Angelica Panganiban remains undaunted by intrigues; excited to spend month-long U.S. vacation with John Lloyd Cruz

"Yung mga taong importante sa ’yo at nakakaintindi sa ’yo, siyempre kayo-kayo ang magha-handle nun, kung papaano niyo lalampasan yung mga pinagdadaanan niyo," says Angelica Panganiban when asked how she overcomes challenges in her life.


Ibinahagi ni Angelica Panganiban na malaking bagay sa kanya ang suporta ng mga mahal niya sa buhay sa tuwing may pinagdadaanan siyang pagsubok.

“Yung mga taong importante sa ’yo at nakakaintindi sa ’yo, siyempre kayo-kayo ang magha-handle nun, kung papaano niyo lalampasan yung mga pinagdadaanan niyo,” saad niya.

Kamakailan lang ay nadawit si Angelica sa legal issues ng ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay.

Sa kabila nito ay nanatiling tikom ang bibig ng Kapamilya actress at mas piniling pagtuunan ng pansin ang masayang relasyon nila ni John Lloyd Cruz.

Read: Angelica Cruz, John Lloyd Cruz stay happy amid new controversy

Sa katunayan, nakatakdang magbakasyon sina Angelica at John Lloyd sa U.S. sa darating na Nobyembre.

Isang buwang mamamalagi roon ang magkasintahan kasama ang kani-kanilang kamag-anak.

Ayon kay Angelica, “Oo [first time naming magpunta sa U.S. kasama ng relatives namin], pero na-meet na niya yung family ko na yun.

“Well, siyempre ibang trip siya dahil kasama ko si Lloydie, yung cousins niya...

“So, exciting siguro na nasa isang bahay lang kami kasama ng family ko.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelica sa conference room ng Star Cinema office ngayong araw, October 27.

Two years in the making daw ang paghingi nila ng mahabang bakasyon ni John Lloyd mula sa ABS-CBN management.

Tiyempong katatapos ni Angelica na gawin ang Star Cinema film na Beauty In A Bottle at Cinema One Originals 2014 entry na That Thing Called Tadhana.

Si John Lloyd naman ay huling napanood sa pelikulang The Trial.

Kuwento pa ni Angelica, kasama sa plano niya ang pagbisita sa kanyang American father na si Mark Charlston at pati na rin pamamasyal sa iba’t ibang lugar sa U.S.

Saad ng aktres, “Excited ako mag-ikot-ikot. Magpupunta rin kami ng [Las] Vegas at New York.

“Ang tagal na rin kasi namin hiningi ang vacation na yun. Ginagawa pa lang namin yung Apoy Sa Dagat [2013] and One More Try [2012].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang nakaplano na talaga ako two years ago pa na, kumbaga, may isang one-month vacation na bibisitahin namin yung family ko sa States.

“Kikitain ko yung daddy ko, ganyan…

“Nagkataon lang din na naging kami [ni John Lloyd] ’tapos kaya naman niya sakyan yung trip ko ,‘di ba?

"Sama rin siya!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN