John Lloyd Cruz on his alleged 16-year-old lovechild: "Kung seryoso sila sa allegation nila, they can come forward."

John Lloyd Cruz on rumor that he has a lovechild: "Kung totoo naman ang allegation at meron silang patunay na naniniwala silang totoo ‘yan, dapat gawin natin sa tamang paraan. Hindi mo dadaanin sa blind item, publicity or tetestingin mo ang media kung kakagatin. Ngayon, tuwang-tuwa yun, kasi pini-pick-up ng tao. Sa akin, next time, daanin natin sa tama."


Idinadaan na lamang biro ni John Lloyd Cruz ang lumabas na blind item— pero malinaw namang siya ang pinatutungkulan—na diumano’y mayroon na siyang 16-anyos na anak na babae.

Nakita na ba niya ang sinasabing anak daw niya?

“Dala ko raw sa L.A., sa ASAP, ‘tapos ipinakilala ko raw na pamangkin ko!” tawa ni John Lloyd sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag pa ng 31-year-old actor, “Hindi ko naman pina-follow yung blogger.

“Noong Tuesday kasi, ipinakita sa akin ni Ogie Diaz.

“Sabi ko, ‘Ha?!’ Hindi ko ma-absorb yung sinasabi niya.

“’Tapos, ipinakita niya sa akin, sabi ko, ’A, okey! Ito?’

“Blind item kasi, pero leading to me.

“Yung nagsulat kasi, yung bata. Parang pinick-up lang.

“Kasi, unang-una, kung totoo, dapat lumapit siya sa akin, lumapit siya sa ABS-CBN, makipag-meet sa akin.

“But I highly doubt it.

“Saka, ilang taon ako noon, 15?

“Hindi ko naman siguro para magka-baby ako. Nakakahiya naman sa parents ko.”

NOTHING IS IMPOSSIBLE. May kumpiyansa siyang walang puwedeng lumapit at magsabing anak niya ito?

Sagot ni John Lloyd, “Alam niyo, nothing is impossible.

“At kung meron talagang ganyan na seryoso sa allegation nila, they can come forward.

“Mahirap sabihin yung imposible, kasi yung miracle nga, posible.

“Kaya lang, ako, as far as I remember, kasi ang sinasabi, 16 siya ngayon.

“Dapat 15 ako noong na-conceive siya, parang hindi ko naman yata magagawa yun.”

Sabi pa niya, “Pero yun nga, kung seryoso sila sa allegation nila, they can come forward.

“Kasi ito, feeling ko, tine-test lang kung papatulan o hindi.

“But since nagtatanong na kayo, I guess, kailangan ngang sagutin.”

Paano kung dahil sa sinabi niya ay marami ang magpanggap at lumapit at magsabing anak niya ang mga ito?

“I guess, they can come to the proper course.

“Kung hindi nila alam kung saan ako nakatira o paano nila ako makokontak, they can come to ABS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, technically, employee pa ako ng ABS. Puwede silang lumapit dito o manawagan.”

Para naman niyang binigyan ng ideya talaga ang iba na posibleng nagpapanggap lang?

Sabi ni John Lloyd, “Hindi, hindi ko sila binibigyan ng idea.

“Ang ibig kong sabihin, magkakaroon sila ng idea na gawin ito nang tama.

"Kasi, kung totoo naman ang allegation at meron silang patunay na naniniwala silang totoo ‘yan, dapat gawin natin sa tamang paraan.

“Hindi mo dadaanin sa blind item, publicity or tetestingin mo ang media kung kakagatin.

“Ngayon, tuwang-tuwa yun, kasi pini-pick-up ng tao.

“Sa akin, next time, daanin natin sa tama.

“Kung sa employer ko, puntahan niyo ako sa employer ko.”

LIFE LESSON. Bagamat nakakasiguro naman daw si John Lloyd na wala pa siyang anak, nasabi nitong malaki naman na ang natutunan niya pagdating sa pagkakaroon ng anak.

Saad niya, “Dalawang kuya ko, produkto ng early marriage, e.

“Yung isang pinsan ko, yung isang pinsan ko pa…

“Alam niyo, talagang nag-iba ang pagtingin ko diyan sa pagkakaroon ng anak. Hindi mo siya puwedeng iitsapuwera.

“Baka kapag gusto mo ng magkaanak, baka hindi ibigay sa ‘yo.

“Kaya maayos and I’d like to believe na very mature ang pang-unawa ko sa pagkakaroon ng anak.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN