Annabelle Rama on daughter Ruffa Gutierrez's lovelife: "Surrender na ako."

by Arniel C. Serato
Oct 29, 2014
Suko na raw si Annabelle Rama sa paggabay sa kanyang anak na si Ruffa Gutierrez pagdating sa lovelife nito. Sabi naman ni Ruffa, hayaan na lang daw siya ng ina na matuto sa mga leksiyon ng buhay.

Ngayong araw, October 28, ang ika-62 kaarawan ng talent manager at celebrity mom na si Annabelle Rama.

Kaninang umaga, habang nagkakape, muling nag-tweet si Annabelle sa kanyang followers upang ipaliwanag ang nangyaring gusot sa pagitan nila ng panganay na anak na si Ruffa Gutierrez.

Una muna ay nagpasalamat si Annabelle sa supporters niya at sa mga naniniwalang hindi gimik ang sagutan nila ng anak para sa show nila sa isang cable network.

Sinabi rin niyang hindi siya marunong gumawa ng gimik kundi prangka lang daw siya at honest.

Narito ang mga unang tweets ni Annabelle:

1) Good morning to all. Having coffee while reading all newspapers. Thank You sooo much sa lahat ng nagsusulat ng positive at sa lahat ng...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

2) naniniwala sa akin regarding sa issue naming mag-ina. Yung mga hindi naniniwala at sinusulat pa na gimik para sa reality show namin na...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

3) #ItTakesGutzToBeAGuttierez Well, I can't do anything kung yan ang paniniwala nyo Siguro new reporter ang nagsulat di nya alam pagkatao ko

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

4) Di ako marunong gumawa ng gimik para pag-usapan. Di ako uhaw sa publicity Di ako nag-uumpisa ng away, pero di ako basta tumatahinik lang

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

5) I'm just frank and honest sa mga sinasabi ko na galing sa puso. Ang problema ko lang, masama akong magalit and I can't control it...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

Matatandaang nagsimula ang alitan ng mag-ina noong Sabado, October 25, nang mag-walkout si Ruffa sa advance birthday dinner ni Annabelle sa 71 Gramercy.

Read: Ruffa Gutierrez and mom Annabelle Rama engage in another Twitter spat



THE INTIMATE DINNER. Sa mga kasunod niyang tweets, ipinaliwanag ni Annabelle kung paano nagsimula ang alitan nila ni Ruffa.

Si Ruffa raw ang unang nag-tweet tungkol sa kanyang pagwu-walkout sa birthday party ng ina at sinagot lang daw ito ni Annabelle.

Continue reading below ↓

Narito ang tweets ni Annabelle tungkol dito:

6) Regarding the issue last Saturday during my intimate dinner, sa speech ko, hindi ko akalain na may mag-react sa mga sinasabi ko...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

7) Kung may nasaktan man, siguro guilty. Kasi di ko naman pinaplano ang bawat sasabihin ko Di ko pinag-aaralan Lumalabas na lang sa bibig ko

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

8) Kaya ako nag-tweet dahil sinagot ko lang ang tweets nya. Pero never akong nag-umpisa ng tweet...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

9) May nag text lang sa akin kung anong nangyari at bakit may nag walk-out sa dinner ko, but Before I reacted sa bad news, I told my...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

10) friend to read the tweets for me. When I started tweeting, nagulat na lang ako kung bakit lumaki ang issue.

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

“SURRENDER NA AKO.” Nagpaliwanag din si Annabelle kung bakit niya patuloy na pinakikialaman ang lovelife ng 40-anyos na anak.

Bilang isang ina, ayaw na raw niyang maulit ang pagiging battered wife nito mula sa dating asawang si Yilmaz Bektas.

At dahil hindi raw nakikinig si Ruffa, surrender na raw siya sa kanyang pagpapayo at paggabay para sa ikabubuti nito.

Narito ang mga tweets ni Annabelle tungkol dito:

11) Yung mga nag-comment na kung bakit hanggang ngayon pinakikialaman ko pa rin ang lovelife ng anak ko, heto ang reasons, basahin nyo...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

12) 1st Reason: Ayokong maulit ang nangyari sa kanya sa ex-husband nya. Kasi nakikita ko itong bagong lalaki sa buhay niya na carbon copy...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

13) sa ex nya sa pagsasalita at sa kilos. Mabait lang sa umpisa pero pag nagtagal na nag-iiba na ang ugali. Opinion ko yan sa nakikita at...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

14) naraamdaman ko. Kung na miss niya ang boxing at tutukan ng baril at ikulong sa cabinet, ok bahala ka na at yan ang gusto mong mangyari.

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

15) Surrender na ako. Hindi lang mga kamay kp ang itataas ko, pati mga paa ko itataas ko na rin sa pagsuko ko...

— Annabelle Rama (@annabellerama2) October 29, 2014

Matapos nito, muling nagpasalamat si Annabelle sa kanyang supporters at nakaintindi sa kanya. Ganyan lang daw siya mag-alaga bilang isang ina.

“ALLOW ME TO LIVE MY LIFE.” Nag-react naman kaagad si Ruffa sa naging mensahe ng ina.

Sa pamamagitan ng Twitter at Instagram, nagbigay rin ng mensahe si Ruffa para sa ina.

Binati muna ni Ruffa ang ina nito sa kanyang kaarawan.

Trying not to care at all is difficult when you care so much. Happy birthday Mom! 🎂🎉🎁… http://t.co/nlaqVxFUHG

— Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) October 29, 2014

Matapos nito, nagpasalamat si Ruffa sa pag-aalaga ng ina sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Continue reading below ↓

Pero nagsabi rin ang TV host-actress na pakawalan na siya at hayaang i-enjoy ang kanyang buhay na hindi na pinakikialaman ng ina.

Narito ang tweets ni Ruffa:

Thank you for protecting me and watching out for me but it doesn't mean that just because someone looks like my ex, he's abusive na! 😳

— Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) October 29, 2014

Allow me to live my life! I've learned from my past & if life teaches me more lessons, then be there for me. Support me!

— Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) October 29, 2014
Read Next
Read More Stories About
Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Suko na raw si Annabelle Rama sa paggabay sa kanyang anak na si Ruffa Gutierrez pagdating sa lovelife nito. Sabi naman ni Ruffa, hayaan na lang daw siya ng ina na matuto sa mga leksiyon ng buhay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results