Enrique Gil sees "solid" teamup with Liza Soberano: "Gusto ko siya, gusto niya ako.”

Enrique Gil relates he does not want to rush things with new onscreen partner Liza Soberano, "Sinabi ko sa kanya, ’I-enjoy lang natin ’to’... Feeling ko, mapupunta rin naman doon."


Personal request daw ni Enrique Gil sa managing director ng Star Cinema na si Malou Santos na makatambal muli ang gumanap na best friend niya sa pelikulang She’s The One (2013) na si Liza Soberano.

Kuwento ng Kapamilya young actor, “Before pa, parang may sinasabi si Tita Malou na, ’Okay kayo mag-pair, ’no?’

“Gumaganun lang, humirit lang ako. Niloko ko lang.

“So, tuwing nakikita kami, sinasabi, ’Ito, itong show na ’to, malapit na, hintay lang kayo.’”

Ang show na tinutukoy ni Enrique ay ang upcoming primetime series ng ABS-CBN na Forevermore, na magsisimula sa Lunes, October 27.

Sa pamamagitan ng bago nilang teleserye, mas nakilala raw ni Enrique si Liza.

“May iba kasing tao na hindi nila ipinapakita ang totoong sila.

“Kapag may ibang tao, ’yon pa lang sila, mapi-feel mo naman.

“Siya hindi, kahit sino ang kasama niya, ’yon pa rin siya,” paglalarawan ng 22-year-old Kapamilya actor sa 17-year-old niyang kapareha.

Dagdag pa ni Enrique, “Ngayon, inu-open na niya ang pagkatao niya.

“Nakikipagkuwentuhan na siya, ikinukuwento na niya ang buhay niya, naglolokohan na kami.

“Siyempre, noong una, nahihiya pa, pero ngayon hindi na.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Enrique sa taping ng Forevermore, sa Tuba, Benguet, kahapon, October 21.



SOLID LOVETEAM. Si Liza ang ikaapat na makakapareha ni Enrique sa telebisyon.

Una niyang naging kapareha noon si Kathryn Bernardo sa Princess And I (2012); sumunod si Julia Montes sa Muling Buksan ang Puso (2013); at si Julia Barretto sa Mirabella (2014).

Pero sabi raw ni Enrique sa direktor ng Forevermore na si Cathy Garcia, “Parang ito ang pinaka-solid [teamup] na magagawa ko.”

Bagamat mas nakikilala nila ang isa’t isa, hindi naman daw minamadali ni Enrique na maging mas malapit sa bagong kapareha.

Saad niya, “Friends lang. Para sa akin, sinabi ko sa kanya, ’I-enjoy lang natin ’to.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko, mapupunta rin naman doon.

“Pero kahit gusto mong maging kayo o mas maging okay kayo, we will not go there yet kasi hindi pa siya puwede.

“Respeto rin sa tatay niya, sa tita niya, at saka kay Tito Ogie [Diaz, Liza’s manager].

“At saka grabe rin ang pressure nito, ’tapos isasabay mo ’yon.

“Para sa akin, kung maging okay lahat, siyempre pupunta talaga doon—lalo na magkasama pa kami sa show.

"Mabait siya... gusto ko siya, gusto niya ako."

Isa sa mga reporter ang pumuna kay Enrique na halos ganito rin daw ang sinabi niya noong nag-uumpisa pa lamang ang tambalan nila ni Julia Barretto sa Mirabella.

Tugon naman ng young actor, “Sa aga, hindi mo masasabi.

"In the course of the show, kung feeling mo may mapupuntahan ito, may mapupuntahan.

“Kaya nga wala [doon sa dati]. Hindi mo talaga masasabi.

“Feeling ko kung umabot doon, aabot.

"Pero kung walang nangyari, siguro wala talaga.”

Naniniwala si Enrique na magugustuhan ng mga manonood ang bagong tambalan nila ni Liza.

“Feeling ko talaga ito na ’yon. Basta may something...

“Parang alam mo yung may mapupuntahan, pero you don’t wanna rush.

"So, we’ll just enjoy," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN