Antoinette Taus on Dingdong-Marian wedding: "I am really happy for them."

“Dati pa lang sinasabi niya [Dingdong] sa akin na, ‘Ay, naku, I think I’m gonna marry her [Marian]!’ Gusto na niya bumili ng singsing. Ang tagal na nun, ha? I’ve always waited for this day to come and I’m glad that they’re finally doing it," says Antoinette Taus in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) today, October 22.


“Love always deserves a rerun.”

Ito ang pahayag ni Antoinette Taus na bahagyang nabigyan ng kulay, dahil awtomatikong naalala ng entertainment press ang dating ugnayan ng actress-singer sa ex-boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Agad namang nilinaw ni Antoinette na hindi si Dingdong ang tinutukoy niyang dating pag-ibig na gusto niyang maulit.

Sabi niya, “We’re super good.

"Yung sinasabi ko kanina [sa presscon proper], hindi naman yun directed towards that. I meant it about life and love in general.

“He’s not the only guy I dated. I’ve had a couple of boyfriends after him.

"So, I just really mean that no matter what happens, love always deserves another chance."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Antoinette pagkatapos ng presscon proper para sa rerun ng musical na Grease, na ginanap ngayong araw, October 22, sa Palm Grove, Amorsolo Square, Makati City.



DINGDONG-MARIAN NUPTIALS. Dito ay nagpahayag si Antoinette ng kanyang masayang pagbati para sa nalalapit na kasal nina Dingdong at Marian Rivera.

Sa katunayan, noon pa man ay inaasahan na ng singer-actress na mauuwi sa altar ang anim na taong relasyon ng sikat na couple.

Saad niya, “I’m really happy for them. I wish them the best.

"Years ago pa lang, kausap ko si Dong about sa relationship nila.

“Kinukuwento niya sa akin how much he loves her, how great they are together.

“Dati pa lang sinasabi niya sa akin na, ‘Ay, naku, I think I’m gonna marry her!’

“Gusto na niya bumili ng singsing... ang tagal na nun, ha?

“I’ve always waited for this day to come and I’m glad that they’re finally doing it.

"I think it’s about time."

Hindi ‘tulad ng ibang naghiwalay na magkasintahan, nanatiling magkaibigan at may respeto sa isa’t isa sina Dingdong at Antoinette.

Wala rin naman daw kasing rason para magkainisan pa sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think maybe kasi nung kami before, we were together not just as ‘Oh! I’m in love with you.’

“We actually like each other as individuals.

"To me, bilib ako sa talent niya, kung paano siya as a person, as a man.

"Hopefully, bilib din siya sa akin before.

“So, I feel that when you take away the dating part, yung love, yung ganung stuff, nagre-remain pa rin kahit papaano yung respect mo sa tao.

“Yung tingin mo sa kanila, how great they are.

“We became friends and it’s a good thing.”

NEW LOVE? Nang makapanayam ng PEP si Antoinette noong May ay wala pa siyang boyfriend.

Ngunit inamin ng 34-year-old actress-singer na mayroong non-showbiz guy na nagbibigay-inspirasyon sa kanya ngayon.

“Grabe, ang hirap sagutin ng tanong na ito! Ang hirap i-explain.

“Basta may nag-i-inspire, pero it’s complicated, yun na lang,” nag-aalangang saad ni Antoinette.

Hangga’t maaari kasi ay mas gusto ng dalaga na manatiling pribado ang kanyang lovelife.

Sabi ni Antoinette, “If ever I get into a relationship, whenever that maybe—whether it’s next year or after five or ten years—I feel like that this time around, I really wanna keep it more private.

“There are special moments that not everybody has to know about. It makes it more valuable and special in the long run.”

Isang bagay lang ang siniguro ni Antoinette—mas attracted pa rin daw siya sa Pinoy kaysa sa foreigner.

“Kahit nung nasa States pa ako, and my dad is an American, but for some reason, I ended liking Pinoys pa rin.

“Kasi born and raised ako dito, ’tapos feeling ko, kumportable ako sa Pinoy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN