Richard Gomez says wife Lucy Torres has no plan to run for the Senate in 2016

Richard Gomez has reasons for discouraging his wife Lucy Torres from aiming for the Senate: "Sa Congress,sila lang yung halos hindi nag-aaway ng mga pulitika. Kasi kapag nasa Kongreso ka, may sarili kang distrito. Wala kang pakialam sa distrito ng iba. Unlike ’pag senador ka, bangayan kayo nang bangayan."


Ibinahagi ni Richard Gomez na walang planong kumandidato bilang senador ang kanyang misis na si Leyte Fourth District Representative Lucy Torres.

Ito ay sa kadahilanang mas mapulitika at madalas umano ang “bangayan” sa Senado kumpara sa Kongreso.

Pahayag ni Richard, “Sinabi ko sa kanya, ‘Huwag mo iisipin at huwag ka magsasalita na gusto mo mag-senador.’

“Pinakamasaya ka na sa Congress, kasi sa Congress, talagang tutok ka sa distrito mo.

“Sa Congress, sila lang yung halos hindi nag-aaway ng mga pulitika.

“Kasi kapag nasa Kongreso ka, may sarili kang distrito. Wala kang pakialam sa distrito ng iba.

"May kanya-kanya kayong teritoryo. Wala kang pakialam sa distrito ng iba.

“Unlike ‘pag senador ka, bangayan kayo nang bangayan, ‘di ba?

"Magkatabi kayo, nagbabangayan kayo."

Ayon pa kay Richard, dalawang beses pang puwedeng tumakbo bilang kongresista si Lucy.

Ito ay matapos ipawalang-bisa ng Korte Suprema ang unang termino ng kanyang misis mula June 2010 hanggang March 2013.

Kaya sa ngayon ay walang balak si Richard na sumabak sa pulitika.

Kuntento na raw ang actor-TV host na maging bahagi ng staff ni Lucy, na nangangasiwa sa priority projects ng 4thdistrict ng Leyte.

“Hindi na ako ang chief of staff. District planning officer ako.

“’Pag sinabi ng Congress, ‘Meron tayong certain budget. Gamitin niyo ‘yan para sa kalsada,’ ako yung maghahanap kung saan ilalagay yung project na ‘yon sa district namin,” paliwanag ni Richard.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang selected press si Richard sa studio ng Quiet Please! Bawal Ang Maingay, sa TV5 Reliance headquarters, kahapon, October 15.



NIXING POLITICS. Kuwento pa ni Richard, hinanapan niya ng ibang chief of staff si Lucy upang maasikaso niya ang kanyang showbiz career.

“Kaya nga nakatatlong pelikula ako dahil hindi na ako chief of staff ni Lucy.

“E, nung first term niya, wala akong ginawa kasi full-time job talaga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pati yung mga agencies, pinupuntahan ko.

“For example, pupunta ka sa Department of Agriculture, e, ang daming sub-agencies nun.

“Aalamin mo kung anong programa yung aakma para sa distrito mo.

"‘Pag puwede, gagawa ka ng proposal. Ang habang proseso,” saad niya.

Palitan daw sina Richard at Lucy sa pag-uwi sa Ormoc, Leyte, upang asikasuhin ang kanilang gawain doon “every other week.”

“Pero ’pag break sila [sa session sa Congress], nandun siya,” dagdag pa ng TV5 star.

Ipinagmalaki rin ni Richard ang development projects na naisagawa nila ni Lucy mula nang manilbihan bilang Leyte representative ang huli.

“Kasi nung bago naging congresswoman si Lucy, ang daming kalsada ang hindi nasementuhan.

“E, ngayon, yung Aquino government, ang gusto nila, kailangan mabilis ang trabaho.

“Kasi nagbibigay sila ng certain project. Kapag natapos ka, may mga report ‘yan.

"Kapag nakita nilang okey na ‘to, bibigyan ka ulit ng project.

“Ganun ang ginagawa namin. Binibilisan namin kaagad ang trabaho namin para mabilis ang turnaround.

"Ang absorption namin, mabilis,” diin ni Richard.



FOILED HOUSE BILL. Ganunpaman, hindi raw maiiwasan na kung minsan ay makatanggap sila ng pambabatikos mula sa publiko.

Katulad halimbawa ng proposed “No Busina Day” House Bill ni Lucy na naglalayong ipagbawal ang pagbusina ng mga sasakyan tuwing Linggo.

Paliwanag ni Richard tungkol dito, “Hindi, mali yung pagka-file ng bill na yun.

“Ang gustong mangyari ni Lucy nun, there’s one day in a year na i-celebrate na walang busina ang mangyayari. Parang noise awareness.

“Kapag sumakay ka ng jeep, pakinggan mo paligid mo, busina nang busina mga tao.

“Hindi natin nararamdaman, hindi natin napapansin, pero slowly tinatamaan yung tainga natin.

"Nagdi-deteriorate yun [dahil sa] unnecessary noise.”

Ngunit binawi agad ng kampo ni Lucy ang naturang House Bill dahil “draft” pa lang ang nai-submit sa Kongreso.

"Ang nangyari dun, kunyari eto yung bill na ipa-file natin, nai-submit yung ibang bill. Nagkamali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nung sinubmit yun, nung nakita namin, pinull-out agad.

"Mali, pero talagang may tamang bill for that," saad ng actor-TV host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN