Rafael Rosell sees a future in current relationship: "I’m thinking she’s the one."

Rafael Rosell says his portrayal of dark characters is a way of processing his angst. "Well, I’d like to believe na mabait naman ako… it works like a psychological therapy para sa akin."



Mag-iisang taon na ang relasyon ng aktor na si Rafael Rosell sa isang model.

Kuwento niya tungkol sa kanyang current relationship, “The year 2013 ended with the ending of being single, parang ganun.

“Two years prior to that, me and a friend, we were making like a checklist.

"Na dapat yung magiging girlfriend ko, ganito, ganyan.

"And I think na parang may nakita akong qualified sa checklist na iyon."

Olivia Medina ang pangalan ng kasintahan ngayon ni Rafael.

“Siya yung unang image model ng Hanna shampoo, I think," paglalarawan pa niya.

Nasa Canada raw si Olivia para magbakasyon nang nagkakilala sila ni Rafael sa Instagram.

“Nagkabiruan lang, we were just joking with each other na we should go out on a date.

"And we both… parang nag-click kami, sobra.

"Then we just stayed up really late, kasi yung time difference is, like, fourteen, fifteen hours.

“So, kung maaga dito, gabi naman dun.

"It was difficult, pero we ended up talking a lot and we got to know each other.

"On my birthday last year, she surprised me, nag-meet kami."

Hindi naman daw agad naging sila noong nagkita sila.

Kuwento ni Rafael, “There was no talk about becoming us.

"We started as friends and we didn’t know if we’re gonna see each other pagbalik niya dito, e.

“It was probably like five dates before we decided na parang, ’Sige.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rafael sa presscon ng pelikulang Dilim, noong Biyernes, October 17, sa Imperial Palace Suites, sa Tomas Morato, Quezon City.

ANNIVERSARY. Malapit na ang anniversary nila, pero ayon kay Rafael, "Hindi kami naniniwala sa anniversary, e.

“We’ll just probably say ’my birthday.’

"’Pag tinanong mo siya, she’ll probably say ’my birthday.’"

November 10 ang birthday ni Rafael kaya mag-iisang taon na sila ni Olivia at babalik muli ito sa Pilipinas para sa okasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba mahirap ang long-distance relationship?

Ayon kay Rafael, “Well, I’ve been in long-distance relationships before, iyon yung mga six months to two and a half years.

"Ito, one month lang, kaya it’s so easy.”

Pinag-uusapan na ba nila ang kasal?

“Napansin ko sa relationships ko before, kapag bini-bring up yung topic na ’yan, it becomes like a destruction point or a conflict.

“Nadadaot, e.

“For now, she’s the one that I’m with.

"If you ask me if I see a future with her, yes, of course.

"I do, I wouldn’t get into a relationship unless...

“So, iyon, I wanna be with her... yes, that’s true.

"It’s just simple, I’m thinking that she is the one!”

DILIM. Tungkol naman sa Dilim, ginagampanan dito ni Rafael ang role ni Quinito.

"’Tulad sa totoong buhay, yung character ko, hindi lang puro mabait, may kadiliman din siya," paglalarawan niya sa kanyang papel.

Ano naman ang klase ng kadilimang ito?

“It’s difficult to explain unless you get into spirituality, e.

"Pero, I think, you have to watch the movie. Mage-gets mo naman sinasabi ko.”

Nakagawa na si Rafael ng horror films, pero para sa kanya ay may kaibahan ang Dilim.

“Sa horror kasi, it’s a matter of being a victim or binibiktima yung iba.

"I think yung role ko dito, mas na binibiktima yung iba kaysa sa biktima katulad ng ibang characters ko sa ibang horror films.”

Mas gusto raw ni Rafael ang dark characters.

“I like the bad ones, I like the psychopaths.

"Yung hindi ko nagagawa sa totoong buhay."

Paliwanag niya, "Kasi sa totoong buhay, mabait naman akong tao.

"Well, I’d like to believe na mabait naman ako.

“And when I can be someone I’m not or I can express the darker side of Rafael Rosell naa-appreciate ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil parang doon ko nalalabas yung angst ko.

"To be honest, it works like a psychological therapy para sa akin!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN