Luis Manzano on proposing to Angel Locsin: "May naiisip na akong set-up."

by Rose Garcia
Oct 22, 2014
Luis Manzano welcomes the addition of Matteo Guidicelli to Moron 5.2 and crowns Marvin Agustin as the King of Adlib. "Natatawa 'ko, seryoso. After doing this, mas naging fan ako ni Marvin sa comedy," he says.

Sa lead stars ng pelikulang Moron 5.2: The Transformation, malaki raw ang posibilidad na si Luis Manzano ang unang magpakasal sa kanila.

Ksasama rito ni Luis sina Billy Crawford, Marvin Agustin, Matteo Gudicelli, DJ Durano, at John "Sweet" Lapus.

Karelasyon ngayon ni Luis ang aktres na si Angel Locsin.

Sabi ng TV host-actor tungkol sa usaping pagpapakasal, “Well, ako naman, sabi ko nga, I’m not getting any younger.

"Si Angel din naman, ang dami pa niyang puwedeng gawin.

"Magda-Darna siya, may movie siya with my mom [Batangas Governor Vilma Santos].

"Kumbaga, I don’t believe in long engagement.

"Siguro, maximum is less than a year.”

Hindi pa siya nagpu-propose kay Angel?

“Hindi pa. Apparently nga, dalawang beses na akong kinasal, dalawang beses na akong nag-propose.”

Biro pa niya, “Actually, ang tagal ko nang naghihintay kay Kite [palayaw ni Angel] na mag-propose.”

Baka naman katulad lang din siya ng iba na nagsasabing hindi pa nagpu-propose, pero yun pala ay kasal na sila?

Continue reading below ↓

“Hindi, apparently, dalawang beses na akong kinasal,” patungkol niya sa mga lumabas na balita tungkol sa kanila ni Angel.

Hindi na siya hahabol sa bandwagon ng proposal at weddings sa taong ito?

"It’s October, hindi na..."

Pero pag-amin ni Luis, "May naiisip na akong set-up kung paano ako magpu-propose.

"We’ll never know. At this point, I don’t know.

"Hopefully, I’ll find out soon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa grand presscon ng pelikulang Moron 5.2: The Transformer kaninang tanghali, October 22.

HESITANT? Lumabas na naman ang pagiging palabiro ni Luis tungkol sa Moron 5.2, na sequel ng Moron 5 and the Crying Lady (2012).

Naging matagumpay ang Moron 5 kung kaya’t naisipan itong gawan ng sequel ng Viva Films at ng direktor ng pelikula na si Wenn Deramas.

Patawang paliwanag ni Luis, “The reason why nagkaroon ng 5.2… noong una kasi, we were very, very hesistant.

"E, nagkaroon ng The Avengers 2.

Continue reading below ↓

“Noong i-pitch sa amin ‘to, lahat kami natuwa. Siyempre, ang saya-saya ng barkada.

"Pero noong sinabi na kasama si Matteo, parang ilang beses kaming nag-backout... six?

"Biglang times four ang TF [talent fee] namin.

“Kung si Martin Escudero pa rin, libre naming gagawin ang pelikula.”

Si Matteo ang pumalit kay Martin, na nakasama nila sa unang installment ng Moron 5.

Pero sa seryosong usapan, natuwa ba sila noong malaman nilang si Matteo na ang makakasama nila?

Tugon ni Luis, “Oo naman... tuwang-tuwa kami na magkakasama kami.

"Iba naman ang nagawa ni Martin. Ito naman, ibang timpla.

"Hindi ko puwedeng sabihin na mas okey, ibang timpla naman, ibang atake.”

Hindi ba sila nagkakapikunan kapag may mga kanya-kanyang hirit ang bawat isa?

Ayon kay Luis, “We’ve been all together... especially after ng first installment ng Moron 5, nakuha na namin ang timpla ng bawat isa.

"Isama mo pa si Direk Wenn sa equation.

Continue reading below ↓

"So, may ini-expect siya sa aming hiritan, not exactly below-the-belt.”

Dagdag niya, “Para sa akin nga, ang King of Adlib, si Marvin [Agustin].

"Honestly, ako, natatawa ako... seryoso.

"After doing this, mas naging fan ako ni Marvin sa comedy... seryoso ako.”

Para kay Luis, mahirap ang magpatawa at maituturing itong isang gift.

Kahit na kilalang mapagpatawa ay hindi raw niya nakikita ang sarili na nakakatawa talaga.

“Makulit ako. It’s different from being funny.

"Ako, I’d like to think na makulit ako.

"Pero nagkakataon lang na may mga hirit ako na nakakatawa."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano welcomes the addition of Matteo Guidicelli to Moron 5.2 and crowns Marvin Agustin as the King of Adlib. "Natatawa 'ko, seryoso. After doing this, mas naging fan ako ni Marvin sa comedy," he says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results