Carla Abellana not ready to answer Tom Rodriguez’s most important question

Carla Abellana on status of relationship with Tom Rodriguez: "I consider him one of my really special friends. Yun bang anytime puwede mong kausapin talaga. Mag-o-open up ka sa kanya or hihingi ka ng tulong, parang ganun."


Sa isang panayam kay Tom Rodriguez ay sinabi nitong may potensiyal na maging isang direktor ang kanyang kapareha sa My Destiny na si Carla Abellana.

May “mata” raw kasi si Carla at mabilis na pag-iisip, hindi lamang sa pag-arte kundi maging sa teknikal na aspeto ng taping ‘tulad ng pag-iilaw at pag-aangulo ng kamera.

“Wow!” reaksiyon naman dito ni Carla.

Gusto niya ba talagang maging direktor?

Sagot ng Kapuso actress, “Hindi ko siya gusto, pero parang nakikita ko yung sarili ko na, eventually, gusto ko siyang subukan.

“Na nakakatakot isipin, na parang sa ngayon, hindi ko pa nakikita kung paano ko siya kakayanin.

“Pero I see it as a possibility na baka, one day, maging direktor rin ako or subukan ko siya.

“Kasi may tendencies ako nagiging technical—sa anggulo ng cameras, sa ilaw, sa blocking… yung mga ganung bagay.

“So, parang puwede, possible siya.”

Sinabi rin ni Tom na marami siyang natutunan kay Carla.

Kuwento naman ng aktres, “Sabi nga niya yun. Sabi ko, ‘Ano, acting-wise ba ito? Sa career ba ito?’

“Acting-wise nga daw, na even before naman nung sa My Husband’s Lover, ang dami na niyang questions, e.

“Marami na ‘yang questions, from the simplest things, like yung blocking, looking or finding your light, mga ganun, to acting itself na.

“Kung paano mag-motivate, yung ganyan.

“Very ano naman siya… hindi siya nahihiyang umamin na ang dami niyang kailangang matutunan.

“So, lagi naman niyang sinasabi na, ‘My gosh, ang daming kong natututunan sa inyo ni Dennis [Trillo] nung MHL!’

“So, hanggang ngayon naman daw, may mga nakukuha pa din siya.

“So, at least, very grateful ako na, at least, sabi ko, ‘Ano, ano naitutulong ko?’

“Parang, ‘Wow, meron pala!’

“So, nakakatuwa na, at least, from somebody na mas may experience sa drama, yung ganyan na kahit papaano meron ka palang naipapasa na payo, ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MOST IMPORTANT QUESTION. Lahat ba ng tanong sa kanya ni Tom ay sinasagot niya?

“Oo naman. Kung kaya kong sagutin,” sabi ni Carla.

E, yung pinakaimportanteng tanong?

“Ang matamis na oo? Hindi pa,” mabilis na sagot niya, na tila nahulaan agad ang nais naming tumbukin.

Patuloy ni Carla, “Sabi ko nga, sana ‘pag ano, sana makapag-date man lang kami or something.

“Yun bang magkaroon kami ng time na kaming dalawa lang.

“Wala pa, kasi ngayon, puro kami trabaho.

“Hindi kami nakakapag-date.

“Ang date namin, lunch break dito, yung ganun, dinner break.

“So, sana magkaroon na kami ng time.”

Ang label ni Tom sa kanilang dalawa ay “very good friends.”

Ano ang reaksiyon niya dito?

“Parang wala naman din siyang label na ibinibigay.”

Pero iyon nga ang sabi ni Tom.

“Yeah, oo, good friends.

“Oo naman, siyempre I consider him one of my really special friends.

“Yun bang anytime puwede mong kausapin talaga.

“Mag-o-open up ka sa kanya or hihingi ka ng tulong, parang ganun.”



READY TO LOVE AGAIN. Handa na ba si Carla na magmahal muli?

Saad niya, “Hmmm… sana may time ako kung makapag-isip muna.

“Kung ready na talaga ako. Yun bang magkaroon ako ng personal time na wala na akong ibang naririnig kundi yung sarili kong thoughts. Yung ganun.

“Kasi, wala pa ngayon, puros naririnig ko sigawan, ganyan, mga aberya sa set, mga ganyan.

“So, sana magkaroon ng time na makapag-isip, na may personal time.”

Hindi raw siya naiinggit sa ibang mga artista na may marriage proposals na.

“Hindi naman, kasi… bakit nga ba?

“Kasi, unang-una, they’ve been in show business longer.

“Yung mga relationships nila, matatagal na yung mga ‘yan.

“I would say, kahit papaano, mas maano sila… mas may experience, mas matagal na sa showbiz, they’re older, yung ganyan.

“So, hindi naman, hindi naman naiinggit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, alam mo naman that you will have your own time, one day.”

May partikular ba siyang edad na nais niyang makapag-asawa?

“Sabi ko dati, twenty-seven. Nung college ako, sabi ko twenty-seven.

“Twenty-eight na ako, e, lagpas na!

“Sana by ano, by thirty, mga ganyan. Sana by that time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN