Judy Ann Santos on T’yanak co-star Tom Rodriguez’s lovelife: "He’s very happy, very contented."

Judy Ann Santos on jealousy between her and husband Ryan Agoncillo: "Siyempre, may mga selos man, hindi naman siya naging malaking issue. Yung mga pa-cute lang. Mga ganun lang. Magtataka naman ako kung hindi ako magseselos sa kanya, at siya, hindi magseselos sa akin. Ibig sabihin, hindi niya ako ganoon kamahal, ‘di ba?"


Naging maayos at maganda raw ang pakikipagtrabaho ni Judy Ann Santos sa dalawang co-stars niya sa pelikulang T’yanak na sina Solenn Heussaff at Tom Rodriguez.

Kuwento ni Judy Ann tungkol kay Solenn, “Naku, naalala ko isang gabi sa taping namin, biglang may nagpa-Pranses sa gilid ko. Napatingin ako.

“Sampalin ko kaya ang babaeng ‘to! Sexy na, maganda pa, mabait, very professional sa trabaho niya, ‘tapos nagpa-Pranses pa?!”

Biniro naman ng press si Juday kung hindi ba nito ni-request na tsugiin ang karakter ni Solenn sa pelikula.

Sakay naman ng aktres, “Nakakainis, hindi na nagtira!

“Nagpe-paint pa, magaling pang magluto, ‘tapos may pandesal yung kanyang bakery!

“Pero kidding aside, napakabait na artista ni Solenn.

“It was a very fun experience working with Solenn.

“An eye-opener for me na may mga bagets pa rin pala na very professional with their craft.

“Nagma-matter sa kanila ang sinasabi ng director and, at the same time, kapag sinabi, gagawin.”

Kumusta ang acting ni Solenn?

“In fairness kay Solenn, she’s a revelation sa pelikulang ito… kapag sinabi mo, ibibitaw niya.

“At saka, ganoon naman kami sa set, kapag eksena mo, eksena mo.

“Kapag eksena ni Tom, eksena ni Tom. Walang aapaw na dapat."

TOM RODRIGUEZ. Patuloy ni Judy Ann, “With Tom naman, madaldal pala siya. Magkakasama kami sa set.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Mapapasma ka. Salita ka nang salita, wala kang pahinga.’

“’Tapos, mahusay pala siyang mag-drawing, mag-paint.

“’Tapos, camote lang ang kinakain kasi pupunta sa Bench show.

“So, kung camote ang kakainin niya, camote rin ang kakainin namin.

“’Tapos, ano siya… nakikinig siya. Hindi siya na-offend sa mga sinuggest ko sa kanya. Very open siya.

“Ano siya sa trabaho niya, nagma-matter sa kanya ang mga sinasabi ng mga tao sa set.

“I have nice experience with them.

“Siyempre with Sid [Lucero], wala nang tanong-tanong diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sarap magtrabaho kasama ang mga artistang pareho kayo ng passion sa industriya, sa craft.

“Palagi kayong may give and take, and it’s a very nice experience working with the master directors and the cast.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa press conference ng T’yanak kahapon, October 20.



TOM’S PAST LOVELIFE. Hindi man niya leading man si Tom sa pelikula, pero nagbiro si Judy Ann na sa palagay niya ay may pagtingin sa kanya ang Kapuso hunk.

“Brother ko siya, pero tingin ko, may pagtingin sa akin!” natatawang biro niya.

Bakit naman niya nasabi yun?

“Malagkit ang tingin niya sa akin!” tawa na naman niya.

Bilang host naman ng reality show ng ABS-CBN na I Do, hindi maiwasang tanungin kay Juday tungkol sa isang contestant dito na si Princess Manzon.

Si Princess ay naging co-housemate ni Tom sa Pinoy Big Brother Double Up at napabalita ring ex-girlfriend ng aktor.

Kasamang naging contestant ni Princess sa I Do ang kanyang foreigner boyfriend na si Harry Morris.

“I heard stories about him, pero hindi kasi ako judgmental… minsan!" biro ni Judy Ann nang tanungin tungkol sa nakaraang ito ni Tom.

“Hindi… hindi ako judgmental na tao.

“Hindi ako naniniwala sa unang sinasabi ng mga tao not until na ma-experience ko yung unang sinasabi.

“With Tom, napakabait niya. Napaka-sincere na tao… how he loves his parents, his sisters, all praises talaga siya sa family niya.

“Ikinuwento niya rin yung buhay niya sa Texas.

“Nakakatuwa na hindi siya maramot sa pagsi-share ng past niya and doon mo ma-appreciate ang isang tao.

“Makikita mo naman sa mata niya kung sincere o hindi siya magkuwento.

“With Tom, talagang nakita ko kung gaano siya ka-loyal sa isang girlfriend. Nakita ko kung paano niya effort-an ang isang tao.

“Feeling ko, masuwerte kung sinuman ang pakakasalan niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkuwento ba sa kanya si Tom tungkol sa nakaraan nila ni Princess?

“In fairness, hindi niya ikinuwento sa akin, kasi siguro, alam niyang I’m hosting a show na involved yung ex niya.

“Na-overhear ko lang ang mga bagay-bagay na napag-usapan nila, pero siyempre, ayoko namang magkuwento.

“Baka naman sabihin may papanigan ako.”

Dagdag ni Juday, “Nakuwento lang niya, wala naman siyang na-open up.

“Hindi ko ma-judge ang situation nila.

“Baka he said-she said situation.

“Yes, nagpapaka-play safe ako kasi it’s a very personal thing.”

Hindi siya na-curious magtanong?

“Siyempre na-curious, tsismosa ako!” natatawa niyang sabi.

“Pero siyempre, napigilan ko dahil ako rin naman, ayokong tsismisan ako.”

Hindi rin naman daw kasi nag-confide sa kanya si Tom.

“He’s in a very good position now. He’s very happy, he’s very contented.

“Actually, noong ikinuwento niya yun, natatawa na lang siya.

“Parang wala na siyang badya ng pain o heartache, wala na siya nun. Completely healed.

“He’s very happy, very contented.

“And tinanong ko siya, sabi ko, ‘May girlfriend ka?’

“’E, someone’s making me happy.’

“’A, okay, may girlfriend ka. May girlfriend ka.’

“’Basta masaya ako.’

“’Okay, masaya ka.’”

Nauugnay ngayon si Tom sa leading lady niya sa My Destiny na si Carla Abellana.



JEALOUSY. Sa parte naman niya, masasabi ba ni Judy Ann na hindi na siya maaapektuhan kung may “manggulo” o “t’yanak” sa buhay niya?

Tugon niya, “Siguro, sa panahon ngayon, hindi ko na sila…

“Kapag pinansin ko pa sila, parang wala akong napagkatandaan.

“Kasi, pagpasok naman talaga natin dito, hindi naman talaga mawawala yung maliliit na t’yanak na ‘yan na sisira sa diskarte mo, sisira sa relationship mo sa iba’t ibang mga tao.

“Ako, noong tumanda na ako at napaiyak na ako sa presscon, doon ko na-realize na, ‘Okey, kapag umiyak ako, ako lang ang iiyak. Walang iiyak na kasama ko kung hindi ako lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, battle ko ‘to, laban ko ‘to, sarili ko lang ang puwedeng magtanggol sa akin.

“Ako lang din naman ang nakakaalam ng totoo.

“Hindi ko na iisipin kung ano ang sasabihin ng mga tao, as long as I’m happy.

“Happy ang family ko, okey ang career ko, at may mga naniniwala pang tao sa akin at malakas ang faith ko sa Diyos, okey ako.”

Wala nang selosan sa pagitan nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo?

“Wala naman talaga kaming mga selos si Rye.

“Siguro naiisyu lang yun, pero siyempre, may mga selos man, hindi naman siya naging malaking issue.

“Yung mga pa-cute lang. Mga ganun lang.

“Magtataka naman ako kung hindi ako magseselos sa kanya, at siya, hindi magseselos sa akin.

“Ibig sabihin, hindi niya ako ganoon kamahal, ‘di ba?”

Paano magselos si Ryan?

“Tahimik lang yun at saka hindi aamin yun.

“Ako rin naman, hindi ako umamin sa kanya. Hindi ako aamin, ever.


“Pakiramdaman na lang... ano na lang ‘to, read my lips!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN