Rayver Cruz tells Kylie Padilla to enjoy being single; comments on rumored pregnancy of ex-girlfriend Cristine Reyes

Rayver Cruz on real score with Kylie Padilla: “Yun nga ang point ko, kasi ang hirap magsalita ng kahit ano. Ang hirap magsalita na sure ako o hindi, kasi anything can happen. Pero puwede talaga kahit na anong mangyari. Pero kung girlfriend-material, girlfriend-material talaga si Kylie.”


Bagamat horror film ang pinagsasamahan nilang pelikula, kapansin-pansin ang chemistry na nabuo sa pagitan ng lead stars ng Dilim na sina Rayver Cruz at Kylie Padilla.

Aminado naman ang dalawa na may kilig talaga silang nararamdaman para sa isa’t isa.

Sabi ni Rayver nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa presscon ng Dilim, noong October 17, “Actually, nakakatuwa siya.

“Ibig sabihin, may chemistry talaga kami ni Kylie.

“Kasi, nakakakilig naman talaga.

“Kahit ako, noong nagda-dub ako, kinikilig ako sa mga eksena.

“Walang romantic scenes, pero nakakakilig talaga.”

May effort na magpakilig?

“Yun nga, wala ngang effort,” nakangiti niyang sabi.

Ayon kay Kylie, okey raw sa ama niyang si Robin Padilla si Rayver. Mabait naman daw kasi ang Kapamilya actor.

Ano ang reaksiyon dito ni Rayver?

Sagot niya, “Siyempre, nakakatuwa lang.

“Kasi, para sabihin ni Idol yun, nakakatuwa.

“Ibig sabihin, ano… nakakatuwa lang.”

Plus point na siya agad sa ama ni Kylie?

“Well, ayoko namang biglain, wala namang…

“Well, ‘tulad nga ng sabi ko kanina, ayaw ko namang… pinakapangit na feeling na napi-pressure kayo. Na gawin ang mga bagay dahil napi-pressure lang.

“Siguro, kung may patutunguhan man ang friendship namin, kung mag-e-evolve man doon, ‘tapos pagdating ng panahon, e, mas maganda na after na ng movie.”

Ayaw naman daw kasi ni Rayver na masabing pang-“promo friend” lang siya.

“Yun nga ang point ko, kasi ang hirap magsalita ng kahit ano.

“Ang hirap magsalita na sure ako o hindi, kasi anything can happen. Pero puwede talaga kahit na anong mangyari.

“Pero kung girlfriend-material, girlfriend-material talaga si Kylie.”



KYLIE’S HEARTBREAK. Alam daw ni Rayver ang mga pinagdadaanan ngayon ni Kylie kaugnay ng breakup nito kay Aljur Abrenica.

Sabi ni Rayver, “Yup, aware naman ako.

“Kahit hindi naman niya ikuwento, nababalitaan ko rin naman.

“At yun din ang sabi ko sa kanya na parang ilang months pa lang siyang single.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa nakikita niya kay Kylie, hindi pa ito handang pumasok muli sa panibagong relasyon?

Saad ni Rayver, “Ayokong magsalita para sa kanya, pero sa sinasabi ko, mas maganda na relax muna siya.

“I-enjoy niya muna niya yung single siya.

“Maraming blessings na dumarating. Maganda yung focus siya sa work niya.

“Madali namang maghanap ng love.

“Actually, maganda nga kung darating na lang.”

Nakahanda siyang maghintay kung sakali?

Tugon ng 25-year-old actor, “Mahirap talaga yung mga ganyan… wait, wait.

“Let’s see, ang importante, sobrang close friends kami.”

Hindi rin naman daw isyu sa kanilang dalawa ni Kylie na magkaiba sila ng network.

Ayon kay Rayver, “Hindi naman mahirap yun.

“Kung magti-textan pa rin kayo, magkaibigan pa rin kayo.

“Hindi naman factor yung GMA siya, ABS ako.”

Ang huling TV project ni Rayver ay ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin, na mag-iisang taon nang natapos.

Hindi naman kaya lilipat na siya ng network?

Sagot ni Rayver, “Hindi... hindi naman ako mainiping tao.

“Never akong nagmamadali at alam ko na may ibibigay at ibibigay sa akin ang network ko.

“Kasi, sa tagal ko rin naman sa kanila.”



SINGLEHOOD. Dalawang taon na raw loveless si Rayver.

Ang huling naging girlfriend niya, sa pagkakaalam ng publiko, ay si Cristine Reyes.

Bakit ang tagal niyang walang naging karelasyon?

“Bakit, hindi ba puwedeng maging single?” natawa niyang sagot.

Sa dalawang taon, wala talaga siyang sinubukang ligawan?

“Lumabas-labas ako after nun, pero hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend.

“Basta, after kasi na sobra akong naging seryoso sa isang relasyon, after nun, noong maging single ako, parang kaya ko pala.

“Sabi ko, enjoy rin pala na mag-isa muna.

“More time with family, focus sa work. Kahit ano puwede mong gawin.

“Kaya ko… kaya ko na akong mag-isa,” sabi ni Rayver.

Naitanong din kay Rayver ang tungkol sa usap-usapang buntis daw si Cristine kaya gusto na nitong mag-lie low sa paggawa ng sexy roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Noong narinig ko yun, siyempre ang tendency mo, hintayin mo kung ano ang totoo.

“Siyempre, pregnant man o hindi, I’m sure kung anuman yun, desisyon naman niya yun.

“Si AA naman, kapag nagdesisyon siya ng isang bagay, gusto niya talaga yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN