Alonzo Muhlach seen as the next child wonder after his dad Niño

Five-year-old Alonzo Muhlach is a busy child actor who likes reading and going to school, “My teacher always gives me a star. Hindi pa ako nabibigyan ng sad face.” His best friend, he says, is Ryzza Mae Dizon.


Hindi nakapagtataka kung tawaging "next child wonder" ang anak ni Niño Muhlach na si Alonzo Muhlach dahil sa magkakasunod na mga pelikulang ginagawa nito.

Turning five years old pa lang si Alonzo next year, pero tatlong pelikula na ang nagawa niya.

Una siyang napanood sa Star Cinema drama na The Trial bilang anak sa labas ni Richard Gomez.

Mapapanood din si Alonzo sa dalawang official entries ng 2014 Metro Manila Film Festival—ang Kubot: The Aswang Chronicles with Dingdong Dantes at sa comic trilogy na My Big Bossing with Vic Sotto, Marian Rivera, and Ryzza Mae Dizon.

Carbon copy nga si Alonzo ang kanyang amang si Niño pati na ang pagiging bibo nito.

Katulad nga ng kanyang ama, hindi raw nahihiya si Alonzo kahit na maraming tao.

Sasayaw raw ito at kakanta kapag nagustuhan nito na ikinatutuwa ng maraming mga taong nakakapanood sa kanya.

Four years old din si Niño noong magsimula ito sa showbiz at nakilalang child wonder of Philippine cinema noong ‘70s dahil sa mga pelikulang ginawa nito with Fernando Poe Jr. (Ang Leon at Kuting), Dolphy (Ang Tatay Kong Nanay), at Vilma Santos (Darna at Ding).

Hindi raw inakala ni Niño na magkakaroon siya ng anak na susunod sa kanyang yapak.

At ’tulad ng ginawa ng kanyang amang si Alex Muhlach noong child star pa siya, iingatan din daw niya ang mga kinikita ni Alonzo para sa magandang kinabukasan nito.

Pagbubuksan daw ng trust fund ni Niño si Alonzo na makukuha lang nito kapag nakatapos na ito ng college o kapag umabot na ito sa edad na 21.

Nang makakuwentuhan namin si Alonzo sa shooting ng My Big Bossing sa Camelot Hotel in Quezon City, sinabi nitong enjoy siyang gawin ang pelikula dahil best friend na niya si Ryzza.

“Mabait po siya. Lagi kaming naglalaro. At lagi ko po siyang kasama sa shooting,” sabi ni Alonzo, na gumaganap bilang si Prinsipe Vladimir sa episode na “Prinsesa” ng trilogy na My Big Bossing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang ama namang si Niño ang siyang acting coach niya.

“Tinuturuan po ako ni Papa. I want to be an actor like him.

“I always listen to what he says because I want to be a good actor.”

Kahit naging busy na si Alonzo sa kanyang showbiz career, hindi naman daw ito nakakalimot sa kanyang pagpasok sa pre-school.

Ayaw raw nitong mag-absent dahil favorite daw niya ang reading.

“I like reading. I always listen to my teacher. Behave po ako sa school.

"They teach me how to read. And my teacher says I am very good.

“My teacher always gives me a star.

"Hindi pa ako nabibigyan ng sad face,” sabi pa ni Alonzo.

Kahit na nasa showbiz na si Alonzo, hindi raw nawawala ang hilig nitong makipaglaro sa kanyang classmates.

“I like playing with my classmates. When I am in school, I like to read and play with my classmates.”

Kumakain ng gulay at umiinom ng gatas si Alonzo para mabilis ang paglaki niya.

Ipinanganak si Alonzo noong February 19, 2010.

Anak siya ni Niño sa kanyang second wife na si Diane Tupaz.

Hiwalay si Niño sa unang wife nito na si Edith Millare kung saan mayroon din siyang isang anak na lalaki, si Alessandro, 11.

Ang unang TV exposure ni Alonzo ay sa TV show na Bet On Your Baby, kunsaan host si Judy Ann Santos, noong 2013.

Napanood din si Alonzo bilang guest sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother: All-In.

Ang kanyang ama namang si Niño ay three-time best child actor awardee ng FAMAS para sa mga pelikulang Ang Tatay Kong Nanay, Kutong Lupa, at Tahan Na Empoy, Tahan.

Nakabuo rito ng film company, ang D’Wonder Films na nag-produce ng mga pelikula ni Niño na pumatok sa box-office tulad ng Peter Pandesal, Kuwatog, Bokyo, Bruce Liit, Butsoy, Hepe, Juan Tamad, Jr., Nognog, Tembong, at Harabas Con Bulilit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN