanggagaling yung ganyan.

“Kung sa network ba, ‘di ba? Ibinibigay ba ng network yung title?

“Pero iba yun, siyempre.

“Siya [Marian], na kung anu-ano na pinagdaanan niya para ma-achieve niya yun, so huwag niya namang i-give-up yung title.”

Pero sa ngayon ba ay tanggap ni Carla na para sa nakararami ay isa siya sa mga prinsesa ng Kapuso network?

“Salamat, thank you, thank you po!

“Hindi ko alam kung… at least, gusto ko yun, princess!” natatawang tugon niya.



GINA ALAJAR. Hiningan din namin ng reaksiyon si Carla sa sinabi ni Gina Alajar sa isang panayam na walang problema na idirek nito si Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung maiilang si Carla ay huwag na lamang.

Si Gina ang ina ng ex-boyfriend ni Carla na si Geoff Eigenmann.

Maiilang ba si Carla kung sakaling maidirek siya ni Gina?

Tugon niya, “Hindi naman. Kasi nakatrabaho ko na si Tita Gina, hindi bilang direktor.

“That would be an honor kung maidirek niya ako sa isang project or something.

"Kasi hindi ko pa nakikita, hindi ko pa alam, e, how she works as a director, e.

“Pero, why not? Siyempre ano yun, honor yun for me.”

Hihingi ba siya dito ng pointers kung paano ring maging isang direktor?

“Oh, wow, puwede! Puwede, puwede.

“Susunod sa yapak, parang ganun, gagayahin.

“Puwede… puwede, puwede, oo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN