Ynna Asistio advises Derek Ramsay to stay strong amidst recent controversy

Naka-focus si Ynna Asistion ngayon sa kanyang pag-aaral kaya hindi raw siya visible sa telebisyon at pelikula. Pero pag may pagkakataon naman ay tumatanggap din siya ng mga proyekto dahil nami-miss din daw niya ang umarte.


Hindi pa rin maiwasang maitanong kay Ynna Asistio ang tungkol sa kontrobersiyang pinagdadaanan ngayon ng na-link sa kanya noon na si Derek Ramsay.

Nahaharap ngayon ang Kapatid star ng reklamong concubinage na isinampa ng estranged wife nitong si Mary Christine Jolly.

Read: Derek Ramsay, Angelica Panganiban face concubinage raps filed by Mary Christine Jolly

Bago pa nito, nauna nang naghain si Mary ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children (VAWC) Act laban kay Derek.

Pero kalaunan ay binawi rin ng kampo ni Mary dahil nakaramdam daw sila ng hindi patas na pagdinig sa Makati Prosecutor’s Office.

Read: Mary Christine Jolly withdraws VAWC complaint; Derek Ramsay camp says: "He refuses to be a victim of extortion."

Ayon kay Ynna, paminsan-minsan din niyang nakakamusta si Derek.

“Opo, nakakapag-usap kami, lalo na ngayon.

"Kinakamusta ko siya, kung anong balita sa kanya.

"And lagi ko pong sinasabi sa kanya na, ‘Stay strong, pagsubok lang ‘yan.’

“Alam ko namang malalagpasan niya, ’andito lang kaming buong family for him.”

Hindi ba siya natatakot na madamay sa isyu?

Natatawang sagot ni Ynna, “Hindi po, kasi hindi naman po ako naging karelasyon ni Derek.

"So, wala naman po, hindi naman po ako natatakot."

Paliwanag pa niya tungkol sa mga nag-iisip na nagkaroon sila ng ugnayan ni Derek, “Feeling po nila yun kasi yun po ang kumalat. Pero hindi po talaga naging kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media si Ynna sa presscon ng pelikulang Dilim, noong October 17, sa Imperial Palace Suites, Quezon City.

SCHOOL AND WORK. Hindi masyadong aktibo ngayon sa showbiz si Ynna.

Abala raw kasi sa kanyang pag-aaral ngayong graduating na siya sa kursong Broadcasting sa Centro Escolar University.

Suportado naman daw ng ABS-CBN ang kanyang pagnanais na makatapos ng pag-aaral bago muling magpakaabala sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Ynna, “Mag-a-adjust po yung school [kapag may trabaho], pero hindi pa sa ngayon dahil sobrang hirap ng ginagawa namin sa ngayon.

"And inintindi yun ng ABS-CBN.

“Actually, hindi lang po ako yung nag-ano nun [set-up], pati rin ang ABS.

"’Pag ang artista nila priority ang school, susuportahan nila.

"So, ngayon, nakikita ko naman po na suportado ng ABS.

“Pero, ’pag may work, tinatanggap ko kapag hindi naman po conflict sa school kasi nasasayangan din po ako, e.

"Nami-miss ko na umarte, nami-miss ko na magtrabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN