Rocco Nacino needs to save first before settling down

Rocco Nacino on girlfriend Lovi Poe’s decision to invest her money: "I’m happy that she’s staring to buy properties for herself. For her future. Lahat kami, pursigidong magtrabaho."


Kahit nasasabik sa muli nilang bakasyon abroad, partikular na sa Europe, pansamantala munang isinasantabi ng magkasintahang Rocco Nacino at Lovi Poe ang inaasam na pagliliwaliw.

Marami pa raw kasing ibang priorities ang dalawa, gaya ni Lovi na nagsisimula nang mag-invest sa real estate properties.

Ito ang pinakabagong balitang ibinahagi ni Rocco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at TV media na nag-interview sa kanya matapos ang pinagsanib na fashion show ng Kashieca at Human, noong Linggo, October 26, sa SMX Convention Center para sa Philippine Fashion Week.

Kabilang si Rocco sa sumuporta sa event na ito, kung saan ang may-ari at presidente ng Human at Kaschieca ay si Ben Chan, na chairman din ng Bench.

Ayon kay Rocco, nami-miss na nila ni Lovi ang Europe tour nila kung saan officially naging magkarelasyon sila noong April 2014.

Pero dahil may mga iba silang gustong ma-achieve, mas gusto nilang gumastos para sa mas kapaki-pakinabang na bagay.

Saad pa ni Rocco tungkol sa nasimulang pag-i-invest ni Lovi, “I’m happy that she’s staring to buy properties for herself. For her future.

“Lahat kami, pursigidong magtrabaho.

“And then, aside from working really hard, we’re saving for our next trip na rin.”

Kung mayroon na silang kani-kanilang investments, mayroon na rin ba silang joint investments?

Ayon kay Rocco, “It’s too early to parang joint na, e.

“Siyempre yun na lang muna sa amin-amin na lang din, para sa future and family na rin.”



SHOWBIZ ENGAGEMENTS. Hindi ba sila naiinggit dahil sunud-sunod ang engagements at proposals ng ilang showbiz couples?

Sagot ni Rocco, “Kaya nga, e, parang bilang may mga proposals na nangyayari, e…

“But then, ano, siguro kasing age namin yung mga couples na they’re getting hitched.

“So, wala. Hindi naman kami nagmamadali.

“Bago pa lang naman kami.”

Ideally, anong edad ba gusto niyang magpakasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng 27-year-old Kapuso actor, “Yung age ko ngayon, marrying age na talaga.

“Pero kailangan ko pang mag-ipon e.

“Marami pa akong gustong gawin bago ako mag-jump sa ganyang chapter of my life. Mag-iipon muna.”

Kung sinasabi niyang marrying age na ang kanyang edad ngayon, gusto niya bang si Lovi na ang kanyang mapangasawa?

Tugon ng StarStruck alumnus, “Ayokong pangunahan.

“Of course, if it goes there, why not? I’m praying for that.

“Pero it’s too early pa, e. Ini-enjoy pa namin.”



HALF-SISTERS. Samantala, nagpahayag ng kanyang kasiyahan si Rocco sa unang pagkakataong magsasama sa telebisyon si Lovi at ang half-sister nitong si Senator Grace Poe.

Parehong anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. sina Lovi at Senator Grace.

Sabi ni Rocco, kung magagawa niyang samahan ang kasintahan sa mismong araw ng pagsasama ng dalawa sa Startalk anniversary celebration ay gagawin niya.

“She’s excited to be with Senator Grace,” sambit pa ng aktor.

Nong nakaraang Sabado, October 25, ay nasa Startalk daw si Rocco. Pero paglilinaw niya, dumaan lang siya doon para humingi ng fashion advice sa kasintahan, kung ano ang isusuot niya sa sariling event noong araw ring iyon.

Guest co-host kasi noon si Lovi na humalili muna sa kaibigang si Heart Evangelista.

Sabi niya, “Hindi naman ako nandun para magbantay.

"Actually, dumaan ako sa dressing room niya para magpatulong kung ano ang isusuot ko sa mall show ko. Parang stylist, ‘di ba?

“Kumbaga, I trust her sense of style, tinutulungan niya ako sa imaging ko.

“Mas masarap marinig yung input ng isang tao lalo na from someone who cares about you.”


Hindi niya ba kayang mawalay nang matagal kay Lovi kaya palagi silang magkasama?

Sabi ni Rocco, “’Pag work, work e. ‘Pag kailangang magtrabaho, dapat magtrabaho.

“It’s one thing to look forward, yung communication namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pag hindi ko siya nakakausap, nami-miss ko siya.

“I make it a point na lagi ko siyang nakakausap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN