John Lloyd Cruz describes relationship with Angelica Panganiban as "going strong"

John Lloyd Cruz on relationship with Angelica Panganiban: :I could say, going strong. Nagma-mature kami as individuals and as a team. I think, malaking bagay yung growth niya as individual kasi nagko-compliment yun sa growth namin as a couple. I’d like to believe na ganun."


Halos isang buwan mawawala sa Pilipinas si John Lloyd Cruz at ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban para sa bakasyon nila sa Amerika.

Nalaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John Lloyd na matagal-tagal na rin siyang hindi nakapagbakasyon nang mahaba dahil nahihiya raw siyang umalis o magpaalam nang matagal dahil nakakontrata pa siya sa ABS-CBN at baka biglang may programang ipagawa sa kanya.

Dahil matatapos na ang kontrata niya sa Kapamilya network ngayong October, ngayon lang siya nakahanap ng panahon para magbakasyon.

Saad ni John Lloyd, “First week of November, aalis na kami, siguro mga three weeks kami.

“Finally nga, makakapagbakasyon na ako nang mahaba.

“Ito ang isang bagay na hindi ko nagawa sa loob ng tatlong taon.

“Tatlong taon na akong hindi nakakuha ng ganitong bakasyon, kasi nahihiya nga akong mag-leave nang matagal dahil sa kontrata ko.”

Imi-meet ba nila ang American father ni Angelica sa Amerika?

Ayon kay John Lloyd, “Ang alam ko, pupunta ang daddy niya, kasi magbi-birthday siya.

“Malayo rin ang daddy niya dahil taga-Iowa pa, at sa L.A. [Los Angeles] naman kami, sa pamilya niya dun.

“’Tapos, pupuntahan din namin ang malapit kong kaibigan doon.”



KEEPING IT PRIVATE. Sa kabila ng etstado nila bilang mga sikat na artista, nagagawa pa rin nina John Lloyd at Angelica na hindi masyadong pinag-uusapan ang relasyon nila kapag may mga proyekto silang pinu-promote.

Pero, kumusta na nga ba silang dalawa?

“Okey kami,” nakangiting sagot ng award-winning actor.

“Hindi naman namin masyadong pinag-uusapan na, ‘Kamusta na kaya tayo?’

“Napag-iisipan lang kapag tinatanong ako.

“I could say, going strong.

“Nagma-mature kami as individuals and as a team.

“I think, malaking bagay yung growth niya as individual kasi nagko-compliment yun sa growth namin as a couple.

“I’d like to believe na ganun.

“Kasi, unang-una, hindi pa naman kami mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami pa kaming aspirations sa buhay knowing na you’re free to do whatever you want to do para sa sarili mo at sa trabaho mo.

“Malaking bagay yun na hindi kayo nalilimitahan.”



SUPPORT FOR ANGELICA. Anong suporta naman ang ibinibigay ni John Lloyd kay Angelica nang sampahan ito ng reklamong concubinage ng estranged wife ni Derek Ramsay na si Mary Christine Jolly?

Dating boyfriend ni Angelica si Derek.

Ayon kay John Lloyd, “Nalaman namin na magpa-file nga because a dear friend of mine, tinext ako na parang heads up, may magpa-file nga raw ng case against Angelica, on that day, 2:30 P.M.

“Hindi ako tumuloy sa L.A. noong araw na yun.

“So, siyempre, ayoko namang umalis na iiwan mo nang ganun. Hindi muna ako umalis until the next day.

“Ganoon talaga, e. Minsan, kahit hindi mo na siya maaalala sa nakaraan mo, parang puwede ka pa niyang huntingin.

“Maraming phone calls… basta isa lang ang malinaw noon, ako at ang pamilya ko, we made sure na alam ni Angge na nandoon ang suporta namin.”

Noong Biyernes, October 24, ay nagkasundo na ang kampo nina Derek at Mary ngunit hindi pa napag-uusapan kung babawiin na rin ng huli ang inihain nitong concubinage complaint laban kina Derek at Angelica.

Read: Derek Ramsay and Mary Christine Jolly settle differences for the sake of son Austin


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN