Liza Soberano vocal about feelings for Enrique Gil

She’s happy the way things are going with her showbiz career, but Liza Soberano is not letting go of her dream: "For the longest time I really wanted to be a lawyer talaga. Kasi ako yung tipo ng tao na gustong tumulong sa mga taong ’di kaya."


Hindi naman daw naiilang si Liza Soberano sa pagiging open ng ka-loveteam niyang si Enrique Gil tungkol sa espesyal na nararamdaman nito sa kanya.

Matagal na raw crush ng Kapamilya young actor si Liza.

Sabi naman ng young actress, “Dati naiilang ako sa kanya, hindi dahil feeling ko crush niya ako or anything.

"Ewan ko, hindi ko lang talaga siya kayang titigan, nahihiya ako.

"Ngayon, hindi na ako masyadong nahihiya sa kanya kasi sa sobrang tagal na naming magkasama sa Baguio, medyo nasanay na akong kasama siya."

Sa pocket presscon ng Forevermore noong Biyernes, October 24, sa Star Records office sa ABS-CBN, sinabi ni Liza na marami siyang magagandang bagay na nadisukbre sa kapareha.

Saad niya, “Mas naging close siguro kasi ’pag tengga kami, nakakapag-usap kami.

"Nakukuwento niya yung mga pinagdaanan niya sa buhay.

"Yung mga gusto niyang mangyari sa buhay niya, mga ganun.

“Tungkol sa family niya, marami akong nalaman.

"Kasi si Enrique, ginagawa niya lahat para sa family niya pala.

"Sa TV kasi, ang pinapalabas niya, puro siya pa-cute, pero hindi, may lalim din pala siya."

MUTUAL CRUSH. Nasabi rin ni Enrique na bukod sa malaking pagkakahawig nila ni Liza ay marami silang bagay na halos magkapareho.

Sa parte ni Liza, hindi naman niya itinago na may crush din siya sa ka-loveteam.

Kung nung dati raw ay kilala lang niya ang aktor na magaling sumayaw at guwapo, ngayon daw ay mas nakilala niya ito.

Mabait daw talaga ito sa lahat ng tao.

"Pantay-pantay ang tingin niya, walang maliit at malaking tao."

Kaso, hindi pa raw siya handang makipagrelasyon sa kahit na sinumang manligaw sa kanya.

“Ngayon kasi, alam niya, at ako din, hindi na muna puwede at hindi yun ang focus ko ngayon.

"In the future siguro, when I’m older and ready.

“Yung daddy ko, nag-usap kami, sabi niya 25 [years old].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tumawad ako ng three years, sabi ko 22.

"Sabi niya, ’Sige, puwede kang tumanggap ng manliligaw ’pag 22 ka na.’

"’Tapos puwede kong sagutin ’pag 24 or 25 na ako.

“Saka sabi ni Tito Ogie [Diaz, Liza’s manager], gusto niya akong magkaroon ng dalawang bahay, isang condo, at saka dalawang sasakyan.”

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Liza sa kuwento naman ni Enrique na siya mismo ang nag-suggest kay Ms. Malou Santos, head ng Star Creatives at managing director ng Star Cinema, na sila ang ipareha sa Forevermore.

Sabi ni Liza, “Yun ang sinasabi niya, hindi ko alam kung totoo.

"Nakaka-touch, na-surprise ako kasi nung She’s The One [2013] daw yun.

"Hindi ko ini-expect na gusto niya pala akong katrabaho uli kasi ’di naman kami masyadong nakapag-usap.

"Akala ko nabu-bore siya sa akin.”

THANKFUL. Bilang isa sa mga kabataang aktres na pinu-push ngayon ng ABS-CBN, labis namang ipinagpapasalamat ni Liza ang oportunidad na ibinigay sa kanya ng mother studio.

“Overwheming saka very happy kasi ’di naman lahat nabibigyan ng ganung opportunity.

"Saka feeling ko, medyo mabilis, kasi dalawang teleserye pa lang ang nagagawa ko.

"So, yun, I’m very happy and thankful na nakita nila ang potential sa akin."

Ayon kay Liza, malayung-malayo ang teleserye nila ni Enrique sa pelikulang Forevermore na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa noong 2002.

“Hindi ako masyadong kinakabahan, title lang naman ang parehas.

"Hindi ko nakikita as a competition, I just wanna do better than my last.

"It’s always a competition between myself and not against others.”

Sa kabila ng kinakikitaan ng potensyal na magiging isa sa mahusay na aktres sa kanyang henerasyon, ang maging abugado pala ang isa sa pangarap talaga ni Liza.

“For the longest time, I really wanted to be a lawyer talaga.

"Kasi ako yung tipo ng tao na gustong tumulong sa mga taong ’di kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mayroon akong tita na lawyer, parang na-inspire ako dahil sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN