Billy Crawford insists his detention was not a big deal

Inamin ni Billy Crawford na nasaktan siya sa mga panghuhusga sa kanya noon ng ibang tao. Saad niya, “At first kasi, hindi alam ng mga tao kung ano ang nangyari, bigla na lang kung anu-ano ang mga sinasabi. Sino ba naman ang hindi masasaktan? Pero it gives me time to think and actually explain my side.”


Magiging importanteng araw kay Billy Crawford ang November 5, Miyerkules.

Sa araw na iyon magbubukas sa mga sinehan ang kinabibilangan niyang comedy movie, ang Moron 5.2 The Transformation.

At sa araw ring iyon magaganap ang pagdinig para sa reklamong malicious mischief at disobedience to person in authority laban sa kanya.

Ito ay kaugnay ng pagkaka-detain niya sa Taguig Police Headquarters noong Setyembre dahil sa pagwawala niya sa isang presinto.

Ayon kay Billy, wala pa siyang ginagawang preparasyon sa gaganaping pagdinig dahil naninindigan siyang wala siyang ginawang masama.

“Well, wala naman akong nagawang masama, that’s one thing I know.

“And it’s not a big of a deal. Pero pinalaki lang ng media at pinalaki lang mga tao..."

Nang magtinginan at mag-react ang mga press na kaharap ni Billy sa presscon ng Moron 5.2 noong Miyerkules, October 22, napangiti at kumambiyo ang singer/actor/TV host ang binitiwang statement.

Sabi niya, “Kasi hinusgahan agad ako ng mga tao na nanakit ako ng babae, na drug addict ako…

"So, kinaklaro ko lang na that did not happen. You cannot judge the book by its cover.

“Nasa industriya tayo hindi natin maiiwasan.

“So, yung support din naman ng media at ng family ko at sa mga nagmamahal sa akin has been a great help sa akin."

Hindi itinanggi ni Billy na nagtampo siya nang husgahan siya agad ng marami.

“At first, yeah.

“At first kasi, hindi alam ng mga tao kung ano ang nangyari, bigla na lang kung anu-ano ang mga sinasabi.

“Sino ba naman ang hindi masasaktan?

“Pero it gives me time to think and actually explain my side.”

Ayaw tanggapin ni Billy na ang nangyari sa kanya ay consequence ng kanyang naging action.

Giit nito, “I don’t think yung mga consequence sa ginawa ko.

“Hindi ako masamang tao para magkaroon ng…

“Of course, haharapin ko kung anong kailangan kong harapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And ito, this is the part of the whole shebang, I should say.

“This is the part of the consequence nga kung anong nangyari.

“I have to take it day by day. Take things slower and pace myself."

Gaya ng mga naunang pahayag ni Billy, itinuturing daw niyang life-changing ang nangyari iyon sa kanya.

“Its definitely life-changing experience,” sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN