Ynna Asistio not ruling out reconciliation with Mark Herras: “I think sa tamang time.”

Ynna Asistio on what she would do if Mark Herras courted her again: “I don’t think tama pa, e. I mean napatawad na namin siya and all pero alam niyang medyo mahirap pa ring tanggapin yun. So wala po, parang kinalimutan na rin po talaga namin pero mahirap pa ring tanggapin.”


Magaan na magaan na sa loob ni Ynna Asistio kapag napag-uusapan ang dati niyang manager na si Annabelle Rama.

Bati na nga kasi sila.

Pag-amin niya, “Opo matagal na!

“Lagi po kaming nagkikita ni Tita Annabelle.

“Nung birthday ni Sarah pati nung birthday ni Zion [na anak nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez] nung April, yung totoong birthday ni Zion, magkasama kami ni Tita Annabelle.”

MUTUAL FORGIVENESS. Naging mabilis para kay Ynna na maka-move on at kalimutan ang hindi kagandahang nangyari sa kanila ng dati niyang manager.

“I think ano po, masyado po akong binigyan ni Lord ng forgiving heart,” at natawa si Ynna.

“Kasi nung nag-sorry si Tita Annabelle, nag-sorry kami sa isa’t isa, parang nawala na agad lahat.”

Sino ba ang unang nag-sorry?

Kuwento niya, “Actually mutual po, e. Yung parang, ‘Hi Tita!’

“Tapos parang, ‘Hi, Ynna!’

“Parang ganun.”

Nangyari ito noong naayos na ang kaso nilang dalawa noong isang taon.

“Dun pa lang okay na po.

“So ’yon. Wala, as in sobrang wala na, wala na po.

“Tapos hindi na kami nagkaka-ilangan, pumupunta ako sa bahay nila.

“So masasabi ko pong wala na.

“Kumbaga napatawad na namin ang isa’t isa,” masaya niyang pahayag.

ATM ISSUE. Naungkat naman ang tungkol sa nawala niyang pera sa kanyang ATM card sa isang bangko.

Naisoli naman daw sa kanya ng mismong bangko ang pera niyang nagkakahalaga ng three hundred eighty thousand pesos. May hindi kilalang mga salarin na nag-withdraw ng pera ni Ynna mula sa kanyang ATM card.

Dalawang taon na ang nakalilipas mula noong nangyari ito.

“Nasauli po nila mga one month after. Mabilis po, kasi nagpa-media ako,” at natawa si Ynna.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynna sa presscon ng Dilim noong Biyernes, October 17, sa Imperial Palace Suites sa Timog Rotonda, Quezon City.

DILIM. Sa Dilim ng Regal Entertainment, Inc. ay mga bida sina Kylie Padilla at Rayver Cruz at nasa pelikula rin sina Rafael Rosell, Joros Gamboa, Ella Cruz at Nathalie Hart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

Kasalukuyan itong palabas sa mga sinehan at gumaganap si Ynna sa pelikula bilang si Trina.

“Ako yung kaibigan ni Mia [Nathalie Hart] at saka ni Aya played by Ella Cruz.

“Mabait po ako dito,” kuwento ni Ynna.

TAKING THINGS SLOW WITH LOVE. Bakit tila matapos ang relasyon nila ni Mark Herras ay ayaw na niyang makipagrelasyon?

Paglinaw niya, “Hindi po sa ayaw.

“Nag-date po ako after Mark.

“Hindi po artista, ayoko na po ng artista.”

Hindi raw nag-prosper ang date na iyon.

Patuloy pa niya, “Na-hurt lang po ako. Naks!

“Kasi feeling ko mali rin po ako, masyado kong minamadali sarili ko.

“Kumbaga five years yung pinagsamahan namin ni Mark, hindi naman ibig sabihin nun madaling makalimutan yun and all.

“So ngayon, parang inaano ko lang na siguro mas maganda take things slow na lang and ano... parang mali yung ginagawa ko na nagmamadali ako.

“Na alam ko naman sa sarili ko at nagsisinungaling ako sa sarili ko na kaya ko na or ganun.”

TRAUMATIZED? Sa tanong kay Ynna kung na-trauma ba siya sa huli niyang pakikipagrelasyon…

“Hindi ko po masasabing na-trauma. Marami po akong natutunan, e.

“Pero ang akin kasi, yun nga, bakit ko mamadaliin yung sarili ko kung hindi pa naman talaga...

“Kumbaga kung si Mark pa rin yung iniisip ko and all, so huwag na lang,” at natawa si Ynna.

Hindi ba tapos na kabanata ang nangyari sa kanila ni Mark?

Aniya, “Well, closed na siya pero kahit man naka-move on and all…”

Kung manligaw muli si Mark?

“Sa ngayon? Hindi talaga, e. Ayoko,” at natawa si Ynna.

“Ayoko po muna. Hindi ko naman sinasara pa yung sarili ko pero kung sa ngayon, hindi po talaga.

“Ayoko.”

RECONCILIATION WITH MARK? Kung next year ay manligaw muli si Mark?

“I think sa tamang time. I don’t think tama pa, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean napatawad na namin siya and all, pero alam niyang medyo mahirap pa ring tanggapin yun and... pero okay kami, okay talaga kami ngayon.

“So wala po, parang kinalimutan na rin po talaga namin pero mahirap pa ring tanggapin,” sabi pa niya.

Tanggap ba ni Ynna kung sakaling ang makakarelasyon niya ay may anak na?

“Hmmm... depende po,” at natawa si Ynna.

“I think oo naman, wala namang kaso sa akin yung may anak, e.

“Pero mahirap lang talaga yung nangyari sa amin ni Mark,” at muling tumawa si Ynna.

“So sana intindihan ng tao yun, na hindi madali para sa akin yun.”

GRUDGE. Galit ba si Ynna sa babaeng naanakan ni Mark?

“Kung galit sa girl, hindi po ako magsisinungaling, oo naman!” mabilis niyang pag-amin.

Hanggang ngayon?

Pagklaro niya, “Well, nasabi ko nang napatawad ko na pero nung nakita ko siya [sa wake ng ama ni Mark], parang sabi ko na lang, ‘Lord, ano na lang, ayoko, ayokong pansinin.’

“Pero siyempre nung nakita ko siya, parang, yung puso ko parang kumabog.”

Hindi na lang raw niya pinansin ang naturang babae.

Pero wala raw siyang anumang galit sa anak ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN