Robin Padilla no comment on Kylie Padilla-Rayver Cruz rumored romance

Robin Padilla gives wife Mariel Rodriguez the floor to answer questions about the rumored closeness between his daughter Kylie and her Dilim co-star Rayver Cruz.


Tumangging magbigay ng pahayag si Robin Padilla tungkol sa napapabalitang pagkakamabutihan ng anak niyang si Kylie Padilla kay Rayver Cruz.

Sumenyas pa si Robin na mananatiling tikom ang kanyang bibig, kahit pa ilang ulit itong inusisa tungkol sa naturang isyu.

Sa katunayan, hinayaan ng aktor na ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla ang magbigay ng pahayag para sa kanya.

“Wala kaming alam diyan,” paiwas na sagot ni Mariel.

Giit pa niya, “Kami nagpunta talaga dito para mag-support ng movie.

"Napag-usapan na talaga namin ’yan.

"Nandito kami to support the movie.

Nakapanayam ng entertainment reporters ang mag-asawang Robin at Mariel sa red-carpet premiere ng pelikulang Dilim, na pinagbibidahan nina Kylie at Rayver.

Ginanap ang event sa Trinoma Cinema 7 kagabi, October 20.

Hindi nakadalo si Rayver dahil nagtungo ito ng Australia para sa Bida Kapamilya tour.

PROTECTIVE DAD? Pilit ding hiningan ng reaksiyon si Robin tungkol sa sinabi ni Kylie na pinayuhan siya ng ama na huwag na munang makipagrelasyon, lalo pa’t kakagaling lang sa breakup ng Kapuso actress.

Tanging ngiti lang ang isinagot ng aktor at muling hinayaan si Mariel na magsalita ukol dito.

“Siguro lahat naman yun talaga ang gusto. Always, ’di ba?

“Siguro lahat ng magulang, gusto nila yung mga anak nila, career muna, pag-aaral muna.

“Lahat naman siguro,” saad ni Mariel.

Samantala, buo ang ipinakitang suporta ni Robin pagdating sa showbiz career ni Kylie.

Bagamat abala si Robin sa paggawa ng pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo, nagpaalam ito mula sa shooting nila sa Bulacan upang makadalo sa premiere night ng pelikula ni Kylie.

Ayon pa sa aktor, gusto niyang mapanood ang dramatic performance ni Kylie sa naturang horror film, upang magabayan niya ang anak pagdating sa trabaho nito.

Saad ni Robin, “Lagi naman akong critic niyan.

“Pero magandang klaseng critic.

"Siyempre magulang ako. Dapat lagi kung anong ikagaganda...

“Walang ibang magsasabi sa kanya kung anong tama at mali kundi magulang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinahagi rin ni Robin na bago mag-umpisa si Kylie ng shooting ng Dilim ay binigyan niya ng ilang paalala ang anak tungkol sa paggawa ng horror film.

Sabi pa ni Robin, "Minsan ’yan ang ginagamit na behikulo ng masamang espiritu para pasukan kaya dapat huwag mo kalimutan na magdasal.

“Kung may eksenang kababalaghan, dapat kaakibat niyan dasal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN