Assunta de Rossi on ongoing efforts to have a baby: "Gusto ko yung natural way pa rin ng pagbubuntis."

Assunta de Rossi on her apprehension about resorting to artificial pregnancy methods: "Hindi pa kami umaabot sa ganun, e. By everything, we mean, na kung nagsayaw na kami sa Obando, o yung mga usu-uso ngayong procedures o tests. Tamad kami sa mga ganyan. Ayaw namin ng mga artificial na ganyan."


Iba na sana ang prayoridad ni Assunta de Rossi at wala na sana siyang balak na maging aktibo sa showbiz, kung 'di nga lang daw sa pelikulang Beauty in a Bottle ng Skylight Films.

Kaya sa presscon ng pelikulang ito na ginanap sa Restaurant 9501, ELJ Building sa ABS-CBN kahapon, October 17, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres kung ano ang pakiramdam niya tungkol sa pagbabalik-pelikula niya pagkatapos ng mahabang panahon.

Nakangiting pahayag ni Assunta, "Heto, sobrang saya.

"Kasi nga, nung na in-offer sa akin yung movie, yun yung time na I wanted to get pregnant, pero sabi ko, just give me three months. Sabi ko sa asawa kasi, I'm too skinny.

"One hundred fifteen pounds ako dati, so ganun lang ako kaliit dati, so talagang nag-gym ako para lumaki ang katawan ko, na parang kain-kargador na rin kasi 'pag galing ako sa gym, gutom na gutom ako, e.

"Kahit siguro sino, 'di ba? Kaya, umakyat nang umakyat ang weight ko.

"'Tapos, bigla niyang sinabi, 'Gusto mong gumawa ng pelikula?'

"Sabi ko, 'Ha? Di okay?', so bigla kong binasa ang script, at tamang-tama at nire-ready ko rin ang katawan ko at puwede na akong gumawa ng pelikula."

Si Assunta ay asawa ni Negros Occidental Congressman Jules Ledesma.

Dugtong pa niya, "Pero sabi ko, 'My God, ang taba ko na 'ata?'

"Paano pa ako magpepelikula, e, hindi ko na gustong mag-lose ng weight, e.

"Pero nung nabasa ko naman yung script, sabi ko, 'Ah, puwede pala yung katawan ko sa character ko na 'di masyadong perfect.'

"Kasi nga, yung role ko ay yung medyo nag-i-struggle ako, okey lang na may wrinkles-wrinkles ako, na medyo flabby ako.

"'Kala ko kasi, kapag sinabing beauty in bottle, kailangang halos perfect ang katawan pero, 'di naman pala,"

STILL TRYING TO HAVE A BABY. Dahil nga ba sa paggawa niya ng pelikula, na-postpone na naman ang plano niyang magbuntis at magkaanak siya sa kanyang mister?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahigit sampung taon na silang kasal ni Cong. Jules pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak.

Saad niya, "No naman, we're trying.

"Hindi palang talaga sinusuwerte.

"Oh well, baka hindi pa gusto ng tadhana, yun lang muna ang gusto kong isipin.

"Kaya ko sigurong tanggapin na hindi na kami magkakaanak if we've done everything siguro.

"Hindi pa kami umaabot sa ganun, e.

"By everything, we mean, na kung nagsayaw na kami sa Obando, o yung mga usu-uso ngayong procedures o tests. Tamad kami sa mga ganyan.

"Ayaw namin ng mga artificial na ganyan. Ewan ko ba."

Sabi pa niya, "Ipinagdadasal ko na 'wag umabot sa ganun.

"Ayoko, sana hindi.

"Gusto ko ay yung natural way pa rin ng pagbubuntis."

NO INSECURITIES. Dahilan ba ito para magkaroon siya ng insecurities sa kanyang sarili?

Aniya, "No, not at all.

"Pero insecurities sa sarili ko mismo, siyempre maraming changes.

"'Pag sinasabi nga ng tao na, 'Grabe, hindi ka pa rin nagbabago.' Then, sabi ko sa sarili ko, 'Diyos ko, kung alam n'yo lang.'

"Hindi naman lahat can see me naked, so napapansin ko na rin na my body is not how it used to be.

"Hindi naman ganun ka-drastic, pero I'm sure darating din tayo dun.

"Like, nung twenties pa lang tayo, kahit 'di na magwork-out, kasi tight na tight ang balat mo, yung parang wala kang cellulite, na kailangan mong mag-diet.

"I guess, nakakatulong din na tanggap ka ng family mo, kung ano ang hitsura mo.

"Kaya nga, I don't dwell on it so much, e."

HER PRIME YEARS. Kasunod nito ay inalam namin kay Assunta kung sa anong edad niya naramdaman na siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa?

Natatawang tugon niya, "Siguro when I was seventeen or eighteen.

"Siguro dahil nag-bloom na ako nun.

"'Tapos, parang nakadagdag din na hot property ka noon, 'di ba? Nung mga age kong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nakakadagdag yun sa confidence na parang everybody wants a piece of you, pero not naman in a bastos way.

"At saka, birhen pa ako nun, ganun talaga, kaya, ang feeling ko, yun ang pagiging most beautiful ko, nung birhen pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN