Joey Marquez has no plan to go back to politics: "Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."

"Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg"> "Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg"> "Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg">

"Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg"> "Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg"> "Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg"> "Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg">

"I’m alone that’s for sure, but I’m never lonely," says Joey Marquez when asked about getting married again.


Tapos na raw si Joey Marquez sa kanyang pagiging pulitiko at gusto na lamang niyang mag-focus sa kanyang showbiz career.

“Ayoko na. Ang sarap ng ganitong buhay, e!” natatawang sabi ni Joey sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters na bumista sa set ng Forevermore sa Tuba, Benguet, noong Huwebes, October 21.

Nanungkulan bilang mayor ng Parañaque si Joey noong 1995 hanggang 2004.

Sinubukan niyang tumakbo bilang Parañaque representative noong 2004 ngunit hindi siya pinalad manalo.

Hindi rin nakakuha ng sapat na boto si Joey nang tumakbo siyang muli sa pagka-mayor noong 2010 at bilang congressman noong 2012.

Sa ngayon, buo na ang desisyon ni Joey na huwag nang balikan ang pagiging pulitiko.


Pag-uulit niya, “Ang sarap dito, bakit ako babalik. Nakalbo ako dun.

“Mas enjoy ako dito kasi ang sarap nung wala kang worries na lumalabas, naglalakad ka, punta ka kahit saan.”

Saad pa niya, “Ngayon, ang dumi-dumi ng usapan na politics.


"Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na, ’di ba?

“So, I think, hindi na masyadong may prestige being a politician.

“One thing I’m very proud of, I was not a politician, I was a public servant.”

Matatandaan na minsang nakasuhan si Joey ng graft case dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga walis-tingting noong siya ay mayor pa ng Parañaque.

Subalit agad namang naabsuwelto si Joey sa kasong ito dahil walang sapat na ebidensiya laban sa kanya.

Read: Joey Marquez absolved from "walis-tingting" graft case

Dahil sa mga ganitong klase ng isyu sa mga pulitiko, hindi kaya na-trauma na si Joey sa mundo ng pulitika?


“Kasama yun, e,” sagot ni Joey.

“Kung may nangyari man sa ’kin sa pulitika, no regrets kasi hindi ako gumastos, e.

“Ang sa akin kasi, serbisyo ko ang ibibigay, hindi para bilhin ang posisyon at yun ang pagkakitaan, so okay lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Joey, para sa mga anak na lamang daw niya ang pulitika.

Sa ngayon, ang anak niyang si Jeremy Marquez ay nanunungkulan bilang barangay captain sa BF Homes Parañaque.

Ano naman ang paalala niya sa kanyang anak?

“Ang parati kong advice sa kanila, regardless of the title, you cannot be the boss, you are the servants.”

SETTLING DOWN. Katulad sa pulitika, tila hindi na rin masyadong iniisip ngayon ni Joey ang pag-aasawa.

Pabirong pahayag niya, “Kasi alam mo, na-realize ko lately na, ewan ko ba.


"It took so long para ma-realize ko na katawan ko lang pala kailangan.

“So, sabi ko, wala na bang love?

“’Tapos, meron akong mga trauma na baka anakan lang ako!”

Matagal na rin walang karelasyon si Joey kaya inamin niyang paminsan-minsan ay hinahanap-hanap niya ito.

“Of course, naghahanap ka rin kahit papa’no.

“Kaya lang, sabi ko nga, ang hirap kasi makakuha ng makakasama mo sa buhay na alam niya, second priority lang siya.

“Ang mga anak ko ang first priority.

“Parati ko sinasabi na, never compete with my children, you will lose, parating ganun.”

Hindi naman daw nakararamdam ng inggit si Joey sa mga kasamahan niya noon sa Palibhasa Lalake na sina Richard Gomez at John Estrada, na parehong happily married na.

Katuwiran ni Joey, “It doesn’t necessarily follow na you’ll be happy when you’re married, e.

“I’m very happy for them that their happy, but I’m happy this way.

“Ang sa ‘kin lang naman kasi, siguro wala pa ‘ko talagang nakatapat kasi with Alma [Moreno] it’s fourteen years, we got married, ’di ba?”

Diin pa niya, “Ang hirap mag-invest sa isang bagay na, you’re not getting any younger and then eventually mawawala.

“So, ’andun yung factor na baka mangyari na naman ‘to, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sino ba may kasalanan, ako na naman siguro, ganun.

“So, sabi ko na lang, I’m alone that’s for sure, but I’m never lonely."

"Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg"> "Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg"> "Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg">


"Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg"> "Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg"> "Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg"> "Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na."" data-url="https://www.pep.ph/news/45315/joey-marquez-has-no-plan-to-go-back-to-politics-lahat-ng-tingin-ng-tao-sa-pulitiko-kung-hindi-walang" data-desc="Joey Marquez says his children remain his first priority over a lovelife." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0181a08b6.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN