Kylie Padilla settles issue with Louise delos Reyes

Patuloy pa raw sa kanyang pagmu-move on si Kylie Padilla mula sa trauma na idinulot ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica. Pero magkaibigan pa naman daw sila ng ex-boyfriend at nagkukumustahan paminsan-minsan.


Magkaibigan at walang ligawang namamagitan kina Kylie Padilla at Rayver Cruz.

Ito ang deklarasyon ng Kapuso actress sa panayam ng media sa kanya sa presscon ng pelikula nilang Dilim, noong Biyernes, October 17.

Saad ni Kylie, “Friendship, friendship.

"Espesyal ba? Basta maituturing ko siyang totoong kaibigan, bilang showbiz friend.”

Hindi rin naman daw natatakot si Rayver sa ama ni Kylie na si Robin Padilla dahil may pinagsamahan na sila noon.

Pero hindi pa raw muling nagkita sina Rayver at Robin.

Nagtatanong na ba ang mga magulang ni Kylie tungkol sa Kapamilya actor?

Ayon kay Kylie, “Siguro po nag-aantay sila na magkukuwento ako, pero wala pa po akong maikukuwento, e.”

Ano ba ang qualities ni Rayver na gusto niya?

“Siguro po yung palagi kong sinasabi na hindi ko nakikita yung ego niya.

"Usually ang lalaki, ang ego, malaki. So, sa kanya, wala.

“Breath of fresh air.

"Ano na lang siguro... marunong siyang makinig.

"Kasi ang babae, madaldal, ’tapos minsan nakakatamad nang makinig.

"Pero siya, may patience.”



TRAUMATIC. Is she ready to fall in love?

“Hindi pa,” tugon ng 21-year-old actress-singer.

Ganun ba ka-traumatic ang breakup nila ni Aljur Abrenica kaya siya nagkaganun?

Pag-amin ni Kylie, “Opo, e. Meron po, e.

"Siyempre meron, kasi hindi po maganda yung paghihiwalay.

"So, binibigyan ko na lang ng tamang oras para gumaling.”

Hindi pa siya talaga nakakapag-move on?

Aniya, “Maraming phases, e.

"If you were talking about kung gusto mo pang balikan, hindi na.

"Pero may mga bagay na hindi ko pa maintindihan, kaya kailangan ng time.”

Pero nilinaw naman ni Kylie na okay na sila ni Aljur at minsan ay nakakapag-usap na rin sila.

May payo ba siya sa pinagdadaanan ng ex-boyfriend ngayon?

Matatandaang naghain ng reklamo si Aljur laban sa GMA upang pakawalan na siya sa kontrata nito hanggang 2017.

Read: Aljur Abrenica decision to rescind GMA contract partly caused by alleged "gross mismanagement" of GMA Artist Center

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Atubiling sagot ni Kylie, “Gawin na lang niya ang sa tingin niya ay tama.

"Pero makikinig din siya sa lahat ng tao, both sides, at hindi lang bias side.

“Kasi baka masyado nang napi-feed yung mga nega, so kailangang pakinggan both sides.”

ON LOUISE DELOS REYES. Naging mainit ding usapin noon na kaya raw naghiwalay sina Kylie at Aljur ay dahil kay Louise delos Reyes. Nagkasama ang sina Aljur at Louise sa fantaseryeng Kambal Sirena.

Pero mahigpit na pinabulaanan ng dalawa na naging sila.

Read: Louise delos Reyes denies causing Aljur Abrenica-Kylie Padilla breakup; speaks up about rumored pregnancy


Sinabi rin ni Kylie noon na napatawad na nito si Louise, pero ayaw niya itong makausap.

Read: Kylie Padilla keeps her distance from Louise delos Reyes: “I forgive her but I don’t wanna talk to her. I don’t wanna see her. Bakit pa?”

Sa ngayon daw, ayon kay Kylie, ay nagkaayos na sila.

May balita pang naging mas malapit daw silang magkaibigan. May katotohanan ba ito?

Sabi ni Kylie, “Okay na po kami ni Louise. Basta bati na po kami.

"Hindi ko po masasabing mas friends kami, hirap yata nun... ano ‘to!"

Nagkaroon ba ng sumbatan nang nagkausap sila?

“Wala.”

Pero nag-sorry ba si Louise sa kanya?

“Yes.”



ALDEN VS. ALJUR. Kasama rin si Kylie sa kauna-unahang BayaniSerye ng GMA na Ilustrado.

Bida rito bilang Jose Rizal si Alden Richards, ang pinagdudahang isa sa mga dahilan kaya raw gustong umalis ni Aljur sa GMA.

Ano ang masasabi ni Kylie na nalagpasan na ng tinaguriang "Kapuso Primetime Prince" ang ex-boyfriend niya pagdating sa kasikatan?

Saad niya, “Marami din po… marami po akong naririnig na ganyan, pero hindi ko po sila kinukumpara.

"Unang-una, si Alden, ibang-iba hitsura niya.

"’Tsaka ano si Alden e, focus e, at ’pag nag-uusap kami, ang lalim ding tao, alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Focus talaga, focus siya.

“Hindi niya rin naiisip yun.

"Natatawa nga siya ’pag yun ang pinag-uusapan namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN