Ynna Asistio admits she’s still not over ex-boyfriend Mark Herras

Ynna Asistio on her ideal next boyfriend: “Kung sakali at ma-in love akong muli, gusto ko yung taong mahal ang Diyos bago ako. Nakuha ko rin sa church yun na ang lalaki, hindi ka kayang mahalin kung wala ang Diyos sa buhay niya. So siguro, hahanap ako ng lalaki na mahal ang Diyos bago ako ang mahalin.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynna Asistio sa grand presscon ng pelikulang Dilim last week.

Isa sa kinumusta sa kanya ay ang ex-boyfriend niyang si Mark Herras.

Totoo bang maayos na ulit sila?

Sagot ni Ynna, “Well, yun nga po, nagkita kami noong wake ng daddy niya.

"And then, after that, nagkita rin kami sa events. Wala naman."

Hindi pa muling nakakatungtong si Mark sa bahay nila?

“Hindi pa, pero okey naman kami.

"Like, kami ni Mark at sila ni mommy ko [Nadia Montenegro].

"Si Mommy, nakikita niya sa GMA si Mark.

"Wala na, sobrang casual ng lahat.”

Limang taon at pitong buwan din daw ang naging relasyon nila. Nawala na ang pagmamahal niya rito?

“Hindi naman, hindi ko naman sinasabing hindi ko na mahal si Mark or anything.

"Siyempre si Mark, hindi na mawawala sa puso ko ‘yan at sa buhay ko.

"Siyempre, naging parte na ng buhay ko, pero wala, e

"Kailangan nating tanggapin na hindi naman ganoon ang buhay, hindi lahat perfect.

“Akala ko rin naman hanggang dulo kami ni Mark, pero hindi po nangyari.

"I think, may mas magandang plano si Lord for me.

"Siguro, may mami-meet akong guy," saad ni Ynna.

SINGLE FOR NOW. Sa ngayon ay single daw siya at wala pa talaga siyang nakakarelasyon pagkatapos nilang mag-break ni Mark.

Sabi ni Ynna, “Ayoko rin naman pong magmadali.

"Nag-date-date na rin ako, nasaktan lang din ako.

"So, parang ang akin po, ayokong madaliin ang salita ko kung hindi pa naman talaga ako over.

"Bakit ko hahanapin sa iba or bakit naman po ako makikipag-date?"

Tapos na talaga ang kabanata nila ni Mark at hindi na talaga sila magkakabalikan?

“Sa amin ni Mark, ayoko naman pong magsalita.

"Pero for me, as of now, wala po talaga, e.”

Kung sakali at makikipa-relasyon siya, gusto raw ni Ynna ay non-showbiz na. Na-trauma ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Hindi po ako na-trauma.

"Marami po akong natutunan sa relasyon namin ni Mark.

"Pero yun nga, ayoko pong madaliin ang sarili ko.

"Alam ko naman na hindi pa ko ganoon ka-over kay Mark ’tapos maghahanap ako ng iba.

“Ngayon po, concentrate ako sa school, ’tapos kung ano pong work ang ibinibigay sa akin and sa church po.

"Malaki pong tulong yun sa akin.”

NOT YET OVER. Tinanong ng PEP si Ynna, kung sakali at itadhana na magkabalikan silang muli, kaya niyang tanggapin na may anak na si Mark sa ibang babae?

Sagot niya, “I don’t think... kung ngayon, hindi ko kaya. Maybe in the near future.”

Hindi pa rin siya over kay Mark?

“Of course, I’m not.

"Kasi po, isipin niyo, 16 hanggang 22 years old ako, kasama ko siya.

"Hindi naman po ako magsisinungaling kung sasabihin ko na wala na, wala na.

"Halos ilang years kong kasama yung tao sa buhay ko.”

Nakita na rin daw ni Ynna ang anak ni Mark. Nangyari raw ito sa burol ng ama ng Kapuso actor.

Kumusta naman?

“Wala lang, nag-hi lang ako. Wala naman akong naramdamang kaba or anything.

"Yung ano lang, noong nakita ko yung nanay!” natawa niyang sabi.

Nainis siya?

"Hindi ako nainis!" tawa pa rin niya.

“Siyempre, wake yun, parang hindi ko lang ini-expect na…

"Usually kasi, kapag nandoon ako or something, hindi ko naman nakikita yung nanay, yung bata.

"Pero sabi ko rin naman kay Mark, patingin ako kay baby Ada.

"So, yun, dinala niya si Ada sa akin.”

Yung nanay ng bata, hindi ipinakilala sa kanya ni Mark?

“Kilala ko naman kasi yun!” natatawa niyang sabi.

“Kilalang-kilala ko po yun, pero huwag na lang po tayong magsalita.

"Doon na lang po tayo kay Mark at sa baby.

"Huwag na lang po yung...”

IDEAL MAN. Kung sakali at mai-in love siyang muli, ano na ang mga babaguhin niyang gawin, ano na ang mga katangiang hinahanap niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sakali at ma-in love akong muli, gusto ko yung taong mahal ang Diyos bago ako.

"Nakuha ko rin sa church yun na ang lalaki, hindi ka kayang mahalin kung wala ang Diyos sa buhay niya.

“So siguro, hahanap ako ng lalaki na mahal ang Diyos bago ako ang mahalin.”

Yun ang hindi niya nakita sa dating relasyon niya?

Paglilinaw ni Ynna, “No, I’m not saying na ganoon si Mark.

"I’m not saying na ganoon ang mga nakaka-date ko.

"Siguro, yun ang hindi ko masyadong pinansin noon.

"Si Mark naman, maka-Diyos naman ‘yan. Pero hindi ko yun pinansin noon.

“I think, dadalhin naman sa ‘yo ni Lord yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN