Jonalyn Viray dreams of performing with Sarah Geronimo

“I’ll be glad, I’ll be honored na makasama siya sa isang stage, maka-duet siya," Jonalyn Viray says about Sarah Geronimo. "Wini-wish ko rin po na kung anuman po yung narating ni Sarah G, parang sana maabot ko rin."


Malapit na ang benefit concert ni Jonalyn Viray para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, ang #Fearless: The Repeat, kung saan special guests niya sina Tom Rodriguez, Thor, at ang Queen of Soul na si Jaya.

Sa kanyang paghahanda, natatawang inamin ng singer, “Honestly, takot po ako sa mga birit songs!”

Kahit na mahusay siyang singer?

“Takot pa rin po ako kasi may mga times na wala sa kundisyon yung boses ko, yung lalamunan.

"So, pinagpe-pray ko po talaga na pagdating ng performance time, e, okey na yung boses ko.

“Takot din po ako sa mga sobrang mabababang kanta. Extreme!

“Kasi po, meron range yung boses ko.

"Meron mga sobrang mabababang songs na hindi ko naman po abot.”

Hindi naman daw siya natatakot na pumiyok o sumabit.

"Go-go pa rin po ako," sabi ng Sunday All Stars mainstay.

ASPIRATION. Fearless din ba siya kung sakaling magkaroon ng pagkakataong maka-showdown si Sarah Geronimo?

“Maka-showdown po talaga yung word?” at natawa si Jonalyn.

Para sa marami ay mas mataas ang boses ni Jonalyn kaysa kay Sarah.

Ayon kay Jonalyn, “Ilang years na rin po yung experience ni Sarah G. sa pagkanta.

"Talagang masasabi ko po na isa siya sa mga fine artists dito sa music industry.

“Pero yung sinasabi niyo po kanina, yung showdown, I think hindi naman po showdown yung term.

“I’ll be glad, I’ll be honored na makasama siya sa isang stage, maka-duet siya.

“Nakasama ko po siya sa PMPC Star Awards nitong nakaraan po, pero hindi as duet.

"May kanya-kanya po kaming production number."

Pero nasa iisang stage sila?

“Opo, isang stage.

“Opo! Dream ko po na maka-duet siya, makasama siya.”

Pareho silang produkto ng talent search sa telebisyon. Si Jonalyn sa Pinoy Pop Superstar noong 2004 at si Sarah ay sa Star For A Night noong 2003.

Bukod sa sikat na singer ay isa ring sikat aktres si Sarah, wala ba siyang nararamdamang inggit dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jonalyn, “Kasi iba naman po yung pinanggalingan niya na singing contest.

“Iba na rin po yung time na pinanggalingan ko na singing contest.

“So, in a way… pangit po kasing sabihin na inggit, parang ang negative ng dating.

"Wini-wish ko rin po na kung anuman po yung narating ni Sarah G, parang sana maabot ko rin.

“I think lahat naman po ng performers, ng singers, iyon po ang ultimate dream, goal.”

Hindi masyadong nabigyan ng pagkakataon si Jonalyn na maging artista dahil sa singing na-focus ang atensiyon niya.

Ayaw ba niyang umarte, halimbawa, sa isang teleserye?

“Acting? Sa ngayon po, bilang marami po kasing events out of town ’tsaka out of the country, parang hindi ko pa po kayang mag-commit sa isang soap.

“Siguro po kung guesting-guesting lang, gusto ko rin pong ma-try.

“Nakapag-acting na rin po ako nung kinuha po ako ng Cattleya movie, yung indie film na si Glaiza de Castro yung bida.

“Ako po yung kaibigan niya na singer... singer pa rin po ang role ko.”

Sa palagay ba niya ay kaya niyang umiyak sa isang dramatic scene?

“I think bago ko po gawin yun, kailangan ko muna ng matinding preparation.

"Ayoko pong mapahiya.

“So, gusto ko po munang mag-workshop ng maayos bago sumalang,” sabi ni Jonalyn.

Ang #Fearless: The Repeat ay gaganapin sa November 14 sa Music Museum. Para sa tickets, tawagan ang TicketWorld at 891.9999 o ang Music Museum at 7210635.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN