Luis Manzano proud of mom Vilma Santos’s record as politician

“The fact that the people want her to run and it’s not my mom who wants to run for higher office, that means iba ang tiwala sa kanya ng tao. Bihira ’yon sa isang pulitiko, na sila ang gustong tumakbo ang isang tao,” says Luis Manzano about his mom being included as possible senatorial bet in 2016.


Nagpapasalamat si Luis Manzano sa mga nagtitiwala sa kanyang ina na si Vilma Santos bilang isang public official.

Sa press conference ng bagong season ng The Voice of the Philippines kahapon, October 23, nabanggit kay Luis ang pagkakasama ng kanyang ina sa listahan ng mga posibleng manalo sa pagka-senador kung tatakbo sa 2016 election.

Kasalukuyang nasa ikatlo at huling termino si Vilma bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas.

Ayon sa inilabas na survey ng Pulse Asia noong nakaraang buwan, nasa ika-pitong puwesto si Vilma sa mga pinili ng kumuha ng kanilang survey.

Kabilang din sa Top 15 ang kilalang showbiz and political personalities na sina Senator Tito Sotto at Saranggani Representative Manny Pacquiao.

“Thank you, thank you very much,” sabi ni Luis tungkol sa survey.

Sa kabila nito, hindi naman kinumpirma ni Luis kung may balak nga ba ang kanyang inang tumakbo bilang senador sa 2016.

Saad niya, “When my mom ran for mayor, she didn’t dream for higher office. She wanted to be a mayor.

"Governor, hanggang doon lang, hanggang doon lang ang gusto niyang mangyari.

“So, the fact that the people want her to run and it’s not my mom who wants to run for higher office, that means iba ang tiwala sa kanya ng tao.

“Bihira ’yon sa isang pulitiko, na sila ang gustong tumakbo ang isang tao.

“Sa ibang tao, mayor pa lang ’yan, ang naiisip na niya ang pagiging senador niya, pagiging VP [Vice President] niya.

“Ganun kaagad kaya hindi naaasikaso ang local position nila.”

Inilarawan din ni Luis ang kanyang ina, na mas iniisip umano ang trabaho sa kasalukuyang posisyon kaysa sa plano sa pulitika.

“With my mom, the good thing about her is she wants to focus in her position.

“Nag-mayor siya, she wants to be a mayor and nothing else.

“They wanted her to run for governor, the fact na nasa top siya, thank you po sa lahat ng nagtitiwala sa mommy ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nakaraang panayam kay Luis, natanong siya tungkol sa balak niyang pagpasok sa pulitika.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakapagdesisyon kung papasukin niya ang mundo ng pulitika.

“I’m still talking to a few people, consulting the right people.

“No one is influencing me. No one is telling me not to.

“Pero I just have to make up my mind very soon,” pahayag ni Luis tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN