Rhian Ramos finds enjoyment in car racing: "I feel like nagagawa ko siya for my sanity."

Rhian Ramos on focusing on other things aside from her acting career: "It’s hard kasi ano, e, at a certain point, if you’re required to do so much, which I’m trying to avoid! When you’re required to do so much, it’s hard na for other things, e. And me, kasi naman, first and foremost, my priority is acting, but I want so many other things."


Isa si Rhian Ramos sa itinuturing na prinsesa ng Kapuso Network.

Kaya sa nalalapit na pagpapakasal ng kasalukuyang Primetime Queen ng network na si Marian Rivera, kay Dingdong Dantes, isa si Rhian sa maaaring pasahan ng trono kung sakaling i-give up na nito ang kanyang titulo at mag-concentrate sa buhay-may-asawa.

Ano ang masasabi niya rito?

Sagot ni Rhian, “I dunno… I’m not naman looking forward in that direction, kasi happy naman ako kung ano meron ako ngayon.

“I feel like may maganda akong balance of work and projects, but freedom also.”

Freedom?

Paliwanag ng Kapuso actress, “Freedom in a sense of time and, you know, may control ka over what you want for yourself.

“It’s hard kasi ano, e, at a certain point, if you’re required to do so much, which I’m trying to avoid!

“When you’re required to do so much, it’s hard na for other things, e.

“And me, kasi naman, first and foremost, my priority is acting, but I want so many other things.

“So, it’s not my only priority, but it’s at the top, it’s my number one.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa taping ng My Destiny, sa Biñan, Laguna, noong Lunes, October 13.



CAR RACING. Ang iba pa raw niyang prayoridad ay ang pasukin ang pagnenegosyo ng mga damit at ang bago niyang hobby ngayon na car racing.

“Ayoko namang mawalan ng time dun, kasi parang I feel like nagagawa ko siya for my sanity.”

Masaya raw siya kapag nagka-car racing.

“It’s fun!” bulalas ni Rhian.

“Ano siya, kasi kabaligtaran siya ng showbiz in a sense na parang…

“I mean, the personalities of the people that you meet in the racetrack so different from the people that you would meet in showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka you don’t have to look good, puwede kang dirty.

“Puwede kang amoy-burnt rubber and no one’s gonna judge you.

“’Pag nasa racetrack ka, ‘pag nag-start, wala ka nang ibang iniisip kundi mag-overtake.

“Parang ang simple lang ng life for thirty minutes. Napakasimple ng life.”

Hindi ba siya natatakot sa danger ng pangangarera?

Sabi ni Rhian, “Natatakot minsan, but marami namang safety equipment if ever magkamali ako, which nangyari naman.

“Nag-crash na ako before, pero because sa dami ng safety equipments sa loob ng car, walang masamang nangyari.

“Natakot ako, pero when I saw myself, I was like, ‘A, okay!’

“Buo naman ako, pasa lang, bukul-bukol, pero nothing major.

“So, after that, parang I gained a little bit of confidence in the equipment.

“Na parang if ever nagkamali ako, sasaluhin naman ako nito, so okay lang din.”

Ang mga kaibigan daw niyang Tuason family ang nag-encourage sa kanyang mag-car racing.

“Si JP and Janet Tuason. They live in my village and the Tuason family, you know, they’re a line of racers.”

Hindi ba siya natatakot na baka intrigahin naman siyang tomboy dahil sa hobby niya?

Natatawang sagot ni Rhian, “Hindi! I feel like, I dunno…

“I dunno if there’s any issue that scares me anymore.”



MOVIE WITH PIOLO. Samantala, wala raw alam si Rhian kung kailan ipalalabas ang pelikulang ginawa nila ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual, ang Silong.

Natawang sabi niya, “My God, I don’t know! Pero yung trailer pala namin, lumabas na, na-shock ako!”

Niligawan ba siya ni Rhian noong ginagawa nila ang pelikula?

“E, hindi naman niya ako nililigawan, e,” sagot niya.

Kung sakaling ligawan siya?

“I don’t know, ha… so far, I like him kasi as a friend pa lang.

“Hindi pa naman kasi kami umaabot sa ganung klaseng closeness na kaya kong isipin as a lover, ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN