Polo Ravales confirms meeting with ABS-CBN executives; might leave GMA after 19 years

Polo Ravales on possible transfer to another network: “Ipinagmamalaki ko lahat ng nagawa kong mga shows with GMA-7 for the past 19 years. Hindi naman siguro masama kung naisin kong magtrabaho naman sa ibang network at makatrabaho naman ang mga artista nila roon.”


Kinumpirma ng aktor na si Polo Ravales na makikipag-meeting na siya at ang kanyang manager na si Manny Valera sa ilang executives ng ABS-CBN.

Ginawa ni Polo ang kumpirmasyon na ito sa press launch ng bayaniserye ng GMA Network, ang Ilustrado, na ginanap sa Historia Restobar, sa Sgt. Esguerra, Quezon City, kahapon, October 16.

Nabalita four months ago na gustong kunin ng Kapamilya network si Polo para sa isang show nang malaman nilang wala na itong kontrata sa GMA.

Read: Polo Ravales reveals negotiating with ABS-CBN for possible transfer

Hindi naman itinago ni Polo ang kanyang pagiging open na magtrabaho sa ibang TV network.

Saad niya, “Tutal lalabas din naman ito.

“Yes, it’s true na makikipag-meeting kami ni Direk Manny with a few people from ABS-CBN 2.

“Malalaman namin kung ano ang magiging offer nila after the meeting.

“As of now, wala pa akong masasabi kung ano ang mangyayari.

“Hopefully, maganda ang maging turnout ng magiging meeting namin.”

ILUSTRADO.Nag-expire na noong 2013 ang network contract ni Polo sa GMA.

Pero kahit wala na siyang kontrata, nagawa pa niya ang telefantasya na Kambal Sirena, at isinama siya sa malaking cast ng bayaniserye na Ilustrado kunsaan gumaganap siya bilang si Venchito Monteverde.

Ayon kay Polo, “Nakakatuwa naman na isinama ako Ilustrado.

“Ang galing ng cast at maipagmamalaki mo ang kabuuan nito.

“Up to the smallest detail, ‘tulad sa costumes namin at sa props, talagang binubusisi ng director naming si King Marc Baco.

“Yung role ko, isa ako sa kasama ni Pepe [Jose Rizal, portrayed by Alden Richards] na nag-aral sa Europe.

“Magkaiba kami ng paniniwala at ugali ni Pepe.

“Galit ako sa mga indio at nalalagay ako sa pahamak parati si Pepe.

“It’s one of the best roles na ginawa ko for television.

“At least, if ever na magkaroon ng pagbabago, maganda ang huling show ko with GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m very proud of being part of Ilustrado.”



LOYAL KAPUSO. Hindi makukuwestiyon ang pagiging loyal ni Polo bilang isang Kapuso dahil higit 19 years siyang naging artista ng GMA.

Thankful nga parati si Polo sa iba’t ibang roles na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.

Sabi niya, “Never naman tayong nagreklamo sa mga roles na ibinibigay nila sa akin.

“Para sa akin, trabaho ‘yan kaya pagbutihan natin parati.

“Kahit na magkakasunod ang mga kontrabida roles na nagawa ko, okey lang, kasi I love doing those roles. Nilalaru-laro ko na lang siya.

“But of course, yung mga roles na naging male lead ako at yung ako naman ang mabait, unforgettable ang mga iyon kasi bihira na ganun ang role ko.”

Sabi pa ni Polo, “Ipinagmamalaki ko lahat ng nagawa kong mga shows with GMA-7 for the past 19 years.

“Hindi naman siguro masama kung naisin kong magtrabaho naman sa ibang network at makatrabaho naman ang mga artista nila roon.”

Nagsimula si Polo sa showbiz noong 1995 as one of the cast members ng second batch ng youth-oriented series na T.G.I.S., kunsaan nakasabay niya sina Sunshine Dizon, Antoinette Taus, Kim delos Santos, Dino Guevarra, at Dingdong Dantes.

Naging ka-loveteam niya si Sunshine at nakagawa sila ng ilang pelikula sa ilalim ng Viva Films, ‘tulad ng Kiss Mo ‘Ko at Honey My Love So Sweet. Sila rin ang magkapareha sa drama series na Annakarenina.

Ang iba pang nagawang shows ni Polo sa GMA ay ng mga sumusunod: Click, Halik Sa Apoy, Super Klenk, Ang Iibigin Ay Ikaw, Encantadia, Hanggang Kailan, Majika, Now & Forever, Lupin, La Vendetta, Pasan Ko Ang Daigdig, Maging Akin Ka Lamang, Gagambino, Darna, Panday Kids, Basahang Ginto, Magic Palayok, Grazilda, Machete, Sinner Or Saint, Hiram Na Puso, Unforgettable, Pyra Babaeng Apoy, Genesis, at Kambal Sirena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN