LJ Reyes mourns death of their family’s longtime nanny

LJ Reyes says Lola Angge had been their nanny for three generations. The Kapuso actress says, "Talagang noon pa, talagang part na siya ng family. Hanggang sa pati kaming magpipinsan, naalagaan niya. Sabi ko nga, three generations, kasi pati kay Aki [LJ’s son], naalagaan din niya."


Nagluluksa ngayon ang Kapuso actress na si LJ Reyes dahil sa pagpanaw ng kanyang “Lola Angge” noong Miyerkules, October 22.

Hindi kadugo ni LJ si Lola Angge—Maria Gurango, 74—ngunit higit pa raw sa tunay na lola ang turing niya rito, pati na ng mga pinsan niya sa mother side.

Nasa pamilya na raw kasi nila si Lola Angge—na mula sa Infanta, Quezon—hindi pa man ipinapanganak ang mommy ni LJ.

Kuwento ng Kapuso actress sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 23, “Nagsimula siya sa family, bata pa ang tita ko.

“Yung tita ko, second sa magkakapatid; at yung mama ko, last na.

“So, alam mo yung talagang noon pa, talagang part na siya ng family.

“Hanggang sa pati kaming magpipinsan, naalagaan niya.

“Sabi ko nga, three generations, kasi pati kay Aki [LJ’s son], naalagaan din niya.

“Hindi ko naman na talagang pinapaalaga sa kanya si Aki, yung tingin-tingin lang."

Noong sumali si LJ sa StarStruck ay ang Lola Angge rin daw niya ang kasa-kasama niya.

Pancreatic cancer ang ikinamatay ni Lola Angge, at labis daw naapektuhan at nalungkot si LJ nang malaman ang kundisyon nito.

“Sobra, sobra akong nalungkot siyempre. Actually, lahat naman kami.

“Minsan inuuwi ko pa rin siya sa bahay.

“Pero mas madalas talaga, sa bahay siya ng pinsan ko, sa Manila, kasi mas malapit din sa hospital niya.”



Noong April 2014 ng taong kasalukuyan na-diagnose na may pancreatic cancer si Lola Angge, at tinaningan daw ng doktor na tatlo hanggang anim na buwan na lang ito mabubuhay.



Noong October 22 ang 74th birthday ni Lola Angge at noong mismong araw na yun, 10:20 P.M., siya binawian ng buhay.

Kuwento ni LJ, “Nagkainan lang kami sa house niya kahapon, ‘tapos, nakapag-blow pa siya ng candle.

“Noong napansin namin na bumababa na ang mga vital signs niya, dinala na namin siya sa hospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bale ngayon [October 23] pa lang dadalhin yung body niya sa Arlington.

“Baka hanggang Sunday or Monday siya dun, then iuuwi rin namin siya sa province niya sa Infanta, Quezon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN