Rey "PJ" Abellana puts Tom Rodriguez on the hot seat over real score with his daughter Carla

Did Tom Rodriguez admit the real score between him and Carla Abellana to her dad Rey "PJ" Abellana during an episode of Don’t Lose the Money? Rey said, “Bumulong sa akin, pero hindi ko sasabihin sa inyo. Ako, mas gusto ko na sila na ang magsabi, kaysa ako. On the side lang naman ako, bakit ako ang magsasabi?”


Nagkita sa unang pagkakataon si Rey "PJ" Abellana at ang nali-link sa anak niyang si Carla Abellana na si Tom Rodriguez sa taping ng game show ng huli sa GMA, ang Don’t Lose The Money, kamakailan.

Ano naman kaya ang naging impresyon ni Rey kay Tom?

Sabi ng ama ni Carla, “He’s okay. Magaan ang dating niya sa akin.

"Parang gusto ko yung personality niya.

Pag-uulit pa niya, “It seems that Tom is okay. Ang dating niya sa akin ay magaan.

“You know, sa mga alanganing sitwasyon, mayroon ’yang feeling kung yung tao ay magaan o mabigat ang dating.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Rey sa press conference ng kinabibilangan niyang bagong GMA primetime series na More Than Words, kahapon, October 28.

HOT SEAT. Sa pagkikita nina Rey at Tom, inamin ng una na hindi niya naiwasang ma-’hot seat’ ang hunky actor.

Kuwento ng beteranong aktor, “Anyway, noong nag-guest ako sa show niya na Don’t Lose the Money, pinaako ko siya on the spot.

“Pinaamin ko siya on the spot without his knowledge. Namula siya nang husto, na-hot seat ko, e!”

May nasabi ba si Tom sa kanya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Carla?

Sagot ni Rey, “Umamin, bumulong sa akin, pero hindi ko sasabihin sa inyo.

“Ako, mas gusto ko na sila na ang magsabi, kaysa ako.

"On the side lang naman ako, bakit ako ang magsasabi?"



OKAY WITH TOM? Sa kabila nito, hindi naman diretsang masagot ni Rey kung aprubado ba sa kanya si Tom para kay Carla.

Katuwiran ng ’80s matinee idol, “I could comment in that question kung mas nakaka-jamming ko pa nang mas mahaba-habang oras yung tao para mas kumportable akong medyo kilala ko na.

“Of course, as much as possible, I also would like to see the bad side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo naman, bilang typical na magulang, we just like the safety and the best for our children.

“Umiyak na ang anak ko minsan, paiiyakin ulit.

“’Buti sana kung may bayad ang pag-iyak na ’yan, okay lang ’yan.

“Pero yung libreng iyakan, may reklamo tayo diyan.”

Ang huling boyfriend ni Carla ay ang aktor na si Geoff Eigenmann.



NOT SEEING CARLA FOR A WHILE. Aminado naman si Rey na hanggang ngayon ay hindi pa niya direktang natatanong si Carla tungkol sa mga bali-balita sa kanila ni Tom.

“Nasasagap ko na lang yung mga issues from other people na click na click sila, ang ganda ng chemistry, ang ganda ng pairing, ang ganda ng show, na parang sila na.”

Kaugnay nito, inamin din ng aktor na matagal na silang hindi nagkikita ng kanyang dalagang anak.

Saad niya, “Halos hindi na kami nagkikita ng mga anak ko.

"Birthday ko nga, wala siya, because of her schedules.

“Nakakalungkot na, right now, yung once a week before, naging once in a blue moon na ngayon because of her career.”

Ngunit ayon kay Rey, “Of course, I understand that because that happened to me sometime ago.

“You know, during the peak of my career way back, I hardly see my parents anymore, my brothers, and my usual friends.

"I hardly see them anymore because of the hectic schedules.

“Ganoon talaga ang show business, yung sarili mo, pagmamay-ari na ng publiko.

“Sila na yung pinagtatrabahuhan mo para mabigyan ng entertainment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN