Zanjoe Marudo not affected by blind item: "Wala namang tinukoy kung sino, so bakit ko kailangang ipaliwanag?"

Zanjoe Marudo on why he and Bea Alonzo are not yet ready to settle down: "Wala pa kami sa posisyon at sa estado na second priority ang trabaho. Siyempre, kapag papasok ka sa ganyan, kailangan mo rin na pangalawa na lang ang trabaho. Siyempre, kung bubuo ka ng pamilya, magse-settle down ka na, ‘di ba? So, nandoon pa kami sa trabaho talaga ang first priority namin."


Nagbigay ng reaksiyon ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo sa blind item tungkol sa isang aktor na may karelasyon ngunit iba-iba diumanong babae ang kasama sa hotel room nito sa Japan.

Marami sa mga nakabasa ng nasabing blind item ang humulang si Zanjoe ang tinutukoy na aktor.

Sabi niya tungkol dito, “Nabasa ko ang blind item.

“Pero, blind item naman yun, hindi na dapat pangalanan.

“Yung mga nagta-tag, hula nila yun.

“Ako naman, iba naman ang hula ko!

“Parang wala namang tinukoy kung sino, so bakit ko kailangang ipaliwanag?”

ZANJOE KNOWS THE TRUTH. Ano ang naramdaman niya sa hinala ng iba na siya ang tinutukoy sa nasabing blind item?

Sagot ni Zanjoe, “Siyempre, alam ko naman ang totoo.

“So, alam ko kung ano talaga ang nangyari noong nandoon kami.

“Wala namang sinabing lugar.”

Tinanong ba siya ng kanyang girlfriend na si Bea Alonzo tungkol dito?

“Hindi naman,” sagot ng aktor.

“Nabanggit lang niya na may blind item, ‘Parang ikaw yung sinasagot ng mga tao,’ parang ganun.

“’Tapos noong binasa ko, sabi ko, parang ang dami namang hindi tugma… parang ganun.”

Dagdag pa niya, “Hindi naman sinabi na ‘si Zanjoe ay nagpunta,’ wala namang ganun.

“Kaya nagtaka nga ako na pinag-usapan pa, hindi naman alam kung sino yun.”

Pero napaisip din ba siya kung bakit sa kanya ikinukonek ang naturang blind item?

Pahayag ni Zanjoe, “Siguro kasi ako yung artistang galing ng ibang bansa.

“Noong mag-show nga ang Banana Split sa Japan, ‘tapos si Bea yung…

“Parang kami yung alam na may ganun, nag-out of the country.

“So, parang kaya siguro naisip ng tao na ako yun.”

Kaya ba niyang sabihin na nananatili siyang tapat sa relasyon nilang ni Bea mula nung umpisa?

Mabilis na sagot ni Zanjoe, “Oo naman, oo naman.

“At saka, hindi naman naging isyu sa amin ang mga third party, wala sa amin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang panayam ni Bea ay sinabi nitong pareho silang hindi seloso ni Zanjoe.

Pagsegunda naman ng aktor, “Oo, siguro kasi secure kami pareho.

“Alam namin na mahal namin ang isa’t isa.

“So, wala naman kaming isyu sa mga ganoong bagay-bagay.

“Siyempre, ‘di ba, kung makakarinig ka ng ganoong balita, kung normal na sitwasyon yun, dapat mag-aaway na kayo.”

Hindi siya naiinis kapag may mga nagdududa sa kanyang katapatan?

“Hindi naman, hindi naman ako naiinis, kasi nga, kailangan kong gawin ang trabaho ko.

“Sila rin, kailangan nilang gawin ang trabaho nila.

“Kaya lang, yun ang way nila, yun ang trabaho nila.

“May naapektuhan din siyempre kahit papaano.”



THREE YEARS. Sa isang banda, tatlong taon na ang relasyon nina Zanjoe at Bea at napapanatili nila itong matatag at tahimik.

Posible kayang ito ang dahilan kaya may mga lumalabas na isyung ganito sa kanila?

Pahayag ni Zanjoe, “Ewan ko kung dapat ba talagang gawin ang mga ganoong bagay dahil nga napakatahimik ng relasyon namin.

“Actually, hindi na bago ‘yan.

“Marami na rin akong lumabas na mga isyu na ganyan na maraming babae.

“Ilang beses na rin akong na-Fashion Pulis na may kaakbay na babae, pero blurred.

“Sabi ko nga, kung isyu ‘yan, hindi ibe-blurred ‘yan, kailangang malinaw ang mukha para alam na. Kaso, bine-blur nga.

“Ewan ko, siguro kailangan din nilang magtrabaho.”

Sanay naman na raw si Zanjoe na palagi silang natatanong ni Bea kung may plano na silang magpakasal at kung kailan sila lalagay sa tahimik.



JOHN’S PROPOSAL. Kailan lang, nag-propose na ang kaibigan at kasamahan niya sa Banana Split na si John Prats sa girlfriend nitong si Isabel Oli.

Wala raw si Zanjoe noong mag-propose si John kay Isabel sa Eastwood Mall.

“Wala, nagtrabaho ako noon, pero tinext ko si John para i-congratulate sa ginawa niya.

“Alam ko yung gagawin niya na yun, may idea ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi na naman niya kami inisa-isa para sumuporta at maki-flash mob.

“Kasi nga, baka kumalat, magkaroon ng leak.”

Bumilib daw siya sa ginawang yun ni John.

“Actually, noong napanood ni Bea, si Bea umiiyak, e.

“Umiiyak… sa lahat naman, halos sa mga proposal na napapanood, naiiyak talaga ang mga babae.

“Maganda ang ginawa ni John. Nag-prepare siya nang mabuti. Parang kasal na nga, e.

“Kumbaga, yung production pa lang… ang ganda nun dahil pagtanda nila, meron silang ganoong klaseng video.”



NOT YET READY. Hindi ba niya naramdaman kay Bea na baka gusto na rin nitong makatanggap ng proposal?

Nakangiting sabi ni Zanjoe, “Si Bea naman, alam naman niya sa sarili niya na hindi pa siya handa.

“Lalo na hindi sa lalong madaling panahon.”

Sa kanilang dalawa ni Bea, sino ang hindi pa talaga handang lumagay sa tahimik?

“Parang nasa same level naman kaming dalawa.

“Ngayon, ang dami pang trabaho. Ang dami pang gagawin.

“Wala pa kami sa posisyon at sa estado na second priority ang trabaho.

“Siyempre, kapag papasok ka sa ganyan, kailangan mo rin na pangalawa na lang ang trabaho.

“Siyempre, kung bubuo ka ng pamilya, magse-settle down ka na, ‘di ba?

“So, nandoon pa kami sa trabaho talaga ang first priority namin.

“Minsan, yung mga lakad namin, kapag umaalis, kahit may okasyon, basta may trabaho, hindi namin pinipilit.

“Hindi kami yung magpapaalam na kailangan naming umalis, birthday o kaya Pasko.

“Kapag bakante, yun, gagawan naman ng paraan.”

Hindi ba sila napi-pressure sa sunud-sunod na proposal among celebrity couples?

“Hindi naman, hindi naman… hindi pa naman pinaghahandaan at saka hindi pa ready. Hindi kami para ma-pressure.”

Sa palagay niya, ilang taon pa kaya?

“Actually, pinag-usapan namin ‘yan dahil palagi kaming natatanong.

“Sabi namin, ano ba ang magandang sagot sa mga ganyan para meron din tayong masabi? Ano ba ang napag-usapan namin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, safe sabihin na three to four years.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN