Kylie Padilla feels betrayed by ex-boyfriend Aljur Abrenica

Kylie Padilla wants to do a project with ex-boyfriend Aljur Abrenica: “Gusto ko nga love story, e! Kasi alam kong may mailalabas kaming dalawa, e. At least, kakagatin ng tao yun. ‘Tsaka yung performances namin, hindi masyadong acting, totoo na. Iyon ang pinakamasarap panoorin, ’di ba?”


Inamin ni Kylie Padilla na na-traumatize siya sa nakaraan nilang relasyon ni Aljur Abrenica.

“Hindi ko na po itatanggi na medyo, yes,” sabi ng Kapuso young actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ilustrado, kahapon, October 16.

Saang parte?

Diretso niyang sagot, “The betrayal! And yung ako yung nagmukhang masama?

“Na wala akong kalaban-laban nun kasi ang layu-layo ko, ‘tapos hindi man lang ako ipinaglaban din nung isa.

“Ang dami lang… wala sa kontrol ko na masakit sa akin yun.”

Hanggang ngayon ay mas sakit siyang nararamdaman?

“Hindi naman po agad mawawala yun,” pag-amin ni Kylie.

Hindi pa siya nakaka-move on?

“When it comes to love, like yung taong yun, wala na.

“But then, yung nangyaring yun, yung pain, yung hurt, nandun pa.”

Surprisingly ay may komunikasyon pa rin daw sila ni Aljur.

“Minsan-minsan po, nagte-text-an po kami.”

Bilang magkaibigan?

“Yes.”

Kahit nandun pa ang sakit ay nakakaya niyang makipag-text pa kay Aljur?

Ayon kay Kylie, “Hindi, kasi naging kaibigan ko naman po si Aljur, e.

“Pero yun na nga, actually iniisip ko ngayon kung tama ba yun, kasi alam mo yun? Ewan ko.”



MOVING ON. Binabalikan ba siya ni Aljur?

“Before, dati.

Ngayon ay hindi na nakikipagbalikan si Aljur sa kanya?

“Kasi tahimik na, e!” tawa niya.

“Hindi na po, kasi siguro nakikita niya na mas masaya ako ngayon.”

Ayaw na talaga ni Kylie kay Aljur?

“Ayoko po kasi balikan yung nakaraan na.

“Naging nakaraan yun kasi, ‘di ba, kasi hindi para sa iyo.”

Nakatulong ba na hindi masyadong visible ngayon si Aljur sa GMA para mas mabilis maka-move on si Kylie?

“Ang sama ko naman kung sasabihin kong oo!” tawa na naman niya.

“Pero actually, the truth is, mas madaling magtrabaho nang alam kong hindi ko siya makikita, sa rehearsals…

“Kasi, in real life, if ‘pag naghiwalay na kayo ng whoever, ‘di ba, hindi na kayo magkikita, choice niyo yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa showbiz kasi, makikita’t makikita mo, e.

“So, nakatulong din po sa akin.

“I hope it doesn’t sound selfish, na wala siya sa GMA.”

RUMORS ABOUT ALJUR. Nakakarating daw kay Kylie ang intrigang kesyo may gay benefactor diumano si Aljur.

Ano ang reaksiyon niya dito?

“Kilala ko si AJ, hindi… hindi siya. Kilala ko siya,” pagtatanggol niya sa dating kasintahan.

Alam ni Kylie na hindi iyon gagawin ni Aljur.

“Yes.”

Ilang percent siyang sigurado na hindi papatol sa ganoon si Aljur?

“Actually, I don’t know.

“Kasi when… ewan ko, basta. I know that he’s a man.

“Kung meron man po siyang pinagdadaanan na ganun, sana, yun ang pinaka-the best.

“Kung sa tingin niya, pinaka-the best iyon, choice naman niya yun, e.

“No judgment.”

Hindi raw bababa ang tingin ni Kylie kay Aljur kung sakaling totoo iyon.

Bukas daw si Kylie sa pagkakataong makatrabaho si Aljur sa isang TV or movie project.

Sabi niya, “Gusto ko nga love story, e!

“Kasi alam kong may mailalabas kaming dalawa, e.

“At least, kakagatin ng tao yun.

“‘Tsaka yung performances namin, hindi masyadong acting, totoo na.

“Iyon ang pinakamasarap panoorin, ’di ba?”

Baka ma-develop silang muli kapag nangyari iyon?

“I don’t think so,” sagot niya.



ROBIN PADILLA. Matapos ang mga hindi kagandahang nangyari sa lovelife niya, mas naging mahigpit ba sa kanya ang amang si Robin Padilla?

Ayon kay Kylie, “Medyo, pagdating po sa career. Pero sa lovelife, wala pa siyang sinasabi, e.”

Pero sa lovelife siya nagkaroon dati ng isyu?

“Kasi alam po niyang ayoko muna, e. Pahinga muna.”

Galit ba ang ama niya kay Aljur? Yung tipong kapag nakita nito si Aljur ay susuntukin niya?

Reaksiyon ni Kylie, “Hindi naman po siguro.

“Pero siyempre po, masama po yung loob niya.

“Pero hindi naman po gagawin [na saktan nito si Aljur].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa ba sa mga ipinagdadasal niya ay huwag magkita ang ama niya at si Aljur?

“Hindi naman po! Wala naman pong danger.

“Kasi ang tagal na po, eight months na... nine months.”

Pero hurting pa rin siya?

“I was already hurting before I met Aljur!” natawang sagot ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN