Arnel Pineda’s life story to be featured in a Hollywood film

Arnel Pineda on producing an indie film: “Actually, iyan ang parang pinag-iinitan ko. If I have the chance, the time to do it, I think gusto kong mag-produce ng indie movie.”


Ngayon pa lang ay abala na si Arnel Pineda, Pinoy lead singer ng international rock band na Journey, sa pag-aasikaso sa kanyang bagong “baby”—ang Asian Music Camp (AMC), kung saan katulong niya sa produksiyon ang Sanre Entertainment nina Rene Walter at Laura Sanchez.

Isa itong music talent competition para sa mga banda mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Magsa-submit ang mga banda ng kanilang raw music video sa www.asianmusiccamp.com, at ang taumbayan naman ang boboto online para sa kanilang paboritong banda.

Ang submission at voting ay magsisimula sa January 1, 2015 at magtatapos sa March 31, 2015 para makapili ng finalists, na mapapanood sa television broadcast nito.

Ang mananalong banda ay magkakamit ng cash, recording deal, at management contract na may kabuuang halaga na US$1 million.

Ang Asian Music Camp daw ang paraan ng paggi-give back ni Arnel sa mga katulad niyang musikero na nangangarap na magkaroon ng career at maging star.

Pero bago pala itong AMC, una munang inalok ng Sanre Entertainment si Arnel na isapelikula ang kanyang buhay.

Ayon kay Rene Walter ng Sanre, may budget na US$22 million ang Hollywood biofilm ni Arnel.

Iba raw ito sa lumabas na 2012 documentary film tungkol sa Journey at sa pagpasok ni Arnel bilang bagong lead vocalist ng banda, ang Don’t Stop Believin’: Everyman’s Journey.

Sabi ni Arnel, “Actually, iyan yung sinasabi ko na ayoko sana, ‘eto ang mas gusto ko, yung AMC.

“But then, sabi ni Rene Walter, kailangan magkasama ito, e, kasi yung nangyari sa akin hindi ordinary. It was an extraordinary story.

“So, kailangan kasama siya para talagang ma-inspire lahat ng aspiring musicians out there na hindi nabigyan ng chance to realize their dreams.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Arnel sa Philippine press launch ng Asian Music Camp, noong Oktubre 25, sa Garden Ballroom ng Edsa Shangri-La Hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DEVELOPMENT STAGE. Don’t Stop Believin’ daw ang working title ng biofilm ni Arnel, na ipo-produce ng Media Trust Entertainment kasama ang Sanre Entertainment.

Posible raw na i-release ito ng Warner Bros.

Bago ang movie na ito, may iba pa bang nag-offer sa kanya para gawin ang pelikula?

Ayon kay Arnel, “Meron, yung gumawa nung documentary mismo, si Direk Ramona Diaz.

“But then, you know, wala na, e, hindi na agad napag-usapan.

“And then, eventually, na-meet ko si Rene Walter.”

Siya ba ang gaganap sa movie niya?

Ayon sa Pinoy singer, “I will do some parts, ewan ko, depende, baka I’ll try to have workshop.

“Pero as much as possible, siguro kukuha sila siguro ng Hollywood actor na papapel sa akin, na talagang kailangang mag-aral ng Tagalog.”

Kailan nila sisimulan ang pelikula?

“It’s in the development. Naghahanap na tayo ng mga artista, e, nag-scout na tayo.”

Na-interview na ba siya ng scriptwriter?

“Ah, yes, but I need to have another interview with another scriptwriter para maano siya…

“Kasi dinedetalye kasi yung istorya ko from, you know, magmula noong ipinanganak ako.”



NOT OFFERED BY MMK. Dito sa Pilipinas ay ang ABS-CBN ang home network ni Arnel.

Hindi ba siya nilapitan ng Maalaala Mo Kaya para itampok ang kanyang life story?

Sagot niya, “Ay, hindi pa ako in-offer.

“I was never offered ng MMK all these years. I wonder why?

“Ni hindi kami nag-reach sa ganyan na pabulong, na sinabi na, ‘Arnel…’

“Wala, walang nag-mention from ABS.”

Pero open naman siya kung sakaling alukin siya?

Tugon ni Arnel, “Oo naman, siyempre.

“Kaya lang ngayon na the movie is on the works, I don’t know if we would be able to accommodate pa yung MMK, kasi nga ‘eto na may movie na.”



INDIE MOVIE. Inamin din ni Arnel na isa sa mga tina-target niya ang makapag-produce ng indie movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, iyan ang parang pinag-iinitan ko.

“If I have the chance, the time to do it, I think gusto kong mag-produce ng indie movie.”

Ano ang nakaengganyo sa kanya para maisip ito?

“Kasi, I like the way it’s being done, e.

“Mas raw siya, mas ano yung dating e… wala diyan yung mga pa-cute o ano, e.”

Bukas din ba siya na subukan ang pag-arte?

“Tingnan natin muna. Medyo parang on and off ako sa parteng iyan, e.”

Aware naman daw siya na may mga band vocalist na sinubukan na ring umarte.

“I know, nandiyan si Ely [Buendia], Rico Blanco,” sabi ni Arnel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN