Ritz Azul slightly regrets posing for FHM; wants to work with other TV networks

Ritz Azul on possibility of leaving TV5: “Naku, hindi ko masagot! Pero ngayon, napag-uusapan na namin ng management kung anong plans nila for me. Alam na rin nila na one year na lang ako.”


Aminado si Ritz Azul na medyo pinagsisisihan niya ang pagpu-pose niya para sa FHM noong 2012 dahil hindi na siya maaaring makasali sa Binibining Pilipinas.

Bawal kasi sa naturang pageant ang kandidata na nag-pose na sa isang sexy men’s magazine.

Sabi ni Ritz, “Oo, oo… medyo nagsisi ako dun sa ganung aspect na hindi ako makasali ng Binibini dahil dun sa nag-FHM cover ako.

“Pero maliit na pagsisisi lang naman yun, e.

“Naisip ko naman may Miss World, meron pang ibang masasalihan.”

Bakit hindi siya sumali sa Miss World Philippines ngayong taong ito kung saan nagwagi si Valerie Weigmann?

Paliwanag ni Ritz, “Kasi marami yung plans pa nung network [TV5], e. Nag-uusap pa kami ng management.

“Nasa plan din ng network yun na, one day, siguro daw isasali nila ako.”

So, puwede na siyang sumali sa susunod na taon?

“Hindi ko pa alam, pag-uusapan pa,” sagot ng 20-year-old Kapatid actress.

Gustung-gusto raw talaga ni Ritz na maging isang beauty queen.

Ang mga idolo niyang beauty queen ay sina 1969 Miss Universe Gloria Diaz at Miss World 2013 Megan Young.

Kuwento pa ni Ritz, “Naano nga ako kasi nakasama ko siya [Megan] sa Misibis Bay, nakasama ko din si Valerie sa Kidlat.

“Shucks! ‘Di ba, time ko na rin? Hindi, joke lang!

“Well, pangarap naman yun, nasa bucket list ko din yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz sa TV5 studio, sa Reliance St., Mandaluyong City, kahapon, October 23, para sa presscon ng Wattpad Presents Savage Casanova, kung saan bida sila ni Edward Mendez.



COMPETITION. Ikinagulat naman ni Ritz nang kunin namin ang kanyang reaksiyon na isang taon na palang kasal ang dating Kapatid actress na si Nadine Samonte.

Inamin ni Nadine sa panayam niya sa PEP na ikinasal na sila ng negosyanteng si Richard Chua noong October 30, 2013.

Read: Nadine Samonte has been married to Richard Chua for one year

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon ni Ritz, “Oh, nag-asawa na siya? Wow!”

Sa pag-alis ni Nadine sa TV5, masasabing “lumuwag” na ang kumpetisyon among the female stars sa network. May pagkakataon bang itinuring niyang threat sa kanya si Nadine?

“Hindi, hindi siya… hala, ang yabang ng dating ko!” natawang sabi ni Ritz.

“Pero para sa akin, hindi ako na-threaten kahit kanino man sa network.

“Kasi feeling ko, nasa iisang network kami, ‘kapatid’ nga, e.

“’Tsaka nasa iisang management kami, hindi dapat akong mangamba.

“Kasi may ibang plans din sa akin yung network, na ibang roles din ang ibinibigay sa akin.

“Kaya hindi ako nangangamba.

“Para sa akin, yung kakumpitensiya ko talaga is yung sarili ko.

“Depende na yun sa sarili ko kung aangat ako or hindi.

“Iyon yung nasa isip ko, e.

“Pero siyempre, minsan nangangamba ako na, ‘Uy, mas may project si ganito-ganyan.’

“Naiisip ko yun, e. ‘Sana ako din may ganun. Bakit siya laging binibigyan?’

“Iyon yung nasa isip ko minsan.

“Pero siyempre, nakikita ko din yung ibinibigay sa kanila, ‘A, tama lang naman yung ibinibigay sa kanila!’

“Iyon yung plans ng network sa kanya. Kaya iyon yung naiisip ko.”



INGGIT FACTOR. Inamin naman ni Ritz na naiinggit siya kay Nadine nang matanong kung ano ang naramdaman niya nang umalis ito sa TV5.

Sabi niya, “May inggit factor ako na nagkaroon siya ng kaluwagan sa ano niya… kasi nakakatalon siya ng iba-ibang network.

“Dun ako medyo, ‘Gusto kong ma-try yun!’”

Ibig sabihin ay aalis na siya sa TV5?

“Hindi, gusto ko lang ma-try.”

Isang taon na lang ang kontrata niya sa TV5.

Bakit niya nasabi na gusto niya ring magtrabaho sa ibang TV station?

Paliwanag ni Ritz, “Gusto kong ma-try na makapagtrabaho sa ibang network kasi iba daw yung experience, e.

“Ang daming nagsasabi sa akin na taga-production na, ‘Iba yung experience dun sa ganitong network, ganyan.’ ‘Oh, talaga?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang gusto kong i-try. ‘Tsaka gusto kong makatrabaho yung ibang artists.”

So, may chance na umalis siya sa TV5 kapag natapos na sa isang taon ang kontrata niya?

“Naku, hindi ko masagot!” natawang sabi ni Ritz.

“Pero ngayon, napag-uusapan na namin ng management kung anong plans nila for me.

“Alam na rin nila na one year na lang ako.”



FUTURE PLANS. Ano ang plano ng TV5 para sa kanya? Isang taon na lang ba siya sa TV5?

“A, hindi naman!” bulalas niya.

“Parang medyo nao-open up na, nasasabi na nila yung kontrata, pero siyempre depende pa rin sa desisyon.”

Base sa sinabi ng management sa kanya, ano nga ang maaaring mangyari?

“Wala pa naman yung pinaka-contract. Gusto ko munang makita yun.”

Pero base sa naging usapan nila, may chance bang lumipat siya o mananatili siya sa TV5?

“Hindi ko pa masabi!” muling natawang sagot ni Ritz.

“May one year pa ako, dun na lang tayo sa ‘pag two months na lang.

“Nandito pa ako sa network ‘tsaka I love TV5!

“Dito ako nag-start, dito medyo nakilala.

"Medyo nakilala si Ritz Azul kaya hindi ko siya basta…”

May option naman daw siyang gumawa ng project sa ibang network.

“Actually meron akong dapat na gagawin sa kabilang network… pero hindi siya natuloy.”

Sa ABS-CBN daw siya dapat gagawa ng proyekto.

Hindi raw alam ni Ritz kung bakit hindi iyon natuloy.

Saad pa niya, “Open naman ang network ng TV5, mabait ang TV5.

“Sobrang satisfied ako and nagpapasalamat ako sa opportunities na ibinibigay ng network sa akin.

“Ang laki ng tiwala nila sa akin.”

Nilinaw ni Ritz na ang experience lang na makapagtrabaho sa ibang istasyon ang gusto niya.

“Parang nalulungkot ako sa network wars, e.

“Gusto ko kasing makatrabaho din yung ibang artista, yung mga veterans, ganun.

“Hindi naman sa gusto kong lumipat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Exclusive ako sa TV5, may one year pa ako, ‘tapos nga napag-uusapan na nga yung renewal. May option.”

Sa primetime miniseries na Savage Casanova, na mapapanood na simula sa October 27, gaganap si Ritz bilang si Moira at si Edward Mendez naman ay si Ivo.

Nasa cast din sina Victor Basa, Luke Jickain, Maricel Morales, Tuesday Vargas, Lorenzo Mara at Carmen Soriano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN