Raymart Santiago on being a family again: “Hindi na mangyayari yun, medyo suntok sa buwan.”

Inamin ni Raymart Santiago na miss na miss na niya ang kanyang mga anak. Hindi raw kasi niya ito regular na nakikita taliwas sa nakasaad sa kanyang visitation rights na ginarantiya ng korte.


Noong October 22, Miyerkules, ay nag-post ang Kapuso actor na si Raymart Santiago sa kanyang Instagram account tungkol sa kanyang mga anak.

Sabi ni Raymart sa caption: “#tbt to sabina and satino...i miss hugging you,kissing you,cooking for you, smelling your breath in the morning , i will love you forever... keep that in mind ... hope to see the both of you soon ...PAPA."

Kagabi, October 28, sa pocket presscon ng bagong GMA primetime series na Second Chances, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raymart tungkol sa kanyang post.

Hindi ba niya regular na nakikita ang kanyang mga anak na sina Sabina at Santino?

Sagot niya. “Well, yun ang pinapalabas nila na regular na nakikita, pero hindi nangyayari yun, e.”

Ang tinutukoy ni Raymart ay ang kampo ng kanyang estranged wife na si Claudine Barretto.

VISITATION RIGHTS. Sunod na tanong ng PEP ay ang tungkol sa kanyang visitation rights.

Aniya, “Yes, meron. Hindi ko alam yung mga nangyayari.”

Ini-insist ba niya yung right niya para regular na makita ang kanyang dalawang anak?

Tugon ni Raymart, “Of course, pero nandun na sa kaso ‘yan, hini-hear na ’yan, at nirerespeto ko naman yung desisyon ng judge.

“Kagaya nung namatay yung mommy ko [Cielito Legaspi-Santiago], pumunta dun [yung mga bata].

"Pero ang usapan namin, the whole duration ng [lamay], three days.

“Isang araw ko lang nakita, isang araw lang pinapunta yung mga anak ko.

"Meron lang bisita na dumating na ayaw niya [Claudine], hindi na pinapunta.

“Well, pero parang labas na nga dun, e, pero hindi ko na lang palalakihin."

Sabi ng aktor, "Alam ng mga anak ko na mahal na mahal ko sila."

Mensahe pa niya sa kanyang mga anak: “I love you Santino and Sabina, at yun, hindi na magbabago yun na mga anak ko kayo... I love you.”

Namayapa ang ina ni Raymart na si Cielito Legaspi-Santiago noong September 26, 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang umpukan sa pocket presscon kagabi, napag-alaman ng PEP na ang mga kaalitang kapatid ni Claudine na sina Gretchen at Marjorie Barretto ang tinutukoy ni Raymart na "mga bisitang hindi gusto" ng kanyang estranged wife.



REAL LIFE’S SECOND CHANCES. Sa totoong buhay, ano ang mga gusto niyang mga bagay o pangyayari na gusto sana niyang magkaroon ng "second chances"?

Saad ni Raymart, “Well, siyempre, alam naman natin yung mga pinagdaanan ko.

"Hindi natin masasabi na may second chance kami, pero as friends siguro, okay… possible.”

So, okay na siyang makipagkaibigan kay Claudine alang-alang sa kanilang mga anak?

Mabilis niyang tugon, “Oo, may anak kasi kami.”

Pero ang pag-asang muling mabuo ang kanilang pamilya, mag pangalawang pagkakataon pa ba para rito?

Natatawang sagot ni Raymart, “Hindi na mangyayari yun, medyo suntok sa buwan!”

Naniniwala ba si Raymart sa second chances?

Ayon sa 41-year-old actor, “Well, depende.

"Kung second chance na umibig muli, meron.

“Pero sa ngayon, wala pa, wala pa sa ngayon.”

Handa na ba siyang magmahal muli?

Nakangiting sagot ni Raymart, “Hindi. Darating tayo diyan, phasing… phasing.”

Wala pa raw siyang idini-date sa ngayon.



SECOND CHANCES. Sa seryeng Second Chances, ginagampanan ni Raymart ang role ni Bernard.

Medyo patikim nitong kuwento sa kanyang role, “Ako si Bernard, mahal na mahal ko ang pamilya ko.

“Meron isang anak, sa kasamaang palad ay namatay ang asawa ko at napabayaan ko ang anak ko at nakilala ko si Jennylyn.”

Ang karakter naman ni Jennylyn Mercado ay isang ina na namatayan din ng anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN