John Lloyd Cruz not pressured to propose to girlfriend Angelica Panganiban

John Lloyd Cruz on sharing intimate moments with girlfriend Angelica Panganiban on social media: “Sa mga pagkakataon na you wanna share your happiness, kasi at times siguro, you wanted to share something or something na talagang genuine and real sa amin, siguro yun lang yun. Nothing more, nothing less.”


“Wala, wala nang dating sa amin yun.”

Ito ang sagot ng Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban.

Noong lumabas ang balita tungkol sa pagpa-file ng reklamong concubinage ng estranged wife ni Derek Ramsay na si Mary Christine Jolly laban kina Derek at Angelica ay nag-post ang aktres sa Instagram ng larawan nila ni John Lloyd na may caption na, “This is us, happy. God Bless you.”

Sabi naman ni John Lloyd sa panayam sa kanya ng The Buzz, “Yun ang effect paminsan-minsan ng social media.

“Sa mga pagkakataon na you wanna share your happiness, kasi at times siguro, you wanted to share something or something na talagang genuine and real sa amin, siguro yun lang yun.

“Nothing more, nothing less.”



NO PRESSURE. Ang isa pang madalas itanong kina John Lloyd at Angelica ay ang tungkol sa pagpapakasal, lalo pa nga’t sunud-sunod ang celebrity couples na nagpahayag na ng kanilang pagnanais na makasal.

Nababanggit din naman ni Angelica sa mga nakaraang interviews niya na kung sakali at yayain siya ni John Lloyd na magpakasal, nakahanda na siya.

Nabanggit din ni Angelica na gusto niyang magpakasal kapag 28 years old siya, at sa November 4 ay tutuntong na sa ganung edad ang aktres.

Handa na bang mag-propose si John Lloyd kay Angelica? Nakakaramdam ba siya ng pressure sa dami ng mga nagpu-propose ngayon?

Sagot ng 31-year-old actor, “Hindi naman.

“I think, marami lang masaya at sa sobrang saya nila, papunta na sila dun.

“And I can’t blame you for asking because nasa tamang edad na ako, nasa tamang edad na kami.

“Siguro kung mangyari man, I’m sure malalaman niyo rin.

“Kahit nga ako, hindi ko pa rin alam.

“So, siguro dapat malaman ko muna.

“And then, malalaman niya and malalaman niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, yun ang tamang process.

“Pero at this point, wala.”

John Lloyd Cruz not pressured to propose to


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN