Deniece Cornejo laments rejection from women’s support groups

Despite her legal entanglements, Deniece Cornejo has not lost the enterprising spirit that has kept her afloat during the worst moments of her life.


Ikinabahala raw ni Deniece Cornejo ang pagkaka-dismiss ng Quezon Ciy Prosecutor’s Office sa reklamong rape na inihain ng stuntwoman na si Margarita Fajardo laban kay Vhong Navarro.

Ayon kay Assistant City Prosecutor Nida Ordoño, “lack of probable cause” ang dahilan kaya ibinasura ang reklamo ni Margarita noong October 15.

Read: Margarita Fajardo rape complaint vs. Vhong Navarro junked

Gaya ni Margarita ay ibinasura rin ang reklamong rape na inihain ni Deniece laban kay Vhong.

Read: Deniece Cornejo’s second rape complaint against Vhong Navarro junked

Ganito rin ang nangyari sa reklamong panggagahasa na inihain ng beauty-queen aspirant na si Roxanne Cabañero.

Read: Roxanne Cabañero rape complaint against Vhong Navarro junked

Sabi ni Deniece tungkol sa pagkaka-dismiss ng reklamo ni Margarita, “I feel really upset, nalulungkot ako para sa kanya.

"Pero lalo akong nagiging malakas ang loob para ipaglaban ang mga ibang kababaihan.

"It’s not just about rape, it’s about teaching them what is rape culture.

"Yes, she’s a stuntwoman, pero ’di niya deserve yun.

"Anuman ang mangyari sa kanya… wala namang pinipili ‘yan, e, lahat pantay-pantay.

“Hindi ko pa siya nami-meet, pero dahil narinig ko nga yun, lalong lalakas ang loob ko para ipaglaban ang advocacy kong ito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Deniece sa pocket presscon niya noong Huwebes, October 23, sa opisina ni Atty. Ferdinand Topacio sa Pasig City.

Si Deniece ay pansamantalang nakalaya mula sa kasong serious illegal detention case na isinampa laban sa kanya ni Vhong pagkatapos niyang makapagbayad ng piyansa.

POSITIVE AURA. Sa pagharap na ito ni Deniece sa media ay marami ang nakapansin sa positibong aura nito, kumpara noong kasagsagan ng kaso niya.

Ipinaliwanag naman ng dalaga na ngayon ay nakapag-adjust na siya sa kinasusuungang sitwasyon.

“Kasi iba talaga. I’m not a showbiz person, iba ang crowd ko. I’m a very private person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, na-shock ako na ganito pala ang mundo, hindi siya naging normal para sa akin.

"Medyo hindi ako na-guide sa ganun... I care for my family.

"This time, nagiging okay na ako, nakaka-adapt na ako sa ganitong pangyayari."

NON-SUPPORT. Sa mga pagkakataong naaagrabyado ang kakabaihan, may women’s groups na tumutulong at nagbibigay ng suporta sa mga biktima.

Pero hindi raw ito naranasan ni Deniece.

Hindi raw siya nakakuha ng simpatiya mula sa mga grupo ng mga kababaihan nang lumapit siya sa mga ito.

Saad niya, “Kasi ’pag sinabi mong advocacy or may advocate ka, kailangang matapang ka, e.

"Hindi puwedeng kakampihan mo dahil baka nagsabi siya ng totoo o hindi.

"Kailangan yung support, yung sympathy, nandun, whether you don’t believe or you believe.

"Kailangan nandun yung konek ng kababaihan.

"Kung hindi ka naniniwala, kilalanin mo yung tao.

"Actually, I called them [the women’s groups], sabi ko, ’Ayokong susuportahan ako because of this case. Gusto ko makilala ninyo muna ako.’

"But after that call, parang sinabi na, huwag na, wala namang maniniwala sa akin.

"I received text messages, that was before.

"Gusto ko sanang pumunta dun, gusto kong magpakilala at magtanong, ’Ano ba ang puwede nating gawin? Ano ang puwedeng maitulong sa mga babae?’

"Para matulungan ako sa ganitong nangyayari sa akin.

“Hindi ko sila sinisiraan, sinasabi ko lang kung ano ang naging experience ko sa kanila."

Noong naka-detain daw si Deniece ay ipinagdasal niyang linawin kung may layunin ang mga pangyayaring dumating sa buhay niya.

Sabi niya, "I asked God, ’Bigyan po Ninyo ako ng mission.’

"Gusto kong magsalita sa harap ng maraming tao, gusto kong tumulong.

"Gusto kong may magandang mangyari sa buhay ko.

"Nung nangyari ito, dun ako kumukuha ng lakas to be positive.

"Baka mayroon akong mission, mayroong purpose, lahat naman may purpose.

"Binibigyan ako ng strength ni God kaya lumalakas ang loob ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



STILL FRIENDS. Nauna nang pinabulaanan ng kampo nina Deniece at Cedric Lee ang usap-usapang galing kay Cedric ang kalahating milyong piso na ipinambayad ni Deniece para sa kanyang piyansa.

Pinabulaanan din ni Deniece na mayroon silang alitan ngayon ni Cedric.

Sabi niya, "Hindi naman, we’re friends naman. They are Christians, actually.

“Hindi pa kami nagkikita, he’s busy with his business, ang dami din niyang pinagdaanan.

"Text? Not that much, we’re busy, kahit sila ang dami nilang ginagawa."

Dagdag pa niy Deniece "Even though I’m young, I just turned 23, yung principles ko in life, hindi mo puwedeng husgahan ang isang tao dahil sa isang pagsubok lamang.

"I respect them. If you respect me, I respect you, that’s it.

"Kung saan ka man galing, what you’re doing, as long as you know your limitations, you can be friends with them.

"Sa nangyari, ang daming natutuhan, ang daming nadapa.

"Ang importante, you are moving forward.

"I’m still friends with them."

STD-FREE. Pinabulaanan din ni Deniece ang kumalat na balita tungkol sa pagkakaroon niya raw ng sexually transmitted disease.

Na-leak daw ang medical report niya na nagsasabing may bacterial vaginosis siya matapos nitong kumonsulta sa kanyang OB-Gyne.

Sinabi ni Deniece na may kinonsulta na siyang abugado tungkol sa hakbang na gagawin laban sa health insurance company na pinag-umpisahan daw ng leak.

“I’ve assigned a lawyer for that, maglalabas kami ng statement regarding that.

"I don’t have STD, I just wanna clear that.

"I don’t have bacterial vaginosis.

"I don’t know, siguro they want to paint a bad reputation about me.

"Pero ’pag kilala mo naman ang sarili mo, hindi mo kailangang matakot.

"It’s a perfect time lang to clear things, we provided evidence in the paper, yun lang for now.

“I don’t have any idea, that’s why I was so shocked why it happened and what’s the purpose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, kung anuman ang purpose nun, I will leave it to God.

"I think this is the right time to clear this.

"Siguro let’s talk about rape culture," na ang tininutukoy ay ang paninira sa kanya na itinuturing niyang isa ring form ng rape.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN