Judy Ann Santos impressed by Solenn Heussaff’s simplicity and professionalism

Judy Ann Santos amazed by her discoveries about co-stars Solenn Heussaff and Tom Rodriguez: "I’d love to do more movies with them... Napaka-bargas ng dalawang ’yan!"


Sa pelikulang T’yanak ay kasama ni Judy Ann Santos sina Solenn Heussaff, Sid Lucero at Tom Rodriguez.

Kaya kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Judy Ann kung ano ang masasabi niya sa mga ito, lalo na sina Solenn at Tom na maituturing na mga showbiz newcomers at unang beses niyang nakatrabaho.

“I have no problems with every single one of them especially with Solenn and Tom, napaka-bargas ng dalawang ’yan!

“Napakasarap kausap. Nalunod lang ako sa English ano, pero naka-survive naman ako,” at tumawa si Judy Ann.

“Nakakapit naman ako sa patalim!

“’Tsaka what really amazes me about Solenn, yung tipo ng babae ni Solenn akala mo yung alta-alta, susyalin, kasi nga ’it’ girl.

“Susmaryosep, pagdating sa mga eksena walang pakialam!

“Tapos, mas marami pa nga akong dalang gamit, mas marami pa akong bitbit na gamit kesa sa gamit niya.

“Sabagay, kakapurit lang naman yung katawan niya, kumpara mo naman sa katawan ko,” at muling tumawa si Judy Ann.

Kahit raw sa eksenang gumulung-gulong sa putikan si Solenn ay wala itong arte.

“Wala talaga! I would do that, kung halimbawa ipapagawa mo yun sa akin, gagawin ko rin yun.

"Nakita ko kung gaano ka-cowboy si Solenn sa paraang kung gaano ako ka-cowboy sa trabaho ko.

“Basta kailangan, at ipapagawa sa akin, gagawin ko.”

Ganoon din daw ang nakita niyang work attitude kay Solenn.

TOM RODRIGUEZ. Magaganda rin ang mga sinabi ni Judy Ann tungkol kay Tom.

“Madaldal pala siya,” sabay tawa muli ni Judy Ann.

“Pero ang dami kong natutunan sa kanya. Na-amaze ako sa kanya, ang dami kong na-discover sa kanya.

“Mahusay pala siyang kumanta, mahusay pala siyang mag-drawing, artist pala siya, he’s into media arts or something pala before.

“Bukod pa doon sa abs niya.

“Naririnig ko lang kasi before si Tom pero hindi ko pa siya na-e-experience makatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So nung na-experience ko siya, ano naman, more than willing naman yung tao na makinig.

"Na ipasok sa sarili niya kung ano yung sinasabi mo na puwede niyang gawing adjustments dito.

“Hindi niya tine-take na parang nagmamarunong ka or something.

“Ako, I’m happy na nakatrabaho ko actually sila.

"Kasi wala namang chance na makakatrabaho sila sa network, ’di ba? Movies lang talaga.”

Kapamilya actress si Judy Ann at Kapuso stars naman sina Solenn at Tom.

“And I’m really happy na na-experience kong makatrabaho silang dalawa.

“I’d love to do more movies with them.”

REUNION WITH SID. Bale reunion naman ito nina Judy Ann at Sid na huling nagkatrabaho sa Krystala.

Saad niya, “Baliw naman yung si Sid, e! Masarap naman laging katrabaho yun, e!

"’Tsaka lahat naman ng mga Eigenmann ay masarap katrabaho.

“Ang sarap kausap, masarap kabiruan pero pag pumasok na sa eksena, pasuk na pasok naman talaga.

"Wala kang itulak-kabigin sa kanila, with Sid and all of them.

“Talagang dynasty sila, kumbaga.”

Sa T’yanak ay gaganap si Judy Ann bilang si Julie, si Solenn ay si Maddie, si Ton bilang si Mark, at si Sid naman ay gumanap sa papel ni Joben.

Pinanoood ni Judy Ann ang orihinal na Tiyanak movie at kung ikukumpara ang T’yanak ngayon doon sa ginawa ni Janice de Belen noong 1988, “Siguro mas minodernize lang.

“Mas modernized lang yung mga dialogues, unang-una yun.

"Pangalawa, siguro the shots.

"Pangatlo, siguro yung atake, yung background story lang ni Julie, medyo tinwist lang nang konti.

“Hindi na ipinakita yung asawa, hindi na ipinakita yung nakaraan niya pero it’s almost the same.

"Na pareho silang naglo-long for a baby.”

TAGLINE. Sa Tiyanak noon ay nauso ang tagline na “anak ni Janice.”

“Akalain mo ba?” at natawa si Judy Ann.

“Hindi ko alam ang isasagot ko, e. Pero parang, ako hindi ko inakala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko siya naisip at all. Parang suntok sa buwan kasi talaga, e.

"Dahil hindi mo naman talaga mababago yun.

“Pero kung anuman ang mangyari, kung magkaroon man ng ’anak ni Juday,’ ang ’anak ni Janice’ na tag kay Ms. Janice will never be gone.

“Hindi talaga ’yan mawawala. Andiyan na ’yan, e.”

HORROR VS DRAMA. Kilalang dramatic actress si Judy Ann at ayon sa kanya, mas hirap siyang gumawa ng horror movie.

Ayon kay Juday, “Mas mahirap manakot kesa mag-breakdown.

“Mahirap magtakut-takutan, ha?

"Na mapapaniwala mo yung viewers na talagang natatakot ka?

"Ganyan yung na-experience ko sa Ouija, ganyan yung na-experience ko sa Kulam.

“Mahirap matakot sa kawalan!

“Yung wala ka naman talagang tinitingnan. Iba yun.

“Yung breakdown scene kasi may kabatuhan ka, may pinaghuhugutan ka, e.

"E yung matatakot ka na lang nang ganun.

“Mahirap pero masaya, it’s exciting.

"Kasi kailangan mong iliku-liko kung ano yung mga puwede mong gawing atake pag oras na natatakot ka na.

“Kailangan hindi siya masyadong mukhang... yung hindi akting.

“Kasi there’s a thin line between real acting and akting-aktingan kapag natatakot ka.

“Paminsan, bumu-borderline ako lagi dun sa umaakting-akting ka talaga.

"Kasi hindi ka naman talaga natatakot, e!”

Mahirap nga naman matakot kapag robotics o CGI (Computer-Generated Imagery) ang kaeksena sa isang horror movie.

“Mahirap siya pero fulfilling siya pagka nakita mo na yung finished project,” lahad pa ni Juday.

Ang T’yanak reboot ay sa direksyon nina Peque Gallaga at Lore Reyes na siya ring gumawa ng orihinal na Tiyanak movie.

Nasa 2014 movie version rin sina Adrian Cabido, Chinggay Riego, Lorenz Martinez, Channel La Torre at Miss Liza Lorena.

May cameo appearances sa pelikula sina Janice, Alessandra de Rossi, Paolo Contis, Ricky Davao, Yayo Aguila at Lotlot de Leon.

Ipapalabas ito sa mga SM Cinemas mula October 29 hanggang November 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasali ito sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival ng Film Development Council of the Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN