James Yap on Bimby and Josh: "Happy ako dahil type nila si Michela."

"Gano’n naman talaga. Kung sino man maging partner ko, package deal na yun. Kung hindi nila magustuhan yung package deal ko, e, di hiwalayan na lang, ‘di ba?" says James Yap when asked about girlfriend Michela Cazzola’s good relationship with Bimby and Josh.


Masayang ibinahagi ni James Yap ang tungkol sa napabalitang date night nila ni Michela Cazzola kasama nina Bimby at Josh.

Read: James Yap posts a photo of his #happy #love #family

Ito raw ang unang pagkakataong nakasama ni Michela si Josh, anak ng dating asawa ni James na si Kris Aquino sa aktor na si Phillip Salvador.

Bagamat hiwalay na sila ni Kris, nanatiling malapit si James kay Josh, na itinuturing ng basketball star na parang tunay na anak.

Ayon pa kay James, nagkaroon ng pagkakataong mas makilala ng dalawang bata ang kanyang Italian girlfriend.

“Yes, first time lumabas kami. Kumain. Sobrang happy.

“Happy ako dahil, kumbaga, type nila si Michela.

“Okay naman. Nag-effort yung mga bata, nag-effort din si Michela na maging close sila,” kuwento ni James.

Mahalaga para kay James na makasundo ng anak niyang si Bimby, at maging si Josh, si Michela.

Kung hindi ay wala rin umanong patutunguhan ang magandang relasyon nila.

Sabi pa ng basketball star, “Gano’n naman talaga. Kung sino man maging partner ko, package deal na yun.

“Kung hindi nila magustuhan yung package deal ko, e, di hiwalayan na lang, ‘di ba?

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James, na isa sa panauhing pandangal sa ginanap na 5thSan Juan Inter-Elementary School Basketball Tournament sa San Juan Gym, ngayong araw, October 17.

Inspirado raw si James pagkatapos ng mahabang bakasyon nila ni Michela sa Italy.

Ganunpaman, wala pang plano si James na mag-propose ng kasal sa kanyang nobya, kahit pa uso ngayon sa celebrity couples ang lumagay sa tahimik.

“Basta sa ngayon, nag-e-enjoy lang ako. Alam niyo naman kung ano ang pinagdaanan ko before, so kailangan talaga hinay-hinay lang.”

Sa ngayon, excited si James sa nalalapit na ika-40 season ng Philippine Basketball Association (PBA) conference sa October 16.

Mula sa San Mig Super Coffee Mixers ay balik Purefoods Star Hotshots ang pangalan ng kinabibilangang team ng four-time PBA Finals MVP player.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman puspusan ang training ni James ngayon.

Sabi pa niya, “Ready na ako para sa opening. Pero siyempre, practice pa rin!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN