Billy Crawford learning to take it easy after Taguig incident

All’s well that ends well for Billy Crawford after his brush with the Taguig authorities, “I think it made me closer to the people who really matter in my life.”


Mabigat man ang kinasangkutang isyu ni Billy Crawford noong September, nang ma-detain siya sa isang police headquarters sa Taguig, positibo naman ang naging epekto ng eskandalong ito sa singer-TV host.

Malaki raw ang natutunan niya mula sa insidente.

Matatandaang dumating si Billy sa isang community precinct sa Fort Bonifacio, Global City sa Taguig na sumisigaw at gustong magpakulong.

Read: Billy Crawford detained for malicious mischief at Taguig police precinct; clarifies he did not hurt anyone

Saad ni Billy tungkol sa kinasangkutang kontrobersiya, “Well, I don’t think it really helped me, but I became stronger, I became wiser.

"And I learned how to take things slower in a slower pace.

"Kesa yung ratratan na trabaho nang trabaho, strike while the iron is hot.

“I think it made me closer to the people who really matter in my life.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-host sa press conference ng pelikulang Moron 5.2 kaninang tanghali, October 22.

Nang mangyari ang nasabing insidente, nagkataong sinu-shoot ni Billy noon ang Moron 5.2.

Natanong ang It’s Showtime host kung paano siya sinuportahan ng kanyang mga kasama sa pelikula—sina Luis Manzano, Marvin Agustin Matteo Guidicelli, DJ Durano, John “Sweet” Lapus, at ang direktor nilang si Wenn V. Deramas—nooong kasagsagan ng isyu.

“Honestly, nung nasa presinto ako, ako yung pinag-usapan nila at ako yung naging laman ng pelikula, so nagamit nila. It worked to their advantage,” pagbibiro ni Billy.

Dagdag niya, "Pero yung suporta, yung pagiging kaibigan, they were all there.

"They’ve been texting.

“Si Luis, binisita pa ako.

"Siguro itinuturing ko na talaga silang kapatid ko, kahit ano’ng mangyari.”

Hindi rin daw siya pinabayaan noon ni Direk Wenn nang bumalik na siya sa pagsu-shooting.

INTERNATIONAL CAREER. Binanggit din kay Billy na tila hindi na niya binibigyang-pansin ang kanyang international singing career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sinabi nitong may mga tinatapos lang siyang mga commitment sa Pilipinas bago mag-focus sa kanyang upcoming international album.

“I didn’t quit, I didn’t stop.

"Siguro yung sa akin, may obligations din po ako.

"May kontrata din ako, so hinding-hindi ko naman maiiwanan ang Kapamilya network.

“Tinanggap nila ako and I’m still here regardless of everything.

"So, my obligations for work is kung ano ang priority ngayon.

"Ang priority ngayon is It’s Showtime. I just signed a contract with ABS.

“So, yung opportunities naman sa France or internationally, I’ll still try to pursue my singing career.

"Sayang din naman.”

Dagdag pa niya, “And it’s still open naman sa awa ng Diyos.

“So, tinatapos ko lang ang dapat tapusin dito bago ako pumunta doon.

"I can’t do both. Hindi lang siya Quiapo to Makati, medyo malayu-layo."

Kung pumunta man daw siya sa France ay mawawala lang siya ng ilang linggo at hindi aabutin ng buwan dahil nga sa commitment niya sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN