Ruru Madrid nominated for Best Actor in Singapore International Film Festival

Ruru Madrid on Gabrielle Garcia: "Mas gusto ko yung conservative type na gaya niya. Pero malabo na ma-develop kami sa isa’t isa... hindi natin masasabi, halimbawa nag-away kami... mahihirapan ang loveteam namin na mas magpakilig. Kasi hindi na totoo yung lumalabas, e."


Pagkatapos ng Sunday All Stars noong Linggo, October 26, ay dumiretso na sa airport si Ruru Madrid para sa kanyang flight patungong Japan.

Doon kasi unang ipapalabas ang indie film na Above The Clouds, kung saan bida silang dalawa ng aging rocker na si Pepe Smith.

Sabi ng Kapuso teen actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago siya umalis, “Ito ang pelikulang ginawa namin sa Baguio, Sagada, at Mt. Pulag.

“Si Pepe Diokno po ang director nito.

“Actually, two years po namin itong ginawa, as in sobrang tagal na po.

“Na yung continuity namin, talagang ang lalayo na, parang ganun po.”

Acting piece daw ang kanyang role dito, kaya talagang ibinuhos niya ang kanyang acting talent para magampanan nang maayos ang kanyang character.

Banggit pa ni Ruru, “Pagkatapos po sa Japan, this coming December 12 po ay pupunta naman kami sa Singapore.

“Nominated daw po ako as best actor for this film na kasali sa isang film festival doon sa Singapore.

"Hindi naman po ako nag-i-expect na manalo, pero maghu-hope lang po ako siguro. Pero hindi nga lang yung asang-asa.

“Ayokong masyadong mag-expect kasi mahirap na, baka mamaya, hindi naman ako ang manalo!”

Huling napanood si Ruru sa katatapos lang na teleseryeng My Destiny at sa isang episode ng Seasons of Love ng GMA. Wala pa siyang bagong soap na uumpisahan?

Aniya, “Meron na raw pong bagong pinaplano.

"Baka po pagbalik ko galing Japan, saka kami mag-i-start po.

“Hanggang Saturday [November 1] po ako sa Japan.

"And then, pagbalik ko po, baka mag-taping na kami kaagad para sa isang bagong show.

“Teleserye po ito. Sa pagkakaalam ko, parang romance-comedy po ang tema.”

Sino ang kanyang makakapareha?

Ayon kay Ruru, “Si Gabrielle Garcia po. Siya po yung naging ka-partner ko rin sa My Destiny at saka sa Seasons of Love.

KILIG TANDEM. Balitang marami na nga raw kinikilig sa tandem nina Ruru at Gabrielle, at mabilis ang pagdami ng kanilang mga tagasuporta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon dito ng 16-year-old actor, “Siyempre natutuwa ako.

"Siyempre, kumbaga, natutuwa sila sa loveteam namin ni Gab.

“And feeling ko, parang itutuluy-tuloy na, excited ako siyempre.

“Kasi napamahal na sa akin si Gab...” tila nadulas na sabi ni Ruru.

“As friend, ha!” natawang pagbawi niya.

Sa mga pictures na ipinu-post nila sa Instagram, sobrang sweet nila na parang may something special na sa pagitan nilang dalawa.

Pero paglilinaw ni Ruru, “Hindi, kasi very close lang talaga kami.

"Si Gab naman po, hindi siya mahirap mahalin.

“Kasi ano po, e, parang nakikita ko rin sa kanya yung ugali ko po.

"Makulit na… lahat ng mga jokes niya, nasasakyan ko.

“So, feeling ko, talagang may possibility.”



NOT YET. Girlfriend material bang masasabi si Gab para sa kanya?

“Opo, kasi siya yung tipo ng babae na… ako po kasi, mas gusto ko yung conservative type na gaya niya.

"Pero malabo na ma-develop kami sa isa’t isa," sabi ng binata.

Ano ang nakakapigil para ligawan niya nang tuluyan si Gab?

“Siguro iniisip ko kasi ang future naming dalawa as loveteam, e.

"Kapag halimbawa naging kami, kasi hindi natin masasabi, halimbawa kapag nag-away kami.

“Kapag po nangyari ‘yon, mahihirapan ang loveteam namin na mas magpakilig.

"Kasi hindi na totoo yung lumalabas, e.

“Sa magkarelasyon kasi, hindi maiiwasan na magkaroon ng away o problema.

"At kapag may ganung nangyayari, apektado ang loveteam at ang trabaho namin. Dun ako natatakot.

“Pero feeling ko rin naman po, hindi mangyayari iyon.

"Kasi, kumbaga, tugmang-tugma ang ugali namin sa isa’t isa."

Iyon naman pala. E, di walang problema?

Rason ni Ruru, “E, masyado pa po kaming bata ni Gab para sa ganung bagay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN