Director Wenn Deramas apologizes to Sarah Geronimo, Coleen Garcia, and Angel Locsin

Humingi ng paumanhin ang direktor na si Wenn Deramas sa Kapamilya stars na sina Sarah Geronimo, Angel Locsin, at Coleen Garcia dahil sa pagkakabanggit ng mga pangalan nila sa unang presscon ng Moron 5.2.


Humingi ng paumanhin ang direktor na si Wenn Deramas kina Sarah Geronimo, Angel Locsin, at Coleen Garcia dahil sa pagkakadawit ng mga pangalan nila sa biruan na nangyari sa unang presscon ng pelikulang Moron 5.2: The Transformation noong October 7.

Sina Sarah, Angel, at Coleen ay girlfriends ng tatlo sa bida ng pelikula na sina Matteo Guidicelli (para kay Sarah), Luis Manzano (para kay Angel), at Billy Crawford (para kay Coleen).

Ang iba pang mga bida ng Moron 5.2 ay sina Marvin Agustin, DJ Durano, at John “Sweet” Lapus.

Sa unang presscon kasi ng pelikula ay sumentro ang ilang tanong tungkol sa sex life nina Matteo at Billy.

Samantala, kahit wala si Luis sa naunang presscon dahil nasa Amerika ito noon, nababanggit din ang pangalan nila ni Angel sa mga biruang iyon.

Read: Matteo Guidicelli put on the spot by "lack of sex life" question

Dahil dito, pakiramdam ni Direk Wenn ay naka-offend sila nang hindi sinasadya.

Sa final presscon ng pelikula na ginanap kahapon, October 22, sa Mom and Tina’s Bakery & Café, personal na humingi ng dispensa si Direk Wenn kina Sarah, Angel, at Coleen.

Seryosong pahayag ni Direk Wenn, “Humihingi lang ako ng paumanhin dahil nga sa nada-drag ang mga pangalan ni Sarah, ni Angel, ni Coleen dito sa promo ng pelikula.

“And worst, hindi maganda ang topic.

“Kasi, nung una, ang usapan natin ay parang nakakatawa lang, ‘di ba?

“Dahil comedy rin ang pelikula, nagkakatuwaan tayo na hindi naman ganun din ang dating dun sa mga taong puwedeng makabasa o makarinig sa mga usapang yun.

“So, humihingi rin kami [ng dispensa] dun sa mga na-offend, dun sa mga nadamay sa katuwaan.

“Nagkakatuwaan lang po—hindi namin pinagkakatuwaan, ha—habang tayo ay nagkukuwentuhan.

“So, sorry po. Pangit talaga.

“Kahit ako rin, ayaw kong nada-drag ako kung hindi ko naman pelikula o wala akong kinalaman dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo pa’t nakapa-sensitive na bagay ‘yan dahil sex yun, e.

“Lalo na’t alam naman natin na ang mga taong ito ay hindi naman talaga mga pariwarang tao, sagrado sa kanila ang mga ‘yan.

“So, humingi kami ng paumanhin.

“Kami mismong naaliw… ako, isa ako sa may kasalanan, kasi isa ako sa mga nakikitawa.

“Batuhin niyo rin po ako ng bato, yun na yun!” pagbibiro na niya.

Sa tingin ba niya ay makakatulong sa box-office result ng pelikula na ang pinag-uusapan ay ang tungkol sa sex life at private parts ng kanilang bida?

Sabi ni Direk Wenn, “Sa totoo lang, hindi.

“Kaya lang, dahil itinatanong, kaya sinagot.

“Hindi naman talaga, kaya lang, ‘pag tayo-tayo lang, nagkakatuwaan, e, malay ko ba na isusulat niyo?

“Yun lang, nagkataon lang na ang mga taong ito, e, kapag tinanong mo, sumasagot.

“Ang pangit naman siguro na ang presccon, may nagtatanong, walang sumasagot, ‘di ba? Mukha tayong burol.

“Pero katuwaan lang naman, kaya nga humihingi ako ng pasensiya dun sa mga na-offend.”



IS SARAH IN THE MOVIE? Pagkatapos nito ay lumitaw ang tanong kung totoo nga bang may guest appearance sa Moron 5.2 si Sarah.

Sa pelikula kasi, ginagampanan ni Mylene Dizon ang papel bilang asawa ni DJ; si Nikki Valdez naman ay kay Marvin; at sikreto pa nga raw yung kay Matteo.

Si Sarah nga ba ito?

“Ang schedule kasi, e. Kung siya nga ay nahirapan sa schedule ni Sarah, kami pa?” sabay turo ni Direk Wenn kay Matteo.

“Basta sabi ko, Sarah Joy [ang pangalan ng asawa ni Matteo sa pelikula].

"Panoorin niyo, huwag na lang, dun na lang…

“Baguhan, e. Ang tanga ngang umarte minsan!” natatawang biro pa ni Direk Wenn.

“Ang maganda, kahit panoorin niyo ang unang pelikula, Sarah Joy ang pangalan niya.”



PLAYTIME. Kasunod nito ay kinumusta namin kay Direk Wenn si Billy sa shooting matapos ang insidenteng pagkaka-detain nito sa Taguig Police Headquarters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng batikang direktor, "Nung mag-shooting kami, unang labas niya sa kulungan, tinext niya kaming lahat.

“Sabi niya, ‘O, igu-goodtime natin si Matteo, kunyari galit ako kasi hindi ko siya kakausapin, ganun-ganun…’

"Lahat kami, nung dumating [si Matteo], pretend kami.

"Tapos si Matteo, kinakausap niya si Billy, seryoso ito, kasi paiyak na siya, e, ’Bro, galit ka ba talaga?’

"So, sinabi ko na joke lang ito, pero ayaw niyang maniwala, paiyak na talaga siya."

Playtime lang pala ito dahil si Matteo ang sumulsol na painumin pa nang painumin si Billy noong gabi bago nagwala ito at makulong sa presinto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN