Carla Abellana shocked by Tom Rodriguez’s daring act in Naked Truth

“Sana mahalin niya ako at alagaan.” Ito ang sagot ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa tanong kung ano ang hinahanap niya sa lalaking mapapangasawa niya balang-araw.


“Sana mahalin niya ako at alagaan.”

Ito ang sagot ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa tanong kung ano ang hinahanap niya sa lalaking mapapangasawa niya balang-araw.

Inaalagaan at minamahal ba siya ng nali-link sa kanya ngayong si Tom Rodriguez?

Sila rin ang magkapareha sa GMA primetime series na My Destiny, na magtatapos na ngayong Biyernes, October 17.

“Korek, oo... oo naman,” tugon niya.



TOM’S DARING ACT. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla kung ano ang naging reaksiyon niya sa ginawa ni Tom sa The Naked Truth, Bench denim and underwear show.

Sabi niya, “Naloka ako!

“Nasa backstage ako nun. Kakababa ko lang nun, e.

“Kasi right after kong rumampa, ‘pag ano ko sa backstage, sila na ni Dennis [Trillo] yung rarampa.

“So, nasa backstage ako nun, nanonood ako sa big screen.

“Naloka ako siyempre. Sigaw ako nang sigaw, ‘Ito talaga yung pasabog nito!’

“Siyempre, wala namang nag-e-expect, ‘di ba, kung ano yung gagawin ng mga artists onstage?”

Bukod sa pagrampa nang naka-underwear ay ibinaba ni Tom ang suot nito na halos makita na ang itinatago ng aktor.

Hindi raw ito pinlano ni Tom, ayon na rin sa aktor.

Sabi naman ni Carla, “May mga times na hindi mo naman talaga pinaplano, pero out of impulse, lalo na yung ganyang adrenaline rush.

“Siyempre, like everybody else, nagulat talaga ako.”

Pinagalitan ba niya si Tom pagkatapos?

“Hindi naman! Kasi matanda na siya alam na niya kung ano’ng ginagawa niya, ‘di ba?”

Kinilig ba siya?

“Hindi naman kinilig, mas naloka kaysa kinilig!” tawa ni Carla.

“Mas naloka, mas nagulat more than anything else.”



“BUKOL KING.”Ano naman ang comment niya na si Tom na raw ngayon ang bagong “Bukol King”?

“Natawa ako dun sa birthday episode niya sa Don’t Lose The Money, yung cheer ng mga guests niya, iyon yung cheer nila, “Bukol King”!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila Sweet [John Lapus], iyon ang tukso.

“Nakakatawa, siyempre.

"Kay Sweet nanggaling yun, e, sa kanya nag-umpisa yun.

“So, nakakatawa, pero… ‘di ba?

“Okay lang, I mean, ganun naman talaga.”

Kung bago ginawa ni Tom ang pagbababa nito ng underwear ay nagpaalam kay Carla si Tom, papayagan ba niya?

Sagot ng aktres, “Siyempre.

“Kasi sino naman ako para mamili kung ano’ng gagawin niya dun?

“Sino naman ako para pagbawalan siya.”

Si Carla ay hindi pa nag-pose para sa men’s magazine na FHM; ayaw raw niya.

“Kasi as myself yun, e.”

Pero naalok na raw siya dati.

“May isang beses before… siguro two years ago, na nag-alok sila.”

Ano ang pinaka-ayaw niya sa pagpu-pose nang sexy para sa FHM?

“Ayoko kasi iniisip ko yung lola ko!” natatawang pagtukoy ni Carla sa lola niya, ang dating aktres na si Ms. Delia Razon.

“Hindi ko matanggal sa isip ko yung lola ko, ‘tsaka yung daddy ko.”

Ang ama ni Carla ay ang aktor na si Rey “PJ” Abellana.

Bukod dito, si Carla mismo ay hindi raw kayang gawin ito.



WORKING WITH HER DAD. Samantala, nagbabalik ang tambalan ng ama niya at ang dati nitong ka-lovetam na si Leni Santos sa upcoming drama series ng GMA na More Than Words, na pagbibidahan nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona.

Kung sina Carla at Rey ang pagsasamahin sa isang project ay ikatutuwa raw iyon ni Carla.

Aniya, “Nagawa na namin yun before, pero very short lang. Nung 2009 yun, e.

“Pero hindi yung full-length na teleserye talaga or movie.

"Pero gusto ko yun.

“Sabi ko nga, ang tagal-tagal na hindi pa nagkakaroon ng chance na magka-work kami kasi lagi siya sa kabilang network.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN