KC Concepcion out of hospital after bout with dengue; reveals Paulo Avelino was regular visitor

KC Concepcion on real score with Paulo Avelino: "Honestly, we have our ups and downs. We’re very, very close. I can really say na isa siya sa mga best friends ko. Not to say na hanggang doon lang, pero ano talaga, maganda ang friendship namin. Very real, genuine."


Nakalabas na ng ospital ang actress-TV host na si KC Concepcion mula sa ilang araw na pagkaka-confine dahil sa sakit na dengue.

Kuwento niya sa live interview sa kanya nina Kris Aquino at Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, October 19, “Thursday night, pinaalis na nila ako ng hospital.

“Pero after pala ng dengue, magkakaroon ka pa ng dizziness, headache…

“’Tapos, parang maliligo lang ako, nagsa-shampoo lang ako, parang pagod na pagod na yung katawan ko.

“Para akong nag-workout, ganun ang feeling.”

Pero noong Biyernes, October 17, isang araw pagkalabas niya ng ospital, ay nag-taping na siya agad ng kinabibilangan niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Ikaw Lamang, kahit may dengue rashes pa siya.

Kuwento pa ni KC, nakakatatlong 1.5 litro siya ng tubig para ma-rehydrate.

“Kasi sa hospital, ang dami ko pang turok, yung dextrose. Kaya sabi ko, ayoko nang ma-dengue.”

Anim na araw na-confine sa hospital sa KC.

Mabuti’t nagdesisyon siyang magpunta sa hospital agad? Marami kasi sa dengue cases ay dini-delay ang pagpapatingin kaya madalas ay hindi naaagapan.

Sabi ni KC, “Yun ang pinaka nakakatakot sa lahat, kapag nag-drop na ang platelet. Ang bilis talaga.

“Like, noong Wednesday, I felt na parang feverish ako, nilalagnat na.

“Nagpabili ako ng thermometer at nag-38.7° na ako agad.

“Sabi ko… nag-Instagram pa nga ako, ‘Why?’ Out of the blue.

“Sabi ko, ‘Bakit ako may lagnat?’

“Coming from nowhere, wala naman akong nararamdaman.

“Nag-taping pa ako the whole day. Tinapos ko pa yung taping.

“Pagdating ng Thursday, walang fever, as in wala.

“Sabi ko, ‘A, okey, baka napagod lang ako or something.’

“Pagdating ng Friday, diretso ulit ako ng taping. Kasi nga, we tape three, four times a week.

“Pagdating ng taping, ‘ayan na naman, parang nagku-cold sweat ako, namamawis na yung mga kamay ko, hindi na maganda ang feeling.

“Nag-take ako ng temperature ko, 38.7° naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“On-off siya. Mag-38° something, then 36°, then yun na naman.”

Nagpasalamat naman si KC sa staff ng Ikaw Lamang dahil pinayagan siyang mag-on-call na lang. Hanggang sa nakita raw niyang may rashes na siya.

“Yun na, naiyak na ako, natakot na ako, I knew it was different.

“Iba talaga kapag dengue. Sana talaga, ‘wag na kayo—‘wag niyo nang ma-experience.”

Nagkatawanan naman nang sabihin ni KC na nakita pa niya ang lamok na kumagat sa kanya.

Aniya, “Two weeks before that, kasi ang praning ko na talaga sa citronella, insect repellent.

“Umuulan na, nasa Antipolo kami, kaya sabi ko, nakakita na ako ng puti...

“Naglalagay ako… sa set, alam na alam na nila amoy ko, citronella, insect repellent.

“Naglalagay ako sa left side, ‘tapos palagay pa lang ako sa right, ‘Hay, may white na mosquito!’

“Sabi ko, ‘Sana hindi ako kinagat.’”



HEART CONDITION. Pagkatapos kumustahin ang kanyang health condition, ang heart condition naman ang sumunod na kinumusta kay KC.

Nag-post kasi si KC ng video sa kanyang Instagram account ng nali-link sa kanyang si Paulo Avelino, kunsaan habang naggigitara si Paulo ay kumakanta naman siya.

Natatawang sabi ni KC, “Siyempre, ayoko nang mag-deny!

“Hindi… wala naman.

“Basta, siyempre sa akin, artista, celebrity, nakikita mo sa TV, hindi ka puwedeng humingi ng privacy palagi. Nag-decide akong mag-share.

“Kasi, napaka-sweet ni Pau.

“Kahit kapag nakikita mong rumarampa na ang lakas ng dating, he’s very sweet. He’s actually a very thoughtful person.

“So, noong nasa hospital ako, siya talaga ang nag-alaga—every night.

“Yun ang sincerity na hindi mo talaga magpi-fake.

“When you’re sick, na-hospital ka, parang ang lungkot. Parang lahat ng tao, hindi alam kung bibisitahin ka o hindi.

“Yung siya, no question asked. Talagang nandoon siya.”

Ano ang dahilan bakit parang pinipigilan pa nilang maging sila na?

Saad ni KC, “Honestly, we have our ups and downs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re very, very close. I can really say na isa siya sa mga best friends ko.

“Not to say na hanggang doon lang, pero ano talaga, maganda ang friendship namin. Very real, genuine.

“Wala naman kaming project together, we’re very, very good friends.

“Siguro nandoon yung, siyempre, may anak na siya.

“‘Tapos ako, ayokong mag-commit sa isang tao na… siyempre dapat tuluy-tuloy na yun.

“Hindi pa namin napag-uusapan whatever we have.

“Pero, you’re right, whatever we have, we’re happy that way.”

Nag-a-‘I love you’ siya?

“Hindi naman… yakapsul,” natatawang sabi ni KC.

Dagdag niya, “Pero my lola [Elaine Cuneta], na-ICU ang lola ko, yun ang first time na nagkita kami ulit.

“There was a time na hindi kami masyadong nagkikita ni Pau.

“We actually unfollowed each other on Instagram.”

Bakit sila nag-unfollow sa isa’t isa?

Natawang sagot ni KC, “Kasi nga, masyado na kaming nagiging close!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN