Claudine Barretto on not attending wake of Raymart Santiago’s mother: "I feel they are not my family anymore."

Claudine Barretto on legal battle with estranged husband Raymart Santiago: "We want to be positive about everything, hindi na namin iniinda lahat ng ginagawa, pati yung mga abuses na ginagawa. Sige, maglaban na lang tayo in court at magkalabasan ng totoo. Bahala kayo! Ang feeling ko, ikaw ang may ginagawang mali… parang ganun. Ako, deadma na lang ako."


Noong September 26 ay sumakabilang-buhay ang ina ng estranged husband ni Claudine Barretto na si Raymart Santiago—si Cielito Legaspi-Santiago.

Marami ang nag-abang kung makikiramay ba si Claudine sa pamilya Santiago, ngunit hindi dumating ang aktres sa burol ng kanyang mother-in-law.

Paliwanag niya sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yung last was yung wake ni Mama Ling, no, hindi ako nagpunta.

“First of all, I feel they are not my family anymore.

“Ako naman, I went out of my way to call Raymart and asked if he wanted me and his children there.

“Sabi niya, ‘Oo sana.’

“Sabi ko, ‘Sunduin mo.’ Pumunta yung mga bata.

“I told Raymart na i-explain mabuti yung death sa mga bata.

“At the same time also, it’s the 80th birthday of my tita in Wack-Wack.

“It was a very, very big event—all the Barrettos were there.

“So, of course, I chose to go sa birthday ng tita ko.”



BARRETTO KIDS. Sa kabila ng away nila ng mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto, madalas sabihin ni Claudine sa interviews na mahal at suportado niya ang kanyang mga pamangkin kay Marjorie, partikular na si Julia Barretto na umuusbong ang career ngayon sa bakuran ng ABS-CBN.

Pero tumangging magsalita si Claudine nang tanungin kung ano ang reaksiyon niya sa inihaing petisyon ni Julia at ng kanyang kapatid na si Claudia na palitan ang kanilang legal name mula Baldivia sa Barretto.

Baldivia ang apelyido ng ama nina Julia na si Dennis Padilla.

Sabi ni Claudine, “I don’t wanna react kasi ano ‘yan, e… hindi kasi ako kagaya ng iba na nakikialam sa pamilya ng iba.

“Kumbaga, pamilya yun ng kapatid ko. Wala akong balak na sabihin anuman ang opinyon ko.

“Kung anuman ang opinyon ko, sa akin na lang yun.

“Of course, whatever happens, Julia will always have more than 100 percent of my support and so does Claudia and so does Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Danni [Daniella] is out of the question,” pagtukoy ni Claudine sa panganay na anak ni Marjorie.

Dagdag ng aktres, “Mahirap sabihin na lumaki nga siya sa akin at pinalaki ko siya.

“Kung ayaw niyang aminin na lumaki siya sa akin, okay, I take it back.

“Ayoko namang pilitin ang sarili ko.”



STILL A FAMILY. Sa isang interview kay Claudine ay nabanggit nitong nami-miss niya ang kapatid na si Marjorie.

Pero kapag naiisip daw niya ang nagawa sa kanya ng mga kapatid ay nawawala ang pagka-miss niya rito.

“Parang last year, there were days, early this year, na parang medyo na-miss ko yung kapatid ko.

“But, then again, naiisip ko yung ginawa at ginagawa pa rin nila.

“I don’t think I’ll ever have a heart to go up against my sister para lang mawala ang mga anak niya sa kanya.

“Kasi naniniwala ako na malaking karma yun from a mother to another mother,” saad niya.

Sa gitna ng hidwaan nilang ito, may posibilidad kayang magkaayos pa sila?

Tugon ni Claudine, “As of now, wala akong masabi. Hindi ko makita, hindi ko maramdaman.

Kumusta naman ang mga magulang niyang sina Manuel at Inday Barretto sa gitna ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ni Claudine at ng estranged husband niyang si Raymart?

Ayon sa 35-year-old actress, “They are very good. My mom and my dad are doing very well.

“We want to be positive about everything, hindi na namin iniinda lahat ng ginagawa, pati yung mga abuses na ginagawa.

“Sige, maglaban na lang tayo in court at magkalabasan ng totoo. Bahala kayo!

“Ang feeling ko, ikaw ang may ginagawang mali… parang ganun.

“Ako, deadma na lang ako.

“Kung anuman ang marinig ko, kung may live-in, kung may anu-ano, kung may ganyan.

“Well, huwag lang silang pahuli, makukulong sila.”

Hindi na nagbigay ng detalye si Claudine sa kanyang naging pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang reaksiyon niya sa balitang nag-uugnay kay Raymart at sa actress-TV host na si Bettina Carlos?

Sabi ni Claudine, “Actually, I don’t really know her. I never met her, I don’t know how she looks.”

Sa magkahiwalay na panayam ay pinabulaanan na nina Raymart at Bettina ang balita tungkol sa kanila.

Sa parte naman ni Claudine, may mga nanliligaw daw sa kanya, pero hindi raw ito ang prayoridad niya ngayon.

“Mayroong mga nanliligaw, pero kasal ka pa… ayokong gawin yung ginagawa niya,” patutsada pa niya sa estranged husband.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN