Yeng Constantino more than ready for her wedding next year: “Para akong langgam, maaga po akong nag-prepare.”

Bride-to-be Yeng Constantino has no second thoughts about having a baby, “Gusto ko na rin naman po... pero kailangan lang talaga na hindi pabasta-basta kasi tao po ’yan, e.” And so she will wait until her 10th anniversary in showbiz before planning parenthood.


“Sobrang relax ako na bride.”

Ganito inilarawan ni Yeng Constantino ang kanyang paghahanda para sa nalalapit nilang pagpapakasal ng fiancé niyang si Victor "Yan" Asuncion.

Dahil halos maayos na ang lahat para sa kanyang kasal sa susunod na taon, nagagawa pa rin ni Yeng ang regular show niya sa ASAP at sa iba’t ibang lugar.

Dagdag pa rito ang paghahanda para sa concert niya kasama sina Rico Blanco at Gloc-9, ang ICON: The Concert, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa November 21.

“Para akong langgam, maaga po akong nag-prepare,” sabi ng 25-year-old singer-songwriter nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng ICON: The Concert kaninang hapon, October 27.

Kuwento pa niya, “Noong nag-propose po si Yan, naghanap na po ako ng pegs na gusto ko, kung ano ang gusto ko na wedding,

“Wala po akong stress na katulad ng sinasabi ng iba.

“Hindi po ako talaga mahilig sa details, pero nae-enjoy ko po talaga ang pagbubutinting at pagtingin-tingin ng mga kutingting para sa wedding.”

Nakaplano na rin daw pati ang mga iimbitahan nila sa kanilang kasal na karamihan ay mga malalapit nilang kaibigan sa labas ng industriya.

Ayon kay Yeng, “Ang circle ko po kasi talaga ay mga non-showbiz, mga friends ko before [showbiz] noong high school ako, ang mga friend ko po ay mga non-showbiz.

“Definitely po, invited po ang mga Kapamilya natin—mga kapatid ko po sa ASAP and sa Star Magic.

“Sa entourage ko po, kasama ko po yung mga best friend ko, mga kabanda ko po dati, at mga kaibigan ko from church.”

Hiniling daw ni Yeng na i-block off ang February 2015 para sa isa sa mga pinakamahalagang araw sa buhay niya.

Pagkatapos ng kasal, agad daw magtutungo sina Yeng at Yan sa Maldives para sa kanilang honeymoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang saya nga kasi talagang pangarap ko ’yon, one week lang,” excited na pagbabahagi ni Yeng.

“Didiretso kami sa States kasi may gusto kaming course, na one week lang. May gagawin lang kaming studies, one week lang.”

Bukod sa mga ito, sabi ni Yeng, “Excited na rin po ako tumira sa bahay namin. Alam mo ’yon, yung couple na kayo, nasa isang bahay na lang kayo.”

DELAYING BABY PLANS. Bagamat nasa plano na rin nila ang bumuo ng sariling pamilya, balak munang ipagpaliban nina Yeng at Yan ang pagkakaroon ng anak.

Ito ay para hintayin ang ika-10 annibersaryo ni Yeng sa showbiz at bilang respeto na rin daw sa kanyang manager na si Erik Raymundo ng Cornerstone.

“Ready na ako [magka-baby]. Gusto ko na rin naman po.

“Puwede naman na po, pero kailangan lang talaga na hindi pabasta-basta, kasi tao po ’yan, e.

“Kapag inilabas mo na sa mundo, responsibilidad mo na ’yan.

“Yung two years po namin, bukod sa pagpapalalim ng aming relationship at pag-honor sa aking management, preparation na rin po ’yon ng magiging buhay ng anak namin,” sabi ni Yeng, na nagdiriwang ng kanyang ika-walong anibersaryo sa showbiz ngayong taon.

Payag daw ang magiging asawa niya sa planong niyang ito, lalo pa’t mas nakikilala raw nila ang isa’t isa ngayon.

Sabi ng Kapamilya singer, “Okay po si Yan sa ganun dahil hindi naman po kasi kami yung ideal couple na friends muna at saka naging mag-boyfriend po.

“Ginulat po ako ni Yan, e.

"Crush ko po siya, ’tapos bigla na lang niya akong niligawan. Hindi na kami naging friends.

“Ngayon po kami nagiging magkaibigan dahil ako po ay in love na in love.

“Masaya naman po ako na nagiging super close kaming dalawa ngayon.”

Kung sakali, gusto raw nina Yeng at Yan na babae ang una nilang maging anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana po girl dahil yung fiancé ko po, puro lalaki silang lahat.

“Hindi niya naranasan talaga na mayroon silang little princess sa bahay. Girl ang gusto niya talaga.”

Napag-usapan na rin daw nila na, kung ibibigay, tatlo ang gusto nilang maging anak.

“Lahat po ’yan napag-uusapan. Everything pinag-uusapan namin.

"Ganun talaga kami kapag magkasama kami, pinag-uusapan talaga namin,” nakangiting sabi ni Yeng.

Paano kung dumating ang baby na kanilang hinihiling bago ang kanyang 10th anniversary sa showbiz?

Sagot ni Yeng, “Sabi nga sa Bible... biglang naging preachy ’no, every kid or every child is a blessing.

“Pero mag-iingat po talaga kami para sa aming mga plano sa buhay.”

SHOWBIZ CAREER WILL CONTINUE. Kahit ikinasal at may pamilya na, tinitiyak ni Yeng sa kanyang fans—na kilala sa bansag na Yengsters—na tuluy-tuloy pa rin ang pagkanta at pagsusulat niya ng kanta.

“Ang gusto kong i-assure sa kanila is talagang mahal na mahal ko sila.

“When I’m doing something, when I’m doing music, I’m not just thinking about whatever, big part sila ng ginagawa ko.

“I won’t stop making music.

“Hangga’t mahal niyo po ako, I will still be here writing songs and singing songs,” sabi ni Yeng.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN