Claudine Barretto would also love to work with Judy Ann Santos; ready to make a showbiz comeback

Claudine Barretto on her friendship with Judy Ann Santos: "People don’t know kasi Juday and I are really, really good friends. Marami kaming pinagdaanan, mga magaganda at ‘di magaganda, pero one thing is for sure, there’s a time in our lives na it had something to do with our daughters—my daughter and her daughter."


Ikinatuwa ni Claudine Barretto ang naging pahayag ni Judy Ann Santos na gusto siyang makatrabaho nito sa isang pelikula.

Read: Judy Ann Santos still wants to do a movie with Claudine Barretto

Sina Claudine at Judy Ann ang itinuturing na magkaribal sa kanilang henerasyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Claudine sa tanggapan ng kanyang abugado na si Atty. Ferdinand Topacio kahapon, October 23, ay tinanong namin siya sa kanyang reaksiyon sa naging pahayag ni Judy Ann.

Saad niya, "It’s always been a dream.

“People don’t know kasi Juday and I are really, really good friends.

“Marami kaming pinagdaanan, mga magaganda at ‘di magaganda, pero one thing is for sure, there’s a time in our lives na it had something to do with our daughters—my daughter and her daughter.

“That’s why we worked hand in hand… this is about Yohan and Sabina.”

Dagdag pa ni Claudine, “Ever since naman talaga, close kami ni Juday na hindi lang talaga pinapaalam sa tao.

“Kasi, ‘di ba, before, nabibigyan ng angle?

“Pero matagal na talaga naming gustong gumawa ng movie together.

“Kung kailan mangyayari yun, hindi pa kasi yun ang naka-lineup sa akin ngayon.

“But, of course, I’d love to work with her.

“She’s a wonderful person and a friend. I really love her, I really do.”

Ayon kay Claudine, may gagawin siyang pelikula na iku-co-produce daw ng Viva Films at Star Cinema.



CLAUDINE’S PRIORITY. Halos tatlong taon nang hindi napapanood sa anumang proyekto si Claudine.

Ayon sa aktres, bagamat nami-miss niya ang pag-arte ay naging prayoridad muna raw niya ang kanyang mga anak na sina Sabina at Santino.

“Sobra-sobra kong na-miss [ang pag-arte], pero kinailangan muna talaga ako ng mga anak ko.

“They really needed me and ayoko naman na wala silang parent na kasama during the times na may pinagdadaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s very, very important na talagang your children are secured and they know na may parent na nandiyan.

“I wouldn’t have it any other way.

“I wouldn’t even choose my career over my children. It had to take the backseat.

“And I’m blessed because hindi naman ako nawalan ng trabaho, kumbaga, ako yung umayaw.

“Now, everything is parang ready na.

“And I asked my kids, if we’re settled, kung okay lang sa kanila, and okay sa kanila.”

Ipinagmalaki rin ni Claudine ang achievements ng kanyang mga anak sa eskuwelahan.

“They are very good… Santino is second honor sa Ateneo, Sabina is first honor in MNLS.

“They got so much certificates—Sabina, six certificates, and then Santino has four.”

Ilang linggo na lang ang bibilangin at Pasko at Bagong Taon na.

Tinanong ng PEP si Claudine kung bukas ba siyang ipahiram ang kanyang mga anak kay Raymart kung saka-sakaling hiramin sila ng aktor sa espesyal na okasyon na ito.

Tugon niya, “I think it’s all up to the court kasi pagod na ako na ako yung humahabol para lang magkaroon ng relationship yung anak ko sa tatay nila.

“It came to a point na kung ayaw, ayaw, huwag nang pilitin.

“My gosh, ‘di naman akong bibigyan ng credit nitong si Raymart. Ni hindi man lang siya magpapasalamat.

“So, everything I do, whether it’s good or not, it’s always not good for him.

“There’s always something na may masasabi at masasabi sila.

“And most of the time, it’s never good.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN