Actor-politician Alfred Vargas mulls over doing more showbiz projects: "Para makapag-ipon naman... gusto ko rin mapagawa ang dream house ko."

Alfred Vargas admits he owes his political career to showbiz. "Hindi ako magiging isang congressman kung hindi ako naging artista. Hindi ko mapapakain ang mga anak ko kung hindi ako nag-artista. Hindi ko mami-meet ang asawa ko kung hindi ako nag-artista. Pero mas fulfilled ako ngayon sa ginagawa kong public service."


Bilang isang kongresista sa bagong distrito ng Quezon City, masayang-masaya ang aktor na si Alfred Vargas sa ginagawa niya ngayon.

Pero hindi nito itinatanggi na nami-miss niya rin ang pag-arte.

Noong isang taon, nakagawa siya ng pelikula, ang Separados, na naging entry sa Cinemalaya.

Sa 2015, plano ni Alfred na makabalik din sa telebisyon at makagawa pa ng pelikula.

Saad niya, “Bihira rin naman akong makapanood ng TV.

"Pero kapag nakakapanood ako, sinasabi ko, ’Siguro kung ako ang gumanap sa role na ito, ganito ang gagawin ko’ o ’Uy, ang ganda ng pagkakaganap niya, kaya ko kaya yun?’

"Nakaka-miss.

"So, sabi ko, sana by next year makapag-acting naman ako, movie o TV, makapag-telenovela.

"Hindi ko rin puwedeng dikdikin ang sarili ko ng mga schedule."

Natawang sabi pa ng actor-politician, "Gusto kong mag-teleserye para makapag-ipon naman!"

Paliwanag niya, “Yung naipon ko dati na artista ko, medyo paliit na nang paliit.

"Kaya sabi ko, kailangang matutukan ko na rin ang negosyo.

"Gusto ko rin mapagawa ang dream house ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alfred noong Martes, October 21.



PEOPLE’S DAY. Napaka-busy ba talaga ang schedule ng isang kongresista?

“Oo,” mabilis na sagot ni Alfred.

“Kasi, if you’re a serious legislator and public servant, talagang kakainin ang oras mo.

"Kailangan magaling ka rin mag-manage ng time mo.

"At saka staff mo, kailangan magaling din.

"So far, so good.

"Monday to Thursday, nasa office ako, pero kapag Friday, nandoon ako sa district ko.

"Meron akong tinatawag na People’s Day, lahat ng gustong pumunta, hindi nila kailangang mag-appointment.

"Pupunta lang sila at haharapin ko sila.

"Kapag Saturday naman, Sunday, nandiyan na ang mga binyag, kasal, ’tapos fiesta, birthday...

"Naging ka-close ko na rin ang mga tao sa Novaliches kaya nag-e-enjoy rin ako na makasama sila.”

Ngayon araw, October 24, ang ika-33 kaarawan ni Alfred kaya marami siyang programang inilaan sa kanyang distrito sa “birthday week” niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad ng pagbibigay ng certificates of entitlement para sa lupa at scholarships sa mga kabataan.

Sa palagay niya, kaya niyang maisingit sa schedule niya kung sakaling mag-teleserye siya?

“Kaya, basta huwag lang yung meron ka pang sitcom, Sunday show. Dati kasi ganun ako,” sabi niya.

BODY BEAUTIFUL. May “feelers” na raw sa kanya ang dalawang malaking network para gumawa siya ng teleserye.

Pero siya raw mismo ang nag-request sa manager niyang si Lolit Solis na konting panahon pa.

Gusto pa raw niyang magbawas ng timbang sa 30 pounds na naibawas na niya.

“Nakiusap lang ako kay Nay Lolit na hayaan muna akong mag-lose pa ng 15 lbs.

"Gusto ko kasi, kapag bumalik ako, hindi naman nalalayo sa dati.”

Naalala naming isa si Alfred sa mga unang aktor na nakagawa ng coffee table book na halos hubad na siya.

Natawa ito saka sinabing, “Mahirap na yun, iwan na natin sa mga bagong actors ngayon!”

Hindi ba niya nami-miss gumawa ng coffee table book?

“Alam mo, ang daming nakaka-miss nun at saka hanggang ngayon, wala pang nakakagawa.”

Kapag nakikita niya ang ginawang coffee table book na seksing-seksi at maganda talaga ang pangangatawan niya, ano ang naiisip niya?

“Kapag nakikita ko, sinasabi ko sa sarili ko na minsan sa buhay ko, isang parte sa buhay ko na naging ganito ako—banidoso at talagang inalagaan ko ang sarili ko.

"At saka I was proud sa buong sarili ko. Mind, body and soul.”

CHOICE FEMALE STARS. Doon sa teleseryeng inaalok sa kanya, may nagustuhan na ba siya, may naoohan na?

“Hindi pa naman ako umoo.

"Gusto ko namang umabot sa point na pagpilian ko yung talagang gusto ko.

"So far, sa ngayon, hindi pa talaga yung gustung-gusto ko.

"Kung babalik ako, yung talagang gusto ko.

"Actually, hindi naman ako magde-demand.”

May mga naiisip ba siyang gusto niya ring makasama pa sa isang teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro gusto kong makasama si Bea Alonzo, Maja Salvador, Angel Locsin.

"Kung sa GMA naman, si Marian Rivera ulit, si Lovi Poe, si Heart [Evangelista].

"Siguro, sila ang mga gusto kong makasama kung sakali.”

Sa 2015, sigurado raw na may gagawin siyang pelikula na isa siya sa magiging co-producer.

FULFILLED. Saan siya mas masaya, noong artista lang siya o ngayong kailangan niyang pagsabayin ang pulitika at showbiz?

Sagot ni Alfred, “Mas enjoy ako dati noong wala akong iniisip kung hindi ang sarili ko lang.

“Pero mas fulfilled ako ngayon sa ginagawa kong public service.

"Sobrang enjoy ang buhay ng isang artista.

"Siyempre, iisipin mo lang ang career mo, ang ganda ng show mo. Aalagaan mo lang ang sarili mo.

“Dito sa politics, iisipin mong lahat, actually, huli pa nga ang sarili mo.

"Mas mahirap ‘to, pero mas fulfilling.”

Dagdag niya, “Pero hindi ako magiging isang congressman kung hindi ako naging artista.

"Hindi ko mapapakain ang mga anak ko kung hindi ako nag-artista.

"Hindi ko mami-meet ang asawa ko kung hindi ako nag-artista.

"Hindi ako magiging kung sinuman ako ngayon kung hindi dahil sa lahat ng shows na nagawa ko.

"Mga directors na nakasama ko, mga artista, lahat ng press na naging kaibigan ko.

“Lahat ng artistang nakasama ko na tumulong din noong campaign ko.

"Kaya for me, love na love ko talaga ang showbiz industry.

"You will meet the best people and also, the not so best!” natawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN