Nadine Lustre reins in possible romance with James Reid: "Natatakot ako."

Nadine Lustre discloses, "I really like it na sa set palagi siyang nagpapatawa. Kasi I don’t always see him like that. Sa close friends lang."


Nagpahayag ng paghanga si Nadine Lustre, 20, kay James Reid, 21, na kabilang sa Top 12 Hottest Males in Showbiz ng YES! magazine.

Bukod sa ipinakitang six-pack abs ni James, bilib si Nadine sa disiplina ng aktor pagdating sa pag-aalaga nito ng katawan.

“Merong admiration, definitely, kasi pinaghirapan niya para ma-achieve yung ganung katawan.

“Ako din, kapag nagdyi-gym ako parang may mga inspiration ako. Sobrang hirap!

“Hindi siya yung makukuha sa dalawang workout. Diet nga, hindi ko makuha mag-diet, so effort yun.

“I’m proud of him,” paunang pahayag ni Nadine.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine bago magsimula ang story conference ng Para Sa Hopeless Romantic sa Viva Films headquarters kagabi, October 21.

Ito ang ikatlong pelikulang pagbibidahan nina Nadine at James kasunod ng Talk Back And You’re Dead at Diary Ng Panget.

Ayon kay Nadine, halos araw-araw silang magkasama ni James, lalo pa’t kakatapos lang nilang mag-taping ng Kapamilya weekly series na Wansapanataym.

Hindi kaya lalong mahulog ang loob nila sa isa’t isa ni James?

“We’re closer than before.

"Nagle-level up din naman yung relationship namin

"We’re really just good friends,” nakangiting sabi ni Nadine.

Bagamat hindi malayong magkamabutihan sila, ipinaliwanag ni Nadine kung bakit tila nag-aalangan sila ni James na magkaroon ng romantic relationship.

“I’m scared, e. May advantages since ka-loveteam ko siya.

"Pero may disadvantages din kasi yun.

“Nagwo-work naman kami ngayon, wala naman kaming problema.

"Maganda naman yung chemistry namin.

“So, parang gusto ko mag-stay muna.

"Parang natatakot ako na mag-level up, ’tapos kapag may problema, biglang [maapektuhan ang trabaho],” saad niya.

Gumawa na ba ng hakbang si James upang iparamdam sa kanya na higit sa pagkakaibigan ang intensiyon nito?

Sagot ni Nadine, “Uhm... James kasi is the type of person na hindi siya vocal sa emotions niya.

"So, ang hirap niya basahin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit napansin ni Nadine na mas kumportable si James na ipakita ang pagiging sweet at makulit nito kapag magkasama sila.

Katulad ni Nadine ay hindi raw kasi si James ang tipo na nakikipagbiruan sa mga bagong kakilala nito.

Sabi pa ng young actress, “He’s really sweet. He’s a gentleman.

"Mapapansin mo naman talaga na he really cares for a person.

“I really like it na sa set palagi siyang nagpapatawa.

"Kasi I don’t always see him like that. Sa close friends lang.”

Nang tanungin kung may pagkakataon na bang lumabas sila ni James nang walang kinalaman sa trabaho, ito ang sagot ni Nadine: “Minsan, pero ngayon kasi sobrang busy.

"Monday magkasama kami, Saturday magkasama rin kami.

“So, parang it’s either time na lang na magpahinga or schedule na lang.

“Kasi usually kapag wala siyang schedule, may schedule ako [for work]. Kapag ako ang free siya naman ang may schedule.”

Sa katunayan ay dalawang araw pa lang umano ang pahinga ni Nadine ngayong buwan ng Oktubre.

Ngunit nilinaw ng dalaga na mas gusto niya ang sunud-sunod ang proyekto kaysa walang trabaho.

Bago magtapos ng taon ay magsisimula na ang shooting ng Para Sa Hopeless Romantic.

Makakasama nina James at Nadine sa naturang pelikula sina Julia Barretto, Iñigo Pascual, Shy Carlos, at AJ Muhlach.

SEE: James Reid, Nadine Lustre, Julia Barretto, Iñigo Pascual to top-bill Para Sa Hopeless Romantic


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN